Swerte

291 23 6
                                    







Umuulan na naman. Kung kelan papasok na ako sa work. Kung kelan hindi ako nakapagdala ng payong. Kung kelan nilalakad ko ang pagkahaba-habang daan papasok ng building kung nasaan ang working area ko. Tsaka bubuhos ang malakas na ulan. Parang nanadya talaga.

Tumigil ako saglit at inis na napatingala.

Lord, kaloka ka talaga.

“Miss bawal huminto dyan!”

“Ay sorry po!” sigaw ko habang nagmamadaling tumakbo paalis ng pedestrian. “Sorry po ulit.” Paghingi ko ng umanhin kay kuya guard. Tumango nalang sa’kin si kuya at ipinagpatuloy na ang ginagawa nyang trabaho. Ako naman ay nagpapasalamat na at nakarating na ako sa commercial building malapit sa entrance. At least dito ay may masisilungan na. Dahil sa bubong ng commercial building na nagsisilbing bubong na rin ng sidewalk. Sobrang laki naman kasi nitong lugar. Di ko naman afford yung shuttle fee nila kaya nagtitiis nalang talaga ako sa paglalakad tuwing papasok ako.

Pinagpagan ko ang suot kong slacks. Mabuti nalang at walang talsik o kung ano mang dumi itong natamo mula sa ginawa kong sprinting. Sino ba naman kasing di mapapatakbo ng mabilis kung umuulan na nga tapos male-late ka pa. Jusko ayoko namang pumasok na dugyot noh.

Focus na focus ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng may maramdaman nalang akong basa sa paa ko. Natauhan lang ako ng makita kong slightly nakalublob ang paa ko sa isang puddle. Mabilis kong inaalis ang paa ko rito.

Good Morning Winter.

Wala na akong oras para magdrama o mag-react ng sobra sa nabasa kong flats. Wala na akong oras para itanong pa sa mundo kung bakit? Kung bakit lagi nalang akong nakakaranas ng mga ganitong bagay. Sanay na ako. Sanay na akong malasin. Kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Mabuti nalang at kahit papano ay hindi madumi ang tubig na yun. Swerte na akong maituturing sa ganun.

Kelan ba naman kasi ako hindi minalas? Wala akong matandaan. Ano ba ang dahilan kung bakit nalang ako laging minamalas? Hindi ko alam. Dati iniisip ko pa kung nanadya lang ba talaga ang tadhana o sadyang bully lang ang mga kanto ng mesa, sahig, bato, hangin, apoy, lupa at tubig. Engcantadia. Pero hindi. Malas lang talaga ako.

Huminga ako ng malalim. Kakayanin mo today Winter.

Or maybe not.

Biglang lakas na naman ang ulan kung kelan tatawid nalang ako sa last pedestrian na dadaanan ko bago kumaliwa papunta sa building kong saan located ang department ko. Malas talaga.

Ready na sana akong tumakbo ng makita ko sa gilid si Karina. Yung pinagkakaguluhan lagi ng mga lalake sa department namin. Yung kinaiingitan ng ibang mga babae. Sa totoo lang hindi ko alam kung maganda nga ba si Karina o baka dahil lang lagi kong naririnig sa iba na maganda sya kaya nasasabi kong maganda talaga sya. Alam nyo yun, yung magagandahan ka nalang din sa isang tao lalo na kung lahat sa paligid mo ay nagsasabi ng ganun.

Hindi ko rin ma-gets ang karamihan kung bakit sya nagugustuhan. Minsan iniisip ko kung dahil ba sa maganda nga sya. Ewan, para kasi sa’kin average lang sya. Parang napaka ganda kong nilalang sa average na yan. Pero kasi di ko lang makita ang hype about her. Isa pa nasusungitan ako sa kanya at nayayabangan. Minsan lang yata kaming nagkaroon ng interaction nyan, well not totally. Nasa training center palang kami nun. Tapos may activity na pinagawa sa’min by group. And naging ka grupo ko sya. Nanalo agad ang group namin because of her daw. Di ko makakalimutan sagot nya nun sa trainor namin.

“It’s all about the brain. It’s easy because I used my brain.”

So kami nahirapan kasi di ginagamit yung utak? Eh halos magkabagyo na nga sa utak namin sa pag-iisip lang ng strategy para matapos yung activity. Ang yabang nya talaga for me.

MagnetWhere stories live. Discover now