"Sure ka?"

"Oo naman. Okay lang yun na nakakasama mo sila."

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Makukulit kasi ang mga kapatid ko."

"Okay lang po, nakakatuwa naman sila," sagot ng dalaga saka nagdagdag pa ng kanin.

"Okay. Sabi mo eh."

Nang matapos silang mag-lunch, nanood muna sila ng Netflix pero nakaidlip si Zia kaya malaya siyang napagmasdan ng binata habang natutulog sa lap nito.

Maingat na binuhat siya ni Reon papasok sa kwarto at inihiga saka niyakap ang dalaga at ipinikit din ang mga mata hanggang sa hinila na rin siya ng antok.

"Zia!" bulalas niya nang mapabalikwas at wala si Zia sa tabi niya. "Zia!" tawag niya at agad na bumangon saka lumabas.

"Hi," nakangiting bati ni Zia habang hawak ang spatula. "Sinusubukan kong mag-bake ng muffins para pang merienda natin. Pasensya ka na kasi firstime ko kaya di ko alam kung masarap."

Nakahinga nang maluwag ang binata. Naupo siya sa silya at pinagmasdan si Zia.

"Tama na ba ito?" tanong ni Zia at nilingon si Reon."Oh? Bakit ba titig na titig ka sa akin? Maganda na ba ako sa paningin mo?" biro niya at ngumiti nang ubod ng tamis.

"Matagal na," sagot ni Reon at tumayo. Niyakap niya nang mahigpit si Zia saka ipinatong sa kanang balikat ang baba niya. "I love you, Zia."

"I love you too," ani Zia at tinapik ang ulo ni Reon na parang bata. "Malapit nang maluto 'to kaya sa sala ka muna ha. Wait mo ako roon."

"Okay. Huwag mong sunugin ha."

"Susubukan ko," ani Zia dahil hindi pa kalkulado ang tamang minuto.

Nang sa tingin niya okay na ang lahat, kinuha na niya ang cookies at pinatikim kay Reon.

"Hmmm, masarap. Malambot siya kaya okay na okay," ani Reon na walang halong biro. Hinila niya si Zia kaya napaupo ito sa kandungan niya.

"Talaga?"

"Oo, tikman mo!" Kinuha ni Reon ang isang piraso at isinubo kay Zia.

"Ayieee. Masarap nga," parang batang proud na proud sa ginawa niya.

"See? Mag-bake ka lagi ha. Malay mo, baka pwede na nating pagkakitaan ito."

"Sure. Kaunting practice pa," ani Zia.

Nang padilim na, umayos na ang dalawa para pumunta sa bahay ng parents ni Reon.

Pagdating, nandito rin pala ang ibang pinsan ni Reon kaya ang iingay.

"Akala ko ba tayo lang?" tanong ni Reon na iginiya si Zia paupo sa couch.

"In-invite sila ng Lola Lynlie mo para daw masaya," sagot ni Marion.

Napatingin si Reon sa mga pinsan na galing pa sa Quezon province. Medyo nabahala sya na makilala no Zia ang mga ito dahil sa kakaibang ugali.

"Hi, I'm Dañela. Pinsan ni Reon," pagpakilala nito sabay lahad ng kamay kay Zia nang iwan siya ni Reon para kausapin ang kambal na kapatid na wag gumawa ng gulo. Ito ang anak nina Mayor King at Danya sa Quezon province.

"Hello," magalang na bati ni Zia na hindi maialis ang mukha sa tiyahin ni Reon na ubod nang ganda at parang magkaedad lang sila kung mukha ang basehan.

"Ikaw pala ang bagong girlfriend ni Reon. To be honest, ang simple mo lang pero napakaamo ng mukha mo," honest na sabi ni Dañela.

Un-tie (R-18)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant