27

610 44 76
                                    

"oh? ano nangyari sa'yo?" tanong ni Joj ng makita niya si Janella na salubong ang kilay.

Janella's aura scares her right now, hindi niya din talaga alam anong nangyari.

"nothing." tipid na sagot nito sa kanya.

Lumapit naman si Joshua sa kanila at umakbay kay Janella.

No idea that the girl is not in the mood.

"ano meron?" naka ngiting tanong nito.

Sinenyasan siya ni Joj na alisin ang kamay nito dahil wala sa mood si Janella, pero clueless pa din si Joshua.

"nga pala, d pa din sumasagot sa text and chats si Jane, d mo ba nakita on your way here Jea?" tanong nito kay Janella.

Janella almost rolled her eyes upon hearing Jane's name, naalala niya lalo yung selos niya.

Basta siyang umalis sa pwesto niya making Joshua almost fall face first sa floor.

"Jea?" takang tanong nito ng tinulungan siya ni Joj.

"kanina pa ako senyas ng senyas sa'yo, Jea looked like she's hella mad kaya." sabi ni Joj sa kanya and automatic na nanginig si Joshua.

"eh bakit?" tanong nito.

"I don't know din." sagot nito at tinignan si Janella na pumunta sa stage at tumulong na sa ibang officers.

Sakto namang kakabukas ng pinto at napatingin silang lahat dun dahil na din malakas ang boses nung pumasok.

"after you Jane." rinig nilang sabi.

Both Joj and Joshua had their mouths wide open ng makita nila ang nangyayari.

A guy opened a door for Jane and the latter smiled at him sabay hinampas ito sa braso.

Tinignan naman agad nila ang itsura ni Janella and if looks could really kill, whoever that guy is, malamang kanina pa patay.

"guys, hello." nakangiting bati sa kanila ni Jane ng makalapit ito.

"this is Paulo, kaklase ko and partner sa isang activity. kakagaling lang namin sa library and he told me na ihahatid niya ako so, well. now you met him. Paulo, that's Joj and Joshua." nakangiting pakilala nito.

"hi, I'm Paulo Gumabao." nag offer pa ito ng handshake na tinanggap both ni Joj and Joshua.

Though sa isip-isip nila Joshua at Joj, alam na nila kung bakit kanina pa mukhang galit na dragon si Janella.

Galing sa library yung dalawa, dun din galing si Janella, malamang may nakita itong hindi nito nagustuhan. Nagselos kumbaga.

Nagkatitigan naman sina Joj at Joshua sabay nag smirk sa isa't-isa.

"napano kayo?" tanong ni Jane sa kanila.

"ah? wala, wala." nakangising sagot ni Joj sabay akbay kay Joshua.

"wala naman diba?" tanong pa ni Joj kay Joshua.

"wala, walaaaa." nakangisi din nitong sabi.

"weird." sagot ni Jane at tumingin kay Paulo.

"ipapakilala ko sana sa'yo si Jea, pero parang wala pa siya dito eh." sabi ni Jane kay Paulo na nakangiti sa kanya.

"okay lang, maraming times pa naman na pwede ko siyang makilala.. anyways, kailangan ko na din umalis, may practice din kami eh." sabi nito.

"sige, ingat ka tsaka salamat sa paghatid ha." sabi ni Jane ng nakangiti.

"no problem." sabi ni Paulo kay Jane ng nakangiti bago tinignan sila Joj at Joshua.

"alis na ako guys, it's nice to meet you." sabi nito bago tinignan ulit si Jane.

"I'll go ahead na Jane, see you bukas." sabi nito sa kanya sabay naglakad na palabas.

Jane turned to look at Joj and Joshua na kanina pa nakangisi.

"mukha kayong siraulo, asan na ba kasi si Jea?" tanong nito sa kanila.

"sinong Jea?" maang-maangang tanong ni Joshua sa kanya.

"siraulo!" hinampas niya si Joshua sabay napa aray ito.

"asan nga kasi si Jea? wala pa ba siya dito?" tanong nito ulit sabay nilibot ang tingin sa buong lugar at nagtama naman ang tingin nila ni Janella.

Ngumiti siya dito at kumaway, but the latter only nodded at her and showed her a fake smile.

"gotta exit, may gagawin pa kami sa kabilang side ng stage." sabi ni Joj sabay hinila si Joshua palayo.

"hoy, saglit lang..anong nangyari kay Jea?" tanong ni Jane sa kanila, nahawakan niya kasi braso ni Joshua bago pa ito mahila ni Joj eh.

"hmm? wala kaming alam, basta pagkapasok niya dito, wala siya sa mood." sagot ni Joshua sa kanya.

"yep, galing pa naman siyang library. baka siguro may nakitang hindi niya nagustuhan?" nakangising sabi ni Joj sa kanya sabay hinila ulit si Joshua, this time hinayaan na niya ang dalawa na umalis.

nakitang hindi niya nagustuhan?

Sa isip niya.

tangina, kaya ba pakiramdam ko may nakatingin samin kanina ni Paulo sa library?!

Tinignan naman niya ulit si Janella na abala na sa ginagawa nito.

nagse selos ba siya? pero bakit?

Hindi niya alam kung bakit kaya naglakad na siya papalapit kung nasan si Janella.

"hi Jea." bati niya dito sabay yumuko sa tabi nito, helping the girl.

"hello Jane." sagot nito sa kanya, ramdam niya ang pagiging cold nito.

tangina, nagse selos nga!

"crush mo ba si Paulo?" pagkasabi niya nun ay halos mabali ang leeg ni Janella na agad lumingon sa kanya.

"who the heck is Paulo?" galit na tanong ni Janella.

"oh, so hindi mo crush si Paulo? hindi ka nagseselos kasi crush mo siya?" tanong niya dito.

Janella stared at her, as if studying her, bago natawa.

"oh my God, ang clueless mo.. fine, maybe I'm jealous Jane." sabi nito at tumayo sabay umalis.

Naiwan naman si Jane na nakayuko pa din dun.

so crush niya nga si Paulo?

+++++

NOTE: Might be the last ud tonight? or not? d ko sure ..but sure akong may pagka tanga si Jane dito sa part na'to. 😁

What Binds UsWhere stories live. Discover now