chapter 7

1.3K 106 6
                                    

~*~

Nang lumabas si Gabb ay may karga karga na itong bata, umiiyak ito kaya naman agad niya itong inalo

"Nay pahawak po muna ako kay Gael, ipag titimpla ko lamang siya ng gatas" saad niya sa kanyang ina, malakas na kasi ang pag iyak nito marahil ay nagugutom na ito, nacheck na rin niya ang Diaper ng bata wala naman itong pupu

"Pwede bang ako na lang ang humawak?" tanong ni Theon sa kanya, napatingin siya sa binata

"Marunong ka ba?" nag dududa nitong tanong kay Theon, baka kasi mabalian ang anak niya lalo na't mag iisang taon pa lamang ito, malambot pa ang mga buto

Tumango ang binata sa kanya, kaya naman maingat niyang binigay ang bata dito

"M-Mag titimpla na ako ng gatas" ika niya ng ibinigay niya ang anak niya sa binata ay nag tama ang kanilang mga mata

mabilis siyang pumanhik pa balik ng kanyang kuwarto para ipag timpla ang kanyang anak na ngayon ay umiiyak pa rin

Nang makabalik siya sa anak niya ay tahimik na ito, dahil inaalo ito ni Theon

lumapit siya kay Theon para kuwain ang bata ngunit tumutol ito, dahil ayon sa binata siya na lamang daw ang mag papadede dito

"S-Sige, tutulungan ko na lang muna si mama sa kusina" saad niya kay Theon bago dali daling nag tungo sa kusina, ewan ba niya sa kanyang sarili kung bakit siya nauutal kapag kausap niya ang binata, kaya naman para hindi na humaba pa ang kanilang usapan ay nag dahilan na lamang siyang tutulungan ang inang kasalukuyang nag hahanda ng kanilang pang hapunan

"Siya ba?" bungad na tanong ng kanyang ina sa kanya nang pumasok siya sa kusina, kinabahan siya

Alam niya kung ano ang tinutukoy nito ngunit nag maang maangan siya

"Ang alin ho?" tanong niya sa ina

"Ang ama ng apo ko?" deretsong tanomg sa kanya ng ina

tumango siya sa tanong ng ina, hindi na naman niya kasi kailangang ilihim pa iyun

"Opo" sagot niya sa tanong ng kanyang ina nang matapos siyang tumango

"Alam ba niya? nakapag usap na kayo? muling tanong sa kanya ng ina

"Nasabi ko na po sa kanya at nakapag usap na po kami, mukha pong hindi naniniwala" sagot niya sa tanong ng ina niya

"Sabagay kung hindi ko rin siguro nakita kung paano mo dinala ang apo ko marahil ay hindi rin ako maniniwala na ikaw ang nag dala" saad sa kanya ng ina habang nag hahalo ito ng kanyang niluluto, siya naman ay preting naka upo lamang habang pinag mamasdan ang ina sa pag luluto

"Gusto pong ipa Dna Test ang bata" saad pa niya sa kanyang ina

" ayos na rin 'yun ng malaman  niya na nag sasabi ka ng totoo" tugon ng ina niya sa kanya

"Oo nga po ma, at saka suswento lang naman ho talaga ang habol ko" sagot niya sa kanyang ina

"Weeh?" nag dududang tanong ng ina niya sa kanya

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now