Chapter 1

509 24 1
                                    

WELCOME TO KALLISTE ISLAND!!

Isang mapagtimpi ng inis na buntong hininga ang pinakawalan nya habang nakatingin sa kahoy kung saan nakaukit ang pagbati ng isla pagkarating ng mga dayo doon.

Nakasukbit sa kanyang balikat ang bag habang hawak ng isang kamay nya ang isa pang bag na dala nya.


When he left home, he was expecting to arrive at an island filled with sexy and beautiful ladies na nakasuot lang ng bikinis. Pero pagkarating nya, mangilan ilan lang ang nakikita nya sa gilid ng dagat na nagswiswiming at karamihan mga lalake pa! Hindi tulad sa ibang napuntahan nilang isla kung saan napakaraming mga sexing binibini sa gilid ng dagat.

At nang nagtanong sya sa isang taga doon kung  bakit hindi ganon karami ang tao sa lugar na yon, sinabi nitong kasalukuyang lean season daw ngayon sa isla nila.

Lalo syang nanggalaiti. Kaya naman pala doon sya ipinadala ng magagaling nyang mga kaibigan. Pinapunta nila sya sa lugar na yon tapos nang naroon na sya saka naman sila nagsipag message na may sari sarili daw silang lakad.



They freaking tricked him!


He groaned and walked inside the hotel. Tutuloy nalang sya dahil andito na sya. Sa haba ng byahe, hindi pwedeng uuwi sya agad.

"Hello sir good afternoon, welcome to Hanaa Hotel. I'm Sarrah, the front desk clerk for today. How may I help you?" Bati ng front desk.

"Hi, I have a reservation. " aniya

"May I know your name sir?" Ani nito

Matapos i-confirm sa front desk ang reservation nya, inihatid naman nila sya sa silid nya.



Binuksan nya ang phone saka nagsend ng FU emoticon sa mga kaibigan nya. Tinawanan lang sya ng mga to. Siguro nagsasaya na sila sa mga pinagbakasyunan nila.



Lumabas sya sa terrace at doon tumambay. Tumingin sya sa paligid habang nakarelax ng upo. Infairness din sa isla, napakaganda ng lugar. Hindi ganon karami ang tao sa gilid ng dagat, dahil siguro sa malakas at masakit na init araw.


But the place is really beautiful. Hindi tulad ng mga sikat na mga isla kung saan napakaraming mga tao, this place is a simple beauty. Marami paring makikitang mga foreigners sa paligid. Siguro maraming tao din doon during peak season.

He's quite disappointed though, akala nya makakakilala sya ng mga magagandang babae. Inaasahan nyang magiging mainit ang bakasyon nya, ang galing talaga ng mga kaibigan nya. Itinapon nila sya doon.

Humugot sya ng malalim na hininga. Apat na araw lang naman sya doon. Pero kung talagang hindi na sya makakapag enjoy uuwi na sya.



Akala nya hindi  na sya mapapahanga sa isla, pero natuwa sya nang lumabas sya ng gabi. Ang ganda ng mga ilaw sa mga kainan sa gilid ng dagat. Tulad din ito ng mga sikat na islands, parang mas peaceful version nga lang.

May mga banda na kumakanda sa ilang mga restaurants. Bars are open and it looks really fun. Doon nya nakita na marami din palang mga tao pag gabi.

Hindi rin nagpapahuli ang mga pagkain doon. Pinili nyang kumain sa isang restaurant doon kaysa sa hotel. At nang makita nya ang menu, halos hindi nya alam kung anong pipiliin. Umorder nalang sya ng ilang seafoods at beer.

Habang kumakain, napapalinga sya. He's actually..... enjoying....

Napansin nya ang isang babae na mag isang kumakain din sa kabilang mesa. He couldn't help but smile while watching her enjoying her meal. Lalo syang ginanahang kumain habang pinapanood ito. The girl's cheeks are almost bursting out, she's really loving her meal.



Under The Sweetest CharmWhere stories live. Discover now