Chapter 3

300 21 3
                                    

INUBOS nya ang laman ng bote na hawak nya at humugot sya ng malalim na hininga.





"Honestly, hindi ako marunong makipag kaibigan..."pag amin nya "During highschool wala akong close friends. Fourth year high school doon ko sila nakilala. Sila mismo ang lumapit saakin, so I was really happy kase may kaibigan na ako. Tapos noong nag college kami, hindi nila sinabing sa iisang university sila pupunta kaya ako lang ang naiba. Pero dahil nga sa katangahan ko, hindi nanaman ako nakipag kaibigan sa iba. I was so blinded that I only want them to be my friends. Sobrang saya ko sa tuwing kasama ko sila, hindi ko alam nagmumukha na pala akong katawa tawa sa mga mata nila. And you know what's worse? I fell in love with one of them....."

Napatingin sa kanya si Morgan "You did?"




Mahina syang tumango "Hmm....alam mo ba, dating seventy eight ang kilo ko..."

Napatingin si Morgan sa katawan nya "Really? So you went on diet...."



Medyo napasimangot sya  "Oo, nagdiet ako para sa lalakeng yon. Nagpaka gutom ako, t*ng ina nag work out pa ako. Sobrang hirap pero sige lang, gusto kong magustuhan din nya ako. Hanggang sa umabot ng below sixty ang kilo ko. Ang dami kong iniwasan na bagay na gustong gusto ko pero dahil nga sa gusto ko ring mapansin nya ako I changed so much. Mula sa pananamit, habit, almost everything honestly. I did everything. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi naman talaga ako umiinom?"



Natigilan ito at napatingin sa hawak nilang alak saka muling napatingin sa kanya "Niloloko mo ba ako? Di nga?"




Natawa sya "Oo nga. Lagi kase silang magkakasama, tapos nagpupunta sila sa bar, nag iinuman. Tapos kung sasabihin kong sasama ako, ayaw nila kase hindi naman daw ako umiinom. Baka malasing lang daw ako agad. You know what I did? Bumili ako ng maraming alak, halos doon ko na gastusin mga allowance ko. Nilalaklak ko yon sa apartment ko para lang tumaas alcohol tolerance ko. Oh diba? Ang galing ko...." Binuntunan nya ng tawa ang huling sinabi.

"What the......" Parang hindi ito naniniwala.


"Effective naman diba?" Natatawang wika nya "Kita mo naman, nakatagal ako sa bar. "




"Pero hindi mo naman kailangang gawin ang mga yon..." Anito "Damn.....ginawa mo talaga yon?"



Tumango sya "I told you, I was really stupid. Hindi ko naman agad naisip na baka ayaw lang talaga nila akong makasama. I was desperate and naive you know, ang dami kong iniwasan para sa kanila. Ang dami kong binago para sa lalakeng yon. Iniwasan ko yung luto ni papa kahit favorite ko yung mga silog na luto nya. Iniwasan ko rin yung favorite movie ko na Harry Potter kase sabi nya childish daw masyado. Kaya ayun, tinanggal ko yung mga keychains sa bag ko, pinalitan ko yung wallpaper sa phone ko, itinago ko lahat ng posters sa kwarto ko. Nagtataka na nga sila ate kase  dati daw adik na adik ako doon kase nga naman talagang fan ako ng palabas na yon. But I changed....."

"You know, kung mahal ka ng tao hindi mo kailangang baguhin ang mga bagay na gusto mo. " Anito "because if he wants you it means he's willing to accept everything you like. That includes your hobbies, attitudes, your pets, everything. Hindi pwede yung mamahalin ka nya pero kailangang magkaroon ng major changes sayo dahil ang ibig sabihin non hindi ka talaga nya mahal. He shouldn't expect a different personality from you. Ganon din sayo, hindi ka dapat nagbago para sa kanya...."



Malungkot syang ngumiti "Yun na nga eh, late na nang marealize ko yung bagay na yon. I fell in love with him for a long time, tapos biglang nagparamdam sya. He suddenly told me he likes me, tapos nanligaw sya. Masyado na akong nabulag sa sobrang saya. I almost gave my everything to him including my own body. I was actually prepared to give him everything. Akala ko kase totoo eh......"



Under The Sweetest CharmWhere stories live. Discover now