37

1.2K 46 80
                                    

"hoy! ang bagal niyo kumilos! bilis na!" utos ni Joshua sa mga kaibigan.

Magpi-picture kasi sila as a souvenir kahit na kakarating lang nila sa resort. Wala din namang masama dun kaya itong si Joshua, photographer mode na agad.

"dali na!!!!" isang sigaw niya pa ulit.

"tangina naman kasi Josh! kalma lang! ito na!" sigaw ni Joj sabay nilapag ang bags na dala.

Pumwesto na silang lahat leaving a space for Joshua to settle himself in, inayos niya pa ulit ang camera bago pinindot ang timer.

Dali-dali siyang tumakbo at pumunta sa pwesto niya and then their first picture as magba-barkada happened.

And they all laughed at it ng makita nila ito.

In the picture kasi, naka back-hug si Janella kay Jane, naka back-hug din si Julia kay Liza, even si Mac ay naka back-hug kay Kim tapos si Joshua at Joj magkatabi lang na parang nag fa-fashion show lang sa post nila.

"tse! palibhasa may mga lovelife kayo!" inis na sabi ni Joj sabay kuha na sa bag niya.

Niligpit na din ni Joshua ang set-up ng camera niya sabay sinundan din si Joj.

Natatawa lang sila Jane sa kanila kasi alam naman nilang hindi talaga galit yung dalawa.

+++++

Naglibot-libot sila sa buong resort, kumain at nag take ng pictures sa kung saan-saan.

They really spent their day enjoying everything.

Gabi na nung naisipan nilang mag bonfire at tumambay lang sa labas.

"grabe noh? iba sa atin hindi pa magkakilala ng isang buwan pero yung bonding natin lahat, wow." sabi ni Joj.

"oo nga eh. para kasing kilalang-kilala na natin ang isa't-isa." pag sang-ayon naman ni Joshua.

"hindi nga magkakapareho kurso nating lahat and even yung schools pero ito tayo, salamat sa inyo ha." sabi ni Marc habang naka back-hug kay Kim.

"kakakilala ko nga lang sa inyo pero ramdam kong welcome na welcome na ako eh." sabi naman ni Kim.

"I'm really thankful I get to meet you all, we only spent a short time together but you all have spots in my heart already." sabi ni Liza at tumango naman si Julia na nasa tabi niya at hawak ang kamay nito.

"ito yung bagong pagkakaibigan na alam kong hindi talaga mawawala, kahit bago lang 'tong barkadahan natin, I know this will forever exist." Julia said, also sharing her thoughts.

"lahat kayo, pinakamagandang nangyari sa taong 'to." Janella said as she's leaning her head on Jane's shoulder.

"agree ako dun, ang daming masasakit na nangyari sa buhay ko and you all made those better." sabi ni Jane.

They were all silent after that.

Masaya sila sa kung nasan sila ngayon and alam nilang kung ano man ang mangyari, they'll always have each other's backs.

"dati ka bang gago? ang sakit mo sa pisngi Paolo ha?!" rinig nilang reklamo ng isang babae sa d kalayuan.

"eh sa ang cute ng pisngi mo, ano bang magagawa ko?" natatawang sabi ng isang lalaking boses.

A voice familiar kay Jane and even sa iba nilang barkada.

"Paulo?" takang tanong ni Janella.

Palapit na yung boses sa kanila and konti nalang makikita na nila kung tama nga sila sa iniisip nila.

"ay tanga! magkapatid tayo kaya pareho tayo ng pisngi! yung sa'yo pagdiskitahan mo oy!" sabi nung babae na tinawanan nung lalaki.

And they really confirmed their suspicions ng makita na nila ang itsura nung lalaking kasama ng babae.

What Binds UsWhere stories live. Discover now