Chapter 11

1.3K 106 19
                                    

~*~


Isang linggo na ang nakaraan mula ng nag mag apply at matanggap siya sa Z's Cafe, medyo nag aajust pa siya sa scedule niya dahil, 6:00 to 6:30 pm ang uwian niya galing sa school samantalang 7:00 pm naman ang start niya sa Z's cafe hanggang sa 11:00 pm, apat na oras lang ang pasok niya dito, dapat ay hanggang 1 am siya pero hindi siya pinayagan ni Manager Jho dahil alam nitong estudyante siya, pero kahit na ganun ay buo pa rin naman ang sahod niya

"Gabb table 6 daw" biglang saad ng kasamahan niya sa trabaho, agad naman siyang lumapit dito at inasikaso ito

"Table 8, Gabb" saad ng kasamahan niya ng makabalik siya sa puwesto niya, napabuntong hininga siya

Ilang oras ang lumipas, ito siya nasa locker para mag palit ng damit, kakatapos lamang ng trabaho niya, dumating na rin ang papalit sa kanya, 24 hrs open kasi ang Z's cafe

Nang matapos siya sa pag aayos sa kanyang sarili ay agad siyang nag paalam sa mga kasamahan niya

Dahil medyo may kalapitan din naman ang Z's Cafe sa bahay nila ay nilalakad na lamang niya ito pauwi, hindi naman siya natatakot mag lakad dahil puro kabahayan din naman ang dadaanan niya at saka puro poste din ng mga ilaw

Habang nag lalakad siya ay napatingin siya sa kanyang cellphone na mumurahin at kunti maling hawak mo lang dito ay bibigay at masisira na ito, nirepair lamang kasi ito ng kanyang papa, napatingin din siya sa kanyang bracelet na nirepair din ng papa niya, napangiti.

Ilang minuto pa ay nakarating na din siya sa kanilang bahay, nag taka siya dahil may nakaparadang pamilyar na kotse

Para malaman kung tama ba siya ng hinala kung kaninong kotse ito ay agad siyang pumasok, at doon bumungad ang mukha ni Theon, tama nga siya kay Theon ang kotse sa tapat ng kanilang bahay.


"Where have you been?" salubong na tanong sa kaniya nito, nagulat siya sa tanong nito, dahil sa pag kakasabi kasi nito ay daig mo pa siya nitong may bahay na ginabing umuwi dahil sa hindi malamang dahilan, namula ang pisngi niya dahil sa naisip.

Bahagya muna niyang nilunok ang laway niya na sa tingin niya ay babara ito kung hindi niya nilunok, bago siya mag salita

"Ah, eh may trabaho kasi ako" saad niya sa binata at saka niya ito tiningnan at doon niya lang napansin na karga karga nito ang anak nila,

Kumunot ang noo niya bago siya lumapit kay Theon para kunin ang bata, napaisip siya bakit karga karga nito ang bata, baka masanay ito.

Maingat niyang kinuha  ang bata sa kamay ni Theon na agad din namang binigay sa kanya, saglit siyang nag paalam dito para dalhin ang bata sa kuwarto

"Umalis pala si mama at si papa" biglang saad ni Theon sa kanya ng akmang aalis na siya, nangunot ang noo niya, mama? papa?

"Si mama mo at si papa mo" biglang bawing saad ulit ni Theon sa kanya

"Saan daw?" tanong niya dito

"Kay Inana daw?" sagot sa kanya ng lalaki, tumango siya dito, si Inana ay ang mama ng kanyang papa na nasa kabilang bayan, bakit naman kaya biglaan ang pag punta ng mga ito doon? may nag yare ba, na hindi niya alam

"Tinawagan ako kanina para ihabilin ang bata" dagdag pang saad nito sa kanya, tumango siya sa narinig

"Ahh ganun ba? Salamat" saad na lamang niya dito, at saka niya pinag patuloy ang pag lalakad papunta sa kuwarto para ibaba ang bata sa higaan

Maingat niyang binaba ang bata, nag lagay din siya ng unan sa mag kabilang gilid nito, may kalikutan na rin kasi ito lalo na't mag iisang taon na rin ito

Nang masiguro niyang maayos na ang kanyang anak, binalikan niya ang binata, dumako pa ang kanyang mata sa kanilang orasan at doon niya napag alaman na alas dose na ng umaga

