Chapter 6

299 21 3
                                    

ISANG napakabigat na buntong hininga ang pinakawalan nya nang makababa na sya ng sasakyan sa tapat ng bahay nila.

Medyo guilty sya dahil nangako syang magpapahatid sya kay Morgan ngunit hindi nya tinupad ang pangako. Maaga syang nag check out at umalis ng isla. Hindi nya sinabi dito na maaga ang alis ng maghahatid sa kanila.

Pero ayaw naman nyang mas lalong malungkot pag maghihiwalay sila. Alam nyang mahihirapan syang magpaalam dito pag ihahatid sya nito. Alam nyang isa lang itong estranghero na  nakipag kaibigan sa kanya ngunit hanggang doon nalang dapat yon. Morgan became her friend-her best friend for two days, at yon na yata ang pinakamasayang dalawang araw na ibinigay ng isang kaibigan sa kanya.

To think na wala syang mababalikan na kaibigan, magiging mabigat sa loob nyang magpaalam dito. Ayaw nyang maging sobrang lungkot ang paghihiwalay nila.

"Oh- Indi!" Napangiti ang kuya nya nang makita sya. Dali dali itong lumapit "Nakauwi ka na pala bunsot namin..."

Ngumiti sya at tumango.

"Akin na yan, ang dami mong hawak..." Kinuha nito ang travelling bag na hawak nya at ang mga pasalubong "Uy pasalubong. Ano to?"

"Bibingka kuya, specialty nung isang shop na napuntahan ko. Tapos bumili na rin ako ng mga seafood doon sa isla kase ang mumura. May mga crabs, mga isda, pusit, basta maraming klase yan. Bahala na kayong magluto ..."

"Uy....yes!. Masarap mga to lalo na pag fresh. " Kumento nito habang nagpalakad sila papasok ng bahay "Sige, sasabihan ko si papa. For sure excited yon na magluto ng dinner"


"Bunsot!" Maasayang wika ng ate nya nang makita syang pumasok ng bahay. Nakatutok dito ang camera nito at kasalukuyang nag vlo-vlog. Ibinaba nito ang camera at lumapit sa kanya.

"Oh, kumusta?" Excited na tanong nito "Maganda ba yung isla? Masaya ba doon?"

Malapad syang napangiti nang maalala lahat ng mga ginawa nya "Oo, sobrang saya. "

Parehong natigilan ang mga kapatid nya nang makita ang pag ngiti nya. Nagkatinginan ang mga to at parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Teka nga...."iniwan ng kuya nya ang mga hawak nitong pasalubong at humalukipkip "Anong meron? Ilang buwan na yata ang lumipas simula nang makita ka naming ngumiti ng ganyan."

Natigilan sya at nag iwas ng tingin.

"Oo nga..."sang ayon ng ate nya "Laging tipid ng ngiti mo noon at halata sa mata  mo na ang lungkot lungkot mo. Ngayon iba na. Parang bumalik ka na sa dati. Yung totoo Indi, anong nangyari? Saglit ka lang sa Kalliste Island pero pagbalik mo ang ganda na ng kinang ng mga mata mo...."

Nakangiti syang umiling "Anong sinasabi nyo? Hindi naman bawal ngumiti eh"

"Oo nga pero ....."nagsalubong ang kilay ng kuya nya habang nakatingin sa kanya.

"Ako na....." Hinawakan ng ate nya ang kamay nya at hinila sya papunta sa kwarto nya.

Inilibot nya ang mga mata sa kanyang silid,  namiss talaga nya ang mga dating decors nya.

"So, magsalita ka..." Humalukipkip ang ate nya na parang iniinterogate sya "Did you meet someone there?"

Pasimple syang nag iwas ng tingin dahil gusto nyang iwasan ang tanong nito.

But her sister eyed her suspiciously.

"Single ka parin? O may nakilala ka ng pogi doon?" Tumaas ang isang kilay nito "Still a virgin?"

Nanlaki ang mga mata nya at namumulang tumingin dito "Ate!"

"What?" Inosenteng ani nito "Well......wala tayong magagawa kung hindi na. Basta safe.....".

Under The Sweetest CharmWhere stories live. Discover now