Kung ano-ano na tuloy naiisip ko dahil sa kanya. Wala naman akong pake sa kanya pero ang layo na ng narating ng isip ko.

Napatitig parin naman ako sa kanya ng palihim. Bakit kaya naglalakad to ngayon papasok ng office? Eh akala ko ba, sabi sa chismis de kotse sya. Dapat hindi sya naglalakad bitbit ang isang cup ng starbucks at pulang payong. Oh, diba buti pa sya may payong. Pano naman akong wala at tanging bag lang ang pweedeng gawing panangga sa mga luha ng langit.

Mas lumakas pa ang ulan habang patuloy parin ako sa nararamdaman kong inggit sa dala nyang payong. At dahil hindi naman ako tatawaging Winter kung hindi ako malas. Bigla lang naman umihip ang malakas na hangin dahilan para ma-splash papunta sa’kin ang iilang tubig ulan.

Wala na, basa na ako. Napatingin nalang ako sa kawawa kong sarili. I need to accept it. Hindi pa nga ako nangangalahati ngayong araw ay minamalas na agad ako ng sobra.

Wala na sa loob na naglakad nalang ulit ako. Di na ako nag-abala pang sanggain ang paulan ni Lord ngayong araw. Tutal ay nabasa na rin naman ako, why not all the way. Mabuti nalang talaga at lagi akong may extra sa locker ko. Magpapalit nalang agad ako.

Ay biglang tumila.

Napatingala naman agad ako para sana mag thank you dahil wala ng ulan ng makita ko ang pulang payong na nakasangga sa malalakas na patak ng ulan. Pagtingin ko sa side ko ay mukha ni Karina ang nakita ko.

Si Karina. Yung kinakabaliwan ng lahat, maliban sa’kin.

Pinapayungan ako.

Naawa na yata sa sitwasyon ko si Karina. Siguro iniisip nya na kawawa naman this gurl payungan ko nalang. Siguro ay hindi talaga sya ganuon kasuplada katulad ng iniisip ko. Hindi na ako nagsalita pa at sumabay nalang din sa kanya sa paglalakad. Hindi rin naman sya nagsasalita.

Thankful nalang ako ngayon dahil sa kamalasang nakuha ko ngayong araw ay si Karina ang naging swerte ko ng panandalian.

Pagkarating namin sa main building ay agad akong nagsabi ng “Thank you.” na hindi nya naman pinansin at dire-diretso lang syang umakyat ng hagdan. As usual agad na napatingin sa kanya ang iilang nakatambay sa may waiting area. Maging ako ay napasunod narin ng tingin sa kanya habang paakyat sya ng second floor kung nasaan din ang office ko. Same lang nga pala kami ng department magkaiba lang ng working area.

“Winter!” napatingin ako sa nagmamadaling si Yuna na palapit sa’kin. Sya yung isa sa mga nagging ka-close ko dito since trainee days. Isa sa maituturing ng tulad kong shy type na madaldal bilang friend.

“Anyare sayo vebs? Bakit parang sinalubong mo yung ulan?” agad na tanong nya sa’kin ng makalapit sya. Hinawakan nya pa ang suot kong blazer. “Wala ka bang payong na dala?”

Umiling ako.

“Okay. Sabay ba kayo ni Katarina?” ang bland ng pagka-okay nya tapos biglang excited sa tanong tungkol kay Karina. Sabi ko nga medyo nasanay na rin sila sa mga ganitong bagay. Simula ng masabi ko sa kanila ang pagiging attracted ng malas sa’kin ay nasanay nalang din sila. Ilang beses na rin naman kasi nalang nasaksihan.

“Naawa yata sa’kin, pinayungan ako.” sabi ko. Para naman agad kinikiliti si Yuna. Ano namang nangyayari sa babaeng to?

“Ooooiy. Pinayungan sya ni Katarina Yu.” Panunukso nya agad.

Luka to. Ano naman kung pinayungan ako ni Karina? I think natural response lang naman ang ganun kapag nakakita ka ng isang kawawang nilalang na basing-basa sa ulan.

“Ewan ko sayo. Samahan mo nalang ako sa cr magpalit.”

Sinamahan na ako ni Yuna sa pagkuha na extra kong damit sa locker hanggang sa makarating kami sa cr.

MagnetWhere stories live. Discover now