"Kumain ka na ba?" salubong na tanong sa kanya ng binata ng makabalik siya sa pwesto nito kung saan niya ito iniwan

"Oum tapos na, ikaw ba?" balik na tanong niya dito

"Tapos na rin." sagot ni Theon sa kanya

Pag katapos ng usapan nilang iyon ay natahimik silang dalawa na animo'y may dumaang anghel

"Ahm, dito ka na pala matulog, ihahanda ko lang ang isang kwarto" biglang saad niya sa binata, para maiwasang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa

Akmang aalis na siya ng pigilan siya nito sa pamamagitan ng pag hawak sa kanyang braso, natigilan siya

"Ah pwede bang makatabi ang bata?" saad nito sa kanya, halata sa boses nito ang hiya at pag aalinlangan

"Ah eh sige" biglang naisaad niya dahil sa kaba at sa bilis ng pag pigtig ng kanyang puso

"Ah eh sige, ihanda ko lang ang k-kwarto"  kinakabahang saad niya sabay alis ng kamay ng binata sa braso niya

Pag karating sa kuwarto niya ay mahina niyang pinagalitan ang sarili, bakit ganun lang kadaling mapaoo siya ni Theon

Malalim na hininga ang pinakalwan niya bago tumingin sa anak na mahimbing pa ring natutulog, tama bata ang gustong makatabi ni Theon at hindi siya, bakit ba nag iisip siya ng kung ano ano, asa pa siya

Nang matapos niyang ihanda at ilabas ang bagong kumot at punda, agad na siyang lumabas para muling puntahan si Theon

"Ahm, pwede ka ng pumasok sa kwarto" saad niya sa binata

"Doon ka rin ba matutulog?" tanong nito sa kanya nang makatayo ito.

"Oum, hindi kasi ako sanay na hindi ko nakatabi sa pag tulog ang anak ko, pero kung hindi ka comfortable pwede naman akong matulog sa kwarto nila mama" saad niya sa binata, well totoo iyon, simula ng isinilang niya si Baby Gael, gusto na niyang laging katabi ang bata sa kanyang pag tulog, at sa tingin niya ay mahihirapan siyang makatulog kung hindi niya katabi ang bata

"Okay lang naman sa akin" sagot sa kanya ni Theon

"Mabuti naman kung ganun" sagot niya sa binata, tiningnan siya nito ng nakangisi kaya naman muli siyang nag salita

"Ang ibig kong sabihin mabuti naman at makatabi ko sa pag tulog ang anak ko" pag bawi niya, baka kasi isipin ng lalaking kaharap niya ay gustong gusto niyang makatabi ito sa pag tulog sa isang kama

ngumiti lamang sa kanya ang binata at saka na una ng pumasok sa kwarto kung saan malalim na natutulog ang anak na

Nang hilamos muna siya ng kanyang mukha bago niya napag pasyahang sumunod sa kwarto, doon niyang nakita ang naka boxer at naka sandong si Theon, bigla tulog namula ang mag kabilang pisnge niya.

"Amh, pasenya na ang init kasi, hindi ako sanay" saad sa kanya ng binata na ang tinutukoy siguro ay ang pag bo-boxer at sando lamang nito

"Kung naiilang ka, pwede ko namang tiisin ang init" saad sa kanya ni Theon at saka tumayo para muli sanang soutin ang pantalon at polo nito, lalong namula ang pisngi niya napadako kasi ang tingin niya sa boxer nito, napalunok siya bago mag salita para pigilan ang binata

"Di' o-okay lang" saad niya dito, nahihiya rin naman kasi siya dahil iisang ilectric fan lamang ang gamit nila sa kwarto at alam niyang hindi ito sanay dito dahil lumaki ito na aircon ang gamit

Umikot siya sa may kama para puntahan ang kaliwang bahagi ng kama para doon mahiga, nasa kanan kasi si Theon

Humalik muna siya sa anak niya bago siya tumalikod sa anak niya at kay Theon, pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog pag nakikita niya ang binata

"G-Gabb?" pag tawag sa kanya ni Theon, hindi siya lumingon dito sa halip pinikit niya ang kanyang mata

"Gabb, sundan na natin si Baby"

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora