Chapter Five: Unexpected Kiss

Magsimula sa umpisa
                                    

"By the way, I'm Mark, and you are?" Inilahad pa niya ang kamay sa akin, Awtomatikong umangat ang kilay ko at walang sabi-sabi na inilagay sa kamay niya ang ice cream na hawak.

"Get lost!" asik ko, sabay talikod. Ano ang akala niya, madadala niya ako sa pagpapa-cute?

"Until we meet again, Miss Pretty!" narinig ko pang sigaw ng lalaki nang makalayo na ako.

Letse! Sinayang mo ang Magnum ko!"

"MURIEL, umalis ka pala," bati ni Manong Bay nang madaanan ko siyang naglilinis ng kotse sa garahe. "Sana pala tinawagan mo ako nang sa gano'n ay nasundo kita."

Napangiti ako narinig. Sa ilang araw ko sa mansyon na iyon, ngayon lang uli may tumawag sa akin sa pangalan ko. Si Manong Bay lang kasi ang nakakakilala sa akin sa loob at labas ng trabaho. Personal driver siya ni Ma'am Lorie, kaya naman hindi lingid sa kanya ang ginagawa kong pagpapanggap.

"D'yan lang naman po sa labasan. May binili lang po ako."

"Gano'n ba? Basta kapag may kailangan ka, mag-text ka lang sa akin."

Tumango ako. "Sige po." Pumasok na ako sa loob ng bahay. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.

PAAKYAT na ako nang makita ko si Riley na nasa bungad ng hagdan. Bigla akong kinabahan at mabilis na nakalapit sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Magpapakamatay ka ba?" I almost hissed. Tinakot niya ako.

"Gusto ko lang sanang magpahangin sa labas," kaswal na sabi niya at dedma lang sa pagpa-panic ko.

"Bakit hindi ka nagpatulong? Nand'yan naman si Lenny o kaya si Mila."

"Kaya ko ang sarili ko."

"Hindi ka rin mayabang, 'no? Paano kung mahulog ka sa hagdan? Hindi mo ba naisip iyon?" Konting-konti na lang at malapit ko na siyang batukan!

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?!"

"Hindi mo kailangang sumigaw!"

"Wala kang pakialam kung gusto kong sumigaw!"

Bigla kaming natahimik pareho. Kahit ako ay nagulat sa naging outburst ko. Aminado naman ako na napasobra ako.

I blew out a long sigh, then grabbed his hand. "Bumalik ka na sa kuwarto mo," sabi ko sa mahinahong boses. Hinila ko siya papunta sa kanyang kuwarto pero hindi siya natinag sa kinatatayuan.

"Rai, ano ba?" Sinubukan ko uli siyang hilahin pero para lang akong nakikipag-tug of war sa kanya. At dahil mas malakas siya sa akin, ako ang nahila niya at tumama ang noo ko sa kanyang baba.

"Aw!" Sapu-sapo ko ang noo ko at hindi maipinta ang mukha sa sakit na nararamdaman.

"Are you okay?" Naroon ang pag-aalala sa boses ni Riley. "Ikaw kasi!"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan?" Heto na naman ang temper ko. Riley raised his hand and pulled me closer to him. He gently stroked my hair and blew on my forehead.

"Masakit pa ba?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinyaang gawin iyon. But I had to admit that it really felt good!

"Bumalik ka na nga sa kuwarto mo," nasabi ko na lang pagkatapos. Umikot ako sa likuran ni Riley at tinulak siya papunta sa kanyang kuwarto.

NAGULAT ako sa nadatnan sa loob ng kuwarto. Parang dinaanan ng buhawi sa sobrang gulo. As far as I remember, ang papel ko lang sa buhay ng lalaking ito ay maging pretend girlfriend niya. Pumayag na nga akong maging caregiver, pati ba naman ang pagliligpit ng mga kalat ay ako pa rin.

"Ano ba'ng binubulong mo d'yan? Para kang sira!" Tanong ni Riley.

Hindi ko siya pinansin. Sa halip, pinagbalingan ko ang mga nakakalat na comforter at unan sa sahig. Ilang sandali ay nakarinig ako ng kalabog. Paglingon ko ay sapo na niya ang kanyang noo. Nauntog siya sa pinto ng banyo.

"Damn this door!"

Hindi ko tuloy napigilang tumawa.

"Laugh all you want, you evil witch," singhal ni Riley na naniningkit ang mga mata.

Nilapitan ko siya at hinawi ang kanyang kamay na nakatakip sa noo. Namumula nga iyon.

"Halika nga dito," tinulungan ko siyang makaupo sa kama. "Gusto mong lagyan ko ng cold compress?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang sarili na tumawa. Hindi kasi maipinta niya at namumula ang buong mukha niya.

Mabilis na umiling si Riley. "Hipan mo na lang."

"Mawawala ba ang sakit kung hihipan ko?" Naalala ko ang ginawa niya sa akin kanina. Kungsabagay, mukhang effective naman.

"Basta hipan mo na lang," parang batang utos niya.

Nagpauto naman ako at hinipan naman siya sa noo. "Ano, masakit pa ba?"

"Hipan mo pa."

Hinipan ko uli, pero napansin ko ang humahaba niyang nguso at unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin.

"Ano'ng ibig sabihin n'yan?" nakataas ang kilay na sita ko. Tinusok-tusok ko pa ng daliri ang kanyang pisngi.

"Mas mawawala ang sakit kung..." Lalo pa niyang hinabaan ang nguso.

"Ano ka, sinusuwerte?" Tinapik ko siya ng malakas sa noo, saka tumayo. Pero agad niyang nahagip ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Napaupo uli ako sa kama.

"Sige, hipan mo na lang uli."

"Hipan mong mukha mo! Hindi ka na nakakatuwa, Riley! Baka gusto mo tuluyang mgakaroon ng bukol sa noo," banta ko nang hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.

"Wala naman akong ginagawa sa'yo. Ang dumi ng isip mo."

"Ako pa ngayon ang madumi ang isip?" Nahagip ng kamay ko ang isang unan at walang babalang hinampas iyon sa kanya. Na-out of balance si Riley at tuluyang nahulog sa kama. At dahil hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko, pati ako ay kasama niyang nahulog.

Bumagsak ako sa ibabaw niya at bago ko pa namalayan, magkalapat na pala ang aming mga labi!

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon