Lumapit ang matanda at inayos ang buhok ni Kiko.

 

"Bueno, hindi mo na kailangan pang maghanap ng magiging Donor ni Shiloh.."

 

"Ya, ibig n'yong sabihin..HANDA KAYONG MAGING DONOR NI SHILOH?"

 

Tumango ang matanda.

 

"Ya, pero.." Nag-aalala agad si Kiko.

 

"Kiko, tinuring kitang anak. Lahat lahat kung maging maligaya ka ibibigay ko sa 'yo..sa abot ng aking makakaya."

 

Napayakap si Kiko at napaiyak sa desisyon ng kanyang Yaya.

 

"Ya, sobra na ang pagmamahal ninyo sa akin. Paano ko kayo mapapasalamatan ?"

 

" Kiko, h'wag kang mag-isip ng ganyan. Kung masaya ka..masaya rin ako."

 

———————————————————————

 

Sa kabilang dako naisipan ni Evon na bumalik sa loob ng hospital. Hinanap n'ya ang Fertility Doctor na kaibigan ni Oliver. Sa dami ng doktor na nakapaskil sa isang Bulletin Board, naisipan n'yang lumapit sa isang nurse sa nurse station.

 

"Gusto ko sanang makipag-appointment sa Fertility Doctor. Sino bang pwedeng malapitan? I need some advice."

 

"Ahmmm..sandali lang po...ah, si Dr. Willson Bermudez po." Sagot ng nurse.

 

"Meron bang nakipag-appointment sa kanya na Oliver Lumina? or Shiloh Calangitan?"

 

"Ahmmm..Shiloh Calangitan po."

 

"Thank you. I want to meet Dr. Bermudez."

 

Agad namang nilista ang pangalan ni Evon.

 

———————————————————————

 

Ilang sandali lang, tinawag na ang pangalan ni Evon. Pumasok si Evon sa loob ng silid ni Willson.

 

"Good morning, doc."

 

"Good morning, Maam."

 

" A friend of mine told me about you. Gusto ko sanang humingi ng advice tungkol sa kalagayan ng kasintahan ng aking anak.." Pagkukunwari ni Evon.

 

"Ahmmm..bakit naman po?"

 

"Merong problema ang dalaga sa kanyang reproductive system. Pinatignan na namin s'ya noon sa isang doktor. At ang sabi sa amin na hindi s'ya magkakaanak. Gusto ko sanang malaman kung may paraan na maayos ang kalagayan n'ya. That was long time ago, when she was diagnosed about that problem."

The BearerWhere stories live. Discover now