4

1K 47 2
                                    

Natapos na ang first at second class niya, vacant time na niya at syempre, san pa ba siya pupunta kundi sa best friend niyang si Joshua.

Tumayo na siya at tinext si Joshua na pupunta na siya. She wonders, naka silent kaya phone nung lalaking yun? A smirk left her lips at tinadtad ng blank message si Joshua pagkatapos niya ipaalam na papunta na siya.

From: Siraulong Joshua

    Janeeeee! stoooppp! mapapagalitan ako dahil sa'yo! -.-

Tumawa naman siya habang naglalakad.

To: Siraulong Joshua

    kasalanan ko bang d ka naka silent? 😂

Napailing siya ng d na nag-reply si Joshua sa kanya, nahuli na yata yun.

Malapit na siya sa building ng mga architecture students ng mapansin niya ang isang notebook sa may gilid.

Nilapitan niya ito at kinuha, ang design ng cover nito ay ahas na may iba't-ibang kulay. Hindi niya alam pano mag react, ngayon lang siya nakakita ng ganitong design ng notebook.

"kanino naman kaya 'to?" tanong niya at binuksan ang notebook, sigurado siyang may pangalan ito sa loob dahil kung wala, ihuhulog nalang niya agad yun sa lost and found station ng school nila. Kung may pangalan naman, pwede ding e-post niya sa socials niya o d kaya ay itanong niya kay Joshua kung kilala niya ito. Palakaibigang tao naman kasi yung best friend niya kaya kahit first day pa, for sure may mga kaibigan na ito and friends meant connections.

Janella Maxine D. Salvador

Yan ang nakasulat na pangalan sa notebook.

"oh, pretty name." sabi niya sabay bitbit na ng notebook at lakad papunta sa room ni Joshua.

Pagdating niya dun ay sumilip siya at nakitang nagsasalita pa sa harap ang prof nito.

Sumandal nalang siya sa may wall at naghintay.

Ilang segundo pa ang lumipas at nagsilabasan na ang ibang estudyante sa room nila Joshua.

"Jane!" malalim na boses na tawag ni Joshua sa kanya.

Tinawanan niya lang ito at tsaka tumayo ng maayos, "kamusta? nahuli ka ba?" tanong niya dito. Alam naman kasi niyang hindi talaga galit si Joshua sa kanya.

"oo, muntik pang makuha phone ko. may warning na agad ako first day na first day, pag inulit ko pa daw, iko-confiscate na ni sir yung phone ko." sabi nito sa kanya.

Medyo na-guilty naman siya dahil dun.

"libre nalang kita as peace offering." taas-baba ng kilay na tanong niya.

Ngumiti si Joshua sa kanya, "uubusin ko pera mo oy." sabi nito.

"ikaw bahala, pag wala na akong pera sa'yo pa din naman ako lalapit eh." sabi niya dito.

Umiling nalang si Joshua sa kanya at ginulo ang buhok niya. Ginagawa talaga siya nitong aso eh.

Nahulog naman bigla ang notebook na hawak niya kaya pinulot niya ito at naalalang may itatanong pala siya kay Joshua.

"nga pala, napulot ko tung notebook papunta dito, kilala mo ba si Janella (JANELYA) Maxine Salvador?" tanong niya dito ng mag-umpisa na silang maglakad.

"Janelya Maxine, Janelya, Janelya.." parang nag o-orasyong sabi ni Joshua.

"tama! baka ibig mong sabihin is Janella (JA-NE-LA)!" sa sobrang excited na sabi ni Joshua at sa lakas ng boses nito ay alam na ni Jane na kung sino man yung Janella na yun ay narinig na sila kaya tumawa nalang siya. Napapahiya talaga minsan pagmagkasama sila ni Joshua eh.

"bakit?" rinig niyang tanong ng isang boses, nakayuko kasi siya dahil sa kakatawa.

"oh, ah, Janella..yung notebook mo." parang nahihiya pang sabi ni Joshua kaya tinignan na niya ang nagsasalita. Minsan lang ganitong nahihiya kaibigan niya eh.

"siya yung babaeng maganda!!" sabi niya sa isip niya.

"thank you! where did you find it?" tanong nito sa kaibigan niya.

"ang ganda niya talaga." sabi niya pa ulit sa isip niya.

"ahm, kaibigan ko yung nakahanap. sa'n mo daw ba nakita Jane?" tanong nito sa kanya.

"hala, bakit nakatingin siya sakin???? may laway ba ako sa mukha? ketchup? dumi?" sa isip niya pa din.

Siniko naman siya ni Joshua na naging dahilan para umayos na siya.

"huh?" tanong niya.

Nag smile naman si Janella sa kanya sabay nilahad ang kamay.

"my name's Janella Maxine Salvador, but you can call me Jea." sabi nito sa kanya, tinanggap naman niya ang kamay nito at ngumiti din.

"ang lambot! halaaa ano ba iniisip ko!" pakikipag-usap niya ulit sa sarili.

"ako naman si Jane Florence De Leon, you can call me yours." naka ngiting sabi niya pero siniko ulit siya ni Joshua.

"mukha kang tanga, anong yours pinagsasasabi mo???" bulong nito sa kanya.

"este, ano..ahm, Jane.. you can call me Jane." sabi niya sabay awkward na tawa.

Andun pa din ang smile ni Janella sa kanya pati na ang paghawak nila ng kamay kaya naman parang tanga na talaga tignan si Jane.

"so, nahanap mo notebook ko?" tanong ni Janella sa kanya.

"yeah, nakita ko nung papasok ako dito sa building niyo." sagot niya naman.

"ah, thank you ha. akala ko nawala na talaga eh." sabi nito sa kanya.

"no problem, I'm glad na nakita ko hinahanap mo." sagot niya dito.

"sige, alis na ako ha? it's nice to meet you Jane." sabi nito sa kanya.

"sige, it's nice to meet you din J-Jea." sagot niya dito.

"sheeet ang ganda ng Janella, ang ganda ng Jea, ang ganda niya!"

Narinig niya namang nag chuckle si Janella bago nagsalita, "Jane..yung kamay ko." sabi nito. Halos matunaw siya sa kahihiyan ng binitawan niya na ang kamay ni Janella.

"thank you ulit, see you around." sabi nito sa kanya ng nakangiti bago umalis.

Napako pa din siya sa kinatatayuan niya kahit na nakalayo na si Janella.

"nawala angas natin dun ah." sabi bigla ni Joshua na nasa tabi niya pa din, voice with a hint of teasing.

"she's more pretty up close." sagot niya dito.

Hinila nalang siya ni Joshua papunta sa cafeteria habang nag-uusap sila.

"anong up close pinagsasasabi mo?" tanong nito sa kanya.

"nakita ko siya kanina nung papunta ako dito, nakasakay sa passenger seat ng kotse, tulog." sagot niya dito ng naka ngiti.

"so love at first sight?" tanong ni Joshua sa kanya, nang-aasar pa din.

Umiling naman siya agad.

"crush lang siguro or nagagandahan lang talaga ako." sabi niya dito.

"okay, sabi mo eh." sagot naman ni Joshua sa kanya as he shrugs his shoulder.

"crush o paghanga. yun lang talaga dapat."

What Binds UsWhere stories live. Discover now