Chapter 16

1.3K 100 19
                                    

~*~

“Hindi ko alam na dito ka pala nag tratrabaho sa Coffee shop ko” basag ni Zach sa katahimikan

Kasalukuyan sila ngayong nasa loob ng coffee shop sa may dulong bahagi , pag katapos kasi ng pag kikita nila kanina ay inaya siya ng binata na mag usap, kinalibutan pa nga siya sa sinabi ng binata na

Let’s talk”

Ah hehe” naiasad na lamang niya sa sinabi ng binata, hindi niya alam kung ano ang sasabihin, hindi niya alam kung paano niya papakitunguan ang binatang kaharap, alam niya simula pa lang ng makita niya si Manager Jho na posible silang mag kita pero hindi siya nakapag handa kung paano ito pakikitungoan

“So, how are you? It's been a year since na nakapag usap tayo” pag tatanong pa ng binata sa kanya, para lamang mag ka topic silang dalawa, marahil ay napansin nito na wala siyang balak mag salita kaya naman ito na lamang ang nag bukas ng topic para sa kanilang dalawa

“A-Ahh HAHA oo” lutang niyang sagot sa binata dahilan para mapatawa rin ito

“I mean, o-okay lang ako, ikaw ba?” sagot niya sa binata

“Okay lang naman pero pakiramdam ko may kulang pa rin” pag amin sa kanya ng binata

Nangunot ang kanyang noo "huh?" tanong niya dito, kulan? e tingin naman niya sa binata ay nandito na ang lahat

“Anong kulang?” pag tatanong pa niya sa binata

Ikaw” diretsyong saad sa kanya ng binatang kaharap

Natigilan siya pag kakuwan ay mahinang tumawa dahil sa naging sagot ng binata, marahil ay gino- good time siya nito, ilang years na rin naman silang hindi nag kita, 3 yrs? at sa tingin niya ay nawala na ang nararamdam nito para sa kanya

“Anong nakakatawa?” seryosong tanong sa kanya ni Zach, natigilan naman siya sa pag tawa dahil dito

“Wala” nakayukong sagot niya dahil sa hiyang nararamdaman niya sa binata

Seryoso ako Gabb Riel Tuazon, gusto kitang ligawan, gusto kung gawin 'yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa sayo noon” seryosong saad ng binata sa kanya

“T-—Teka, l—ligaw? ang bilis mo naman ata?” namumula at nauutal na sabat niya sa binata, kanina lamang ay iniisip niya kung paano niya pakikitunguan at kakausapin ang binata tapos ngayon ay gusto na agad siya nitong ligawan, hindi pa nga siya nakaka move on sa ama ng anak niya

Mabilis? hindi ba't matagal na rin naman tayong mag kakilala? kilala na natin ang isa't isa Gabb sagot sa kanya ng binata, totoo naman iyon apat na taon silang naging mag kaibigan noong nasa Junior High sila, mula grade seven hanggang grade ten

“H—Hindi na kasi tayo tulad ng dati Zach, m-marami nang nag bago”  tugon naman niya sa binatang kaharap, totoo iyun marami na talagang nag bago, tulad na lang ng nararamdaman niya para sa binatang kaharap

“Nag bago? tulad ng?” pag uusisa sa kanya ng binata

“T—Tulad ng n-nararamdaman k—ko” pag amin niya sa binata, ayaw naman niya itong paasahin, tulad nga ng sabi niya nag bago na ang nararamdaman niya para sa binatang kaharap, hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya para dito, siguro ay kaibigan na lamang ang tingin niya para dito lalo na't doon naman talaga sila nag simula bago sila nag kaaminan sa kanilang mga nararamdaman

“W—What do you mean?” tanong sa kanya ni Zach, halata sa boses nito ang kaba habang tinatanong iyun kay Gabb, tatlong taon niyang inantay na muling makita ito ngunit mauuwi lamang sa wala

“I’m  s—sorry Zach, wala na akong nararamdaman p-para s—sayo” pag amin niya muli sa binata, kanina ay pinakiramdaman niya ang kanyang sarili, kung may nararamdaman pa ba siya para sa binata at doon niya napag tanto na kaibigan na lamang ang tingin niya para dito, malalaman mo talaga kung mahal mo pa ang isang tao o hindi, kapag nakaharap mo ulit ito, nalulungkot siya para sa binatang kaharap ngunit ayaw niyang pilitin ang kanyang sarili para muling mahalin ito, napaisip siya siguro ay mababaw lamang ang nararamdaman niyang pag mamahal para dito dahil pag lipas ng ilang taon ay nawala na ang kanyang pag  tingin para dito

Gabb saad ni Zach sa kanya kasabay ng pag hawak nito sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng table

Z-Zachpag tawag din niya sa pangalan ng binatang kaharap

“kaya nga kita gustong ligawan, para makuha ulit ang loob mo, i really love you Gabb please give me a change” diretsyong saad sa kanya ni Zach nag katinginan pa sila, mata sa mata, sa huli ay si Gabb din ang unang nag iwas ng tingin

Mahinang napabuntong hininga si Gabb, hindi na niya alam kung ano ang kanyang sasabihin, nabla—blanko ang utak niya dahil sa binata, kanina ay tiim bagang niyang sinabi sa binata na wala na siyang nararamdaman para dito, para hindi na nito ituloy ang tangkang panliligaw nito sa kanya, pero nag kamali siya, kitang kita niya ang pag kagustong muling kunin ang loob niya, kitang kita na porsigedu ito.

“Z-Zach..” mahinang ika ni Gabb kasama ng pag bawi nito sa kamay niyang hawak pa rin ni Zach, ngunit hindi rin naman siya nag tagumpay na bawiin ang kamay niya dahil hindi ito hinayaan ni Zach

“Zach k-kase.. ahm may a-anak na ako Zach, i'm sorry” pag amin niya dito, ayaw niyang saktan ang binata pero wala siyang choice kundi aminin na may anak na siya ng sa ganun ay tigilan na nito ang tangkang panliligaw sa kanya, ayaw niyang saktan at paasahin sa bandang huli ang binata

Dahil sa sinabi ni Gabb ay natigilan ang binatang kaharap, sinamantala iyun ni Gabb para kunin ang kamay niyang hawak hawak ng binata

tatayo na sana si Gabb para ewan si Zach, nang marinig niya ang mahinang pag tawa nito

“haha, sinasabi mo lang ‘yan para hindi ko ituloy ang panliligaw ko sayo, but sorry Gabb sa ayaw at sa gusto mo ay liligawan kita” saad sa kanya ng binata kasabay ng pag tayo nito at pag pasok sa opisina nito sa Café, napailing si Gabb, nasabi niya sa kanyang sarili na bakit nag paalam pa itong manligaw sa kanya kung ito lang din naman ang masusunod, sa bagay ang porpuse ng panliligaw ay para  kunin ang loob ng isang tao, kahit ayaw nito o gusto dahil sa pamamagitan ng panliligaw maipapakita ang pag mamahal ng isang tao.

Sa huli ay napag pasyahan na lang umalis ni Gabb para umuwi muli pa siyang napa buntong hininga ng maisip niya si Zach wala pa rin itong pinag bago mula sa panlabas nito hanggang sa ugali nito, na kung anong gusto ay ayon dapat ang nasusunod o nakukuha.

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now