Chapter 7

278 18 2
                                    

NAPAILING si Axel nang makita sya nito mula sa rearview mirror ng sasakyan.

"Bro, seryoso mag move on ka na. Ilang linggo na simula nang makabalik ka mula sa isla Kalliste. Hanggang ngayon iniisip mo parin yung chick na nakilala mo doon. Wala ka ng magagawa dahil pangalan lang nya ang sinabi nya sayo" wika nito habang nagmamaneho.

"Actually meron pang pwedeng gawin" wika ni Devin "Ayan oh, kausapin mo si Liam. Diba magaling ang pamilya nyo sa ganyang bagay, ang paghahanap ng mga tao. Magaling ka dun eh."

Liam lazily groaned "Bro, kung may ipapahanap kayo saakin baka naman pwedeng full name. Maraming tao sa mundo ang magkakapareho ng pangalan. Mamromroblema pa ako."

"Eh picture?" Umaasang aniya "May picture ako"

Tumaas ang isang kilay ng kaibigan nila "Bro, sigurado ka bang pangalan talaga nya ang sinabi nya sayo? Sa tingin mo Indi talaga ang pangalan nya? Dahil magsasayang lang ako ng panahon sa paghahanap kung ang taong hinahanap ko hindi naman pala yon ang pangalan."

Natahimik sya, umaasa syang hindi nagsisinungaling si Indi.

"Subukan mo lang....", Udyok ni Devin dito "Malay mo mahanap mo nga sya. C'mon Liam bro, para sa peace of mind nitong kaibigan natin. Kinikilabutan na ako sa pagbabago nya, ilang linggo ng iisang tao lang ang laman ng isip nya. "

Tumawa si Axel "Eh mas madalas pa nga syang magpalit ng babae sa kama kaysa sa brief nya eh."

"Gago....." Mura nya sa kaibigan. Nagtawanan naman ang mga to.

Hindi naman nya itatanggi ang mga ganong gawain nya dati. Pero hindi naman sya madalas gumawa ng ganong bagay. Isa pa, maraming babae ang lumalapit sa kanya at may mga pagkakataong hindi sya makatanggi.

"Oo na..... susubukan ko." Tumingin si Liam sa kanya "Send a picture of her. I'll try to find her."

Kinuha nya ang phone sa bag at inisa isa ang pictures. At habang tinitignan ang bawat pictures, doon lang nya narealize kung gaano karami ang pictures ni Indi sa phone nya.

At kahit napakarami non, hindi sya makapili ng picture na ipapakita nya kay Liam.

"Ba't ang tagal?" Naiinip na tanong nito

"Wait lang...."aniya habang nakafocus sa ginagawa.

He couldn't chose a photo....

"Kahit alin nalang dyan. Basta clear ang picture" wika ni Devin na tila naiinip na rin.

"Hindi pwede, she's too cute on the photos. Dapat yung naka side lang sya"

Nagkatinginan ang mga to dahil parang hindi sila makapaniwala sa narinig. Doon na mas lumapit si Devin at hinablot ang phone nya.

"Hoy! Ibalik mo yang phone ko Devin!" Sinubukan nyang bawiin ang phone pero humarang naman si Liam at parang chismoso na pinagdidiskitahan ang mga pictures. "Ibalik nyo ang phone ko mga gago!"

"Patingin lang ng pictures. Bakit ba ayaw mong ipakita saamin yung mukha ng babaeng laman ng isip mo ha?" Tinulak sya ni Liam pabalik sa upuan "Dyan ka muna, ako na bahala sa pagpili ng picture na gagamitin ko. FYI hindi pwede yung naka side  lang, ano akala mo saakin? Malakas ang imagination?"

Wala na syang nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo at hayaan ang mga  tong isa isahin ang laman ng phone nya.

"Oohhhh, she's....... cute.", Dinig nyang kumento ni Axel

"Oo nga no........maganda sya "Sang ayon ni Devin "Pero teka, she's.......not like those girls that you usually date...."

"Hmmm", tumango si Liam "Usually gusto mo ng matatangkad at payat. This girl, she got nice curves-"

Under The Sweetest CharmWhere stories live. Discover now