Chapter 37

186 14 0
                                    

"BUNSO,  makinig ka sakin..." Kalmadong wika ng ate nya "Ako na ang magsasabi sayo ng totoo pero hihilingin ko sana ........ Sana kahit papaano ay mapatawad mo si mama.."


Hindi sya sumagot, nanatiling malamig ang titig nya sa nakatatandang kapatid. Inipon nya ang lakas ng loob nya bago umuwi upang pakinggan ang paliwanag ng kanyang mga magulang. Pero alam nyang magiging malambot sya pag naroon ang kuya at papa nya kaya gusto nyang ang ina at ate nya ang magsabi sa kanya ng totoo.

Gusto nyang deretsohin sya ng mga to, pero tila hindi kaya ng kanyang ina dahil panay ang hagulhol nito. Para itong nanghihina at hindi alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoo kaya ang ate na nya ang magsasabi.



"That year, bago ka ipinanganak..." Napahugot ito ng malalim na hininga "nagkaroon kase ng pagkakataon na hindi na maganda ang takbo ng relasyon nila papa at mama. Halos araw araw nag aaway sila, siguro kase ang hirap ng buhay tapos......lagi silang pagod sa trabaho."


Pareho silang napatingin sa kanilang ina at hindi makatingin sa kanya.


"Araw araw nalang naririnig namin silang nag aaway ni papa.....as if both are not happy with their marriage anymore. Hanggang sa umabot na sa puntong nagkayayaan na ng hiwalayan. It was a very big fight that day, then mom left-"

Napatigil ang ate  nya sa pagsasalita nang biglang hawakan ng mama nila ang braso nito habang umiiyak at umiiling.



"Hiniling ko ang katotohanan mula sa inyo pero hindi nyo masabi. Ngayong iba ang magsasabi ng totoo, pipigilan nyo? Sa tingin nyo po ba may karapatan pa kayong ipagkait saakin ang totoo?" She harshly said.



Napatingin sa kanya ang ate nya na tila gusto syang pagsabihan ngunit hindi rin nito ginawa dahil alam nito ang nararamdaman nya.


"Ituloy mo..." Wika nya sa kapatid.


Humugot ng malalim na hininga ang kanyang kapatid bago nagpatuloy "Biglang umalis si mama pagkatapos ng malaking away nila ni papa. Then she was gone for a long time, hindi muna sya hinanap ni papa kase gusto nya na magkaroon muna sila ng space at makapag isip. Then after almost a month, umuwi na rin si mama. Umiiyak sya noong mga panahon na yon. Yun pala.....buntis na kase sya sayo.."


Naguguluhan sya sa sinabi ng kapatid nya, napatingin sya sa kanyang ina.


"Anong nangyari noon ma? Anong ibig sabihin ni ate sa huling sinabi nya?"

Lalong lumakas ang hagulhol ng kanilang ina, umiiling ito at ayaw magsalita.

"Ma!" Hindi mapigilang wika nya.



"Bunso wag mong sigawan si mama!" Sita ng ate nya.



Pero wala syang pake alam dahil sa sobrang galit nya.  "Gusto nyong maging maayos ang pamilya, gusto nyong tanggapin ko na hindi ko kadugo si papa pero ayaw nyo namang malaman ko ang katotohanan?! Nandito na tayo pero ayaw nyo paring malaman ko ang totoo?! Sa tingin nyo ba kayo lang ang nasasaktan dito?! Mas nasasaktan ako! Kaya nga kahit ang hirap at sobrang natatakot ako pinilit ko parin na humarap sa inyo!"



"Anak..."



"Sabihin nyo na mama..."malamig na wika nya.


"Indi naman..."


She threw a glare at her sister "Kung ipagtatanggol mo lang si mama, lumabas ka na rin ate..."


Agad naman na natahimik ang kanyang kapatid.



"Noong........noong mga panahong yon....sobrang gulo ng isip ko. A-Akala ko..akala ko gusto kong makipag hiwalay sa papa nyo. Pero may parte parin saakin na ayaw syang iwan......tapos.....tapos niyaya ako ng isang kaibigan na mag bar. Pumayag ako kase gusto ko munang kalimutan ang problema ko. Then... I met someone in that place. Someone who just went through a divorce....at dahil makikipag hiwalay na ako sa papa nyo kinausap ko sya tungkol sa divorce. Hindi ko alam....na....malalasing kami.... I...."


Under The Sweetest CharmWhere stories live. Discover now