36

620 30 17
                                    

It had been a whole week since everything that happened. Biyernes na naman ulit.

Busy ang lahat ngayon since magbabakasyon daw sila even for just 2 days. They have lots of things to celebrate eh. First is to finally celebrate their successful performance last week, second is their club's success, third is dahil officially alam na ng lahat even those mga nag a-attempt na manligaw kay Julia na she's engage with Liza. Fourth is that finally sinagot na si Marc ng nililigawan niyang si Kim.

So yes, madami silang magbabakasyon sa resort na pagmamamay-ari ng family ni Liza.

Speaking of Liza, she was shocked sa lahat ng news na nalaman niya when she arrived sa Pilipinas. And for some voodoo shit, magkakilala pala sila ni Janella.

Talk about family connections.

Kaya walang awkwardness sa kanilang lahat. Automatically naging part of the group si Liza.

Even Marc and his now girlfriend Kim. They're all literally a pact now.

"guys, I have to meet my mom muna before tayo umalis. she's been bugging me to meet her." Jane said, alam na din ng buong barkada nila ang sitwasyon niya sa mom niya.

And they all actually advised her na kausapin ito, mukha daw kasing kulang lang sila ng communication. And she knows it too.

Kaya she's now hoping na maayos nila ng mom niya ang lamat sa relasyon nila.

"sige, tulungan na namin si Jea sa pag impake ng mga damit mo." Juls told her and she nodded.

Nagpaalam siya sa kanilang lahat and gave Janella's forehead a kiss.

Hindi siya magmo motor ngayon since malapit lang naman yung pupuntahan niya sa school nila, a jeep will do.

"I love you, balik ako love." she said and Janella nodded.

"I love you too." sabi nito sa kanya bago hinalikan siya sa pisngi.

She felt herself blush at that.

+++++

"Jane." her mom calls her ng magkita sila.

"take a seat." sabi nito na sinunod niya.

Nasa café sila na medyo malapit sa school, her mom drove to actually go see her.

"I already ordered for you." her mom said, and she nodded.

Pakiramdam niya maiiyak siya, what her mom ordered is the things that she likes.

They ate in silence, letting other people do the noise for them.

When they're done, Jane's the first one to break their silence.

"I'm sorry mom." she said.

Her mom looked at her nodding, "I'm sorry din Jane." sabi nito.

"sorry kung pati ako nawala when your dad passed away."

"I'm sorry kung imbes na damayan natin ang isa't-isa mas pinili kong kalimutan yung mga tungkol sa dad mo." dagdag pa nito.

Jane's tears fell na parang waterfalls, ramdam niya ang pagsisisi ng mom niya and she also feels the same.

Regret kasi napagod siyang intindihin ang sitwasyon ng mom niya.

"pumunta ako sa school mo last week." sabi ng mom niya.

"po?" she asked, now wiping her tears.

"nakita ko pano kayo mag perform, nakita ko kayong masaya lahat, nakita kitang masaya Jane." her mom said smiling.

"para kong nakita ang dad mo that very moment and realized na ayukong pati ikaw na anak ko mawala. so please Jane, let's catch up to those years na nawala sating mag-ina?" sabi ng mom niya at mas lalo lang umiyak si Jane.

Tumayo siya sabay tabi sa mom niya at niyakap ito.

Ramdam niya ulit ngayon ang yakap ng isang ina.

"sorry mom sa mga pagsagot-sagot ko sa'yo." she said as she lets her mom hug her more.

"naiintindihan ko yun Jane, mahal kita anak ko." sabi nito and she moved away from their hug.

"mahal din kita mom, sobra." parang bata niyang sabi.

+++++

Matapos ang iyakan session nilang mag-ina ay nag presenta ang mom niya na ihatid siya pabalik sa dorm nito na hindi naman niya tinanggihan.

While in the car, her mom asked her a question, "ano nga pala yung narinig ko last week na may something daw yung drummer at isang nagbi bass?" ramdam niya ang pula ng pisngi niya and even her ears when her mom asked that question.

"obviously hindi naman si Joshua yun, so, yung magandang babae na nagbi bass, ano meron sa inyo?" tanong ng mom niya.

She cleared her throat bago sumagot, "si Janella, mom. she's already my girlfriend." she said, side looking at her mom's reaction.

Nakita niyang ngumiti ito, "ipakilala mo siya sakin, okay? I know you won't be in a relationship with someone kung d ka sigurado anak, masyado kang seryoso sa buhay to joke around about love." sabi nito sa kanya and she feels so happy.

Tama naman kasi talaga ang mom niya.

"sige mom."

+++++

She already told her mom Janella's situation and napailing ito.

"ang nagagawa nga naman ng kapangyarihan at pera." sabi nito.

"don't worry, ako na bahala sa studies niya..and you anak, I know you love that course so much, kaya yung deal natin? kalimutan mo na, basta, dapat pa din wala kang bagsak ha?" sabi nito sa kanya.

"wait, mom, seryoso?" she asks.

"yes, I'll take care of my future daughter-in-law's studies and you my daughter, will continue on pursuing your chosen course." pag-uulit nito.

"salamat mom!!!"

Pagkasabi niya nun ay saktong nag park na ang mom niya sa labas ng dorm nila.

"so, ipakilala mo na ako sa kaniya.." nakangiting sabi ng mom niya na tinanguan niya agad.

Bumaba na sila ng kotse and they followed the path papunta sa unit niya kung sa'n dun nag i-impake ang girlfriend niya at mga kaibigan nila.

+++++

NOTE: This is the second to the last ud :)

What Binds UsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