29

630 39 24
                                    

Jane sighed as she laid down on her bed. Masyado siyang affected eh hindi nga niya alam kung gusto nga din ni Janella yung Marc.

"pero 3 years? hindi naman siguro makakatagal ng 3 years kung somehow d mutual ah? tsaka mukha ngang close na close sila, may payakap pa nga." iritableng sabi niya sabay nagpapapadyak pa sa hangin.

"tas ano ngayon? aamin pa ba ako kung meron na palang 3 years?" tanong niya sa hangin.

Ilang minuto pa siyang nag-isip tungkol sa nangyari.

"bobo ko pa, akala ko si Paulo gusto niya yun pala yung 3 years pala..tangina, umasa pa ako ng very light na baka kaya nag selos is coz baka gusto niya ako."

Sabi niya ng maalala yung sinabi ni Janella nga nagse selos nga ito. That very moment, her logical self actually believed na gusto din siya ni Janella.

Na hindi niya lang guni-guni na may something sa kanilang dalawa.

Pero dahil nga dumating si Marc na 3 years na palang nanliligaw kay Janella, nawala yung small hope na meron siya.

"sali na talaga ako sa trope ng taong na in love sa straight friend." malungkot niyang sabi ng biglang may malakas na katok sa labas ng pinto niya.

Legit malakas, rinig na rinig niya kahit nasa kwarto siya eh.

Automatically part of her mind says na sana si Janella yun, pero yung logical mind niya said otherwise.

"kasama niya ngayon yung Marc.. either si Josh yan o si Joj." sabi niya sa sarili at tumayo na.

She was about to open the door ng maalala niya ang sabi ni Janella na mag-ingat pag ganitong sitwasyon, malay nga naman talaga niya kung rapist o killer ang nasa labas.

So sumilip siya sa small hole na nasa pinto and her eyes grew wide, immediately opening her door.

"tangina Juls!" sigaw niya ng buksan ang pinto.

A pretty girl stood there, smiling at her.

"surprise?" the girl says, opening her arms for a hug.

"tangina ka! ano ginagawa mo dito?!" she asks, now hugging the girl, both sharing smiles.

Their hug lasted for a couple of seconds bago sila bumitaw sa isa't-isa.

The girl, Juls then held Jane's left ear, making the latter wince in pain.

"tangina ka! masakit!" sigaw ni Jane.

"kanina mo pa ako minumura eh, ano? titigil ka jan sa kakamura mo ha?!" sabi nito na tumatawa, napatawa din si Jane sabay tango ng tango.

"tang---" tumigil siya sa sasabihin niya ng bitawan na siya ni Juls, muntik na naman siya magmura.

"subukan mo lang magmura ulit Jane ha!" saway nito sa kanya.

"oo na, hindi na. ang highblood mo talaga kahit kailan Julia." sabi niya dito at pinanlakihan siya nito ng mata.

She laughed at her bago siya nag make way.

"pasok ka nga dito." sabi niya dito na ginawa naman ni Julia/Juls.

This girl. Ito yung literal na dahilan ng gay awakening niya.

They're best friends, silang tatlo ni Joshua. Openly gay 'tong si Julia even at a young age and super open din sa fact na may gusto 'to sa kanya.

They were actually very compatible, dinaig pa nila mga zodiac compatibilities. Kaya nga lang, kahit gano pa ka compatible ang dalawang tao, pag hindi talaga meant to be, you can't do anything about it.

What Binds UsWhere stories live. Discover now