Chapter 5

291 19 2
                                    

NAKA ilang shot na sila at halos lahat ng laro nasalihan na nila. Last na game na hindi pa nila napupuntahan ay Play with Strangers.

May ilang mga taong naglalaro doon at parang masaya kaya sumali na rin sila ni Indi.

"Oh hello, welcome.."bati ng emcee sa kanila at lumapit. "May bago  tayong kasama dito. Pero guys para sa mga strangers lang ito, yung mga hindi magkakilala. Are you guys friends or something? Kase magkasama kayong nagpunta dito. "

Nakangiti silang nagkatinginan ni Indi.

"Totally strangers..."sagot ni Indi.

"Actually nagkakilala lang kami dito sa island two days ago then we just decided to hang out kase pareho kaming walang kasamang pumunta dito "dagdag nya "We don't even know each other's full name..."

"Oh..... really?" Tila naiintriga na wika ng emcee "Wow that's cute......ang saya naman non..... anyways welcome to our game and please remember your wrist band color kase importante yan"

Bumalik na ito sa gitna at ipinagpatuloy ang laro. Kailangan lang nilang sundin kung ano ang mabubunot nitong command sa box. Kung hindi nila magawa yon, iinom sila ng isang shot ng funny juice na ibibigay ng staff.


"Ok, let's start again!" Wika ng staff at nagsimula nanaman ang laro. May mga commands na madadali at may mahihirap din.


"Yellows should stand in just one foot for twenty seconds go!" Wika ng emcee.


"Kaya mo yan!" Wika nya kay Indi dahil yellow ang kulay ng wrist band nito.

"Twenty seconds lang yon, syempre kaya...." Wika nito saka itinaas ang isang paa.

May mga iba doon na nawalan ng balance at napatayo gamit ng isa pang paa. Inaasar nya si Indi na itutulak nya ito pero pinanlakihan sya ito ng mata.

"Sige! Subukan mo!" Banta nito.

Madali lang itong nakapasa. Binigay ang punishment sa iba at base mukha ng mga to halatang hindi maganda ang lasa ng funny juice.

"Ayokong matikman yon...."nakangiwing wika ni Indi.

"Iiwasan natin yon" aniya dito.

"Next,...."bumuntong ulit ang emcee "Ok! Blue must smell yellow's armpit for ten seconds!"

   

Nagtawanan sila doon. Yung ibang mga blue naghanap ng mga yellow.

Lumapit ang isang lalake kay Indi "Miss paamoy ng kili kili....."

Namula sa hiya si Indi "Hala! Pinagpawisan ako kanina!"

"Ok lang yan....sige na please, nakakasuka yung juice promise..." Halos mag makaawa ito.



Nahihiyang itinaas ni Indi ang isang braso at agad namang inamoy ng lalake ang kilikili nito. Natawa sya habang pinapanood si Indi na halos matunaw sa hiya.

"Ok pass!" Wika ng emcee nang pumasa lahat "Next.....Gray and green should hug! Five seconds!"

.

Natigilan sya at napatingin kay Indi. Nakatingin naman ito sa wrist band nya.

"Hoy hanap ka ng green!" Natatarantang wika nito.

Yayakapin sana nya si Indi kahit yellow ang wristband nito pero biglang may yumakap na dalawang babae sa kanya na parehong green ang wristband.


He almost cringe, pero para hindi sya mabigyan ng punishment  inilagay nya ang braso sa balikat ng mga to pero halos hindi magdikit ang mga balat nila.

Under The Sweetest CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon