6

890 49 2
                                    

Inabot sila ng halos dalawang oras kakaayos sa buong dorm room. Nasa kabilang kwarto nakalagay ang mga instruments ni Jane para kahit buong magdamag pa siya magpatugtog ay okay lang dahil soundproof naman ito.

Nasa kwartong gagamitin niya naman nakalagay ang mga gamit niya at damit.

Kailangan niya pa bumili ng grocery para malagyan ng laman yung ref niya, pati snacks magkaroon siya ng stocks.

Halos kumpleto na din naman kasi ang dorm eh, may tv, ref, kama, couch, kahit washing na may dryer meron din. Kumbaga sulit yung malaking bayad para magka dorm ng sarili.

"tara na sa dorm ko, kain tayo." sabi ni Joshua sa kanya pagkatapos ng ilang minuto nilang pag-upo at tambay sa couch.

"ano ba pagkain dun?" tanong niya dito.

"pizza? tsaka pancit canton.. d naman ako nakapagluto eh." sagot nito sa kanya.

"gutom tayo tsaka pagod, dapat proper food talaga..may delivery ba dito?" tanong niya dito.

"tanong natin sa baba." sabi ni Joshua na nauna ng tumayo. Sumunod naman siya at pinagbuksan siya nito ng pinto.

Naka-akbay si Joshua sa kanya habang nasa loob sila ng elevator.

"magpalit ka muna kaya, ang baho mo." pabirong sabi niya dito.

"hoy! ikaw nga tung mabaho eh." balik na sabi nito.

"nah, hindi kaya." sabi niya dito.

"paamoy ng kili-kili mo, sige nga." paghahamon nito sa kanya.

Pinaamoy niya naman, "yan sige, amuyin mo oh..mabango yan oy!" natatawang sabi niya dito.

Bigla namang bumukas ang elevator kaya napatigil sila agad. Okay lang sana kung walang tao, pero meron eh. Tsaka sila Janella at Joj pa.

"Jea, h-hi." nauutal na sabi niya habang inaayos ang sarili at lumabas sa elevator kasunod si Joshua.

"hello Jane." sagot nito sa kanya at ngumiti.

"oy, may curfew mga boys dito..d niyo ba alam?" tanong ni Joj sa kanya.

"hala meron?" tanong niya din pabalik.

"oo, pag 9:00 p.m bawal na ang mga boys dito." pag i-inform nito.

"salamat Joj ha, d ko alam eh. kakain pa sana kami through delivery." sabi niya dito.

"ay oo! may curfew din sa boys eh, bawal na ang mga girls dun sa'min pag 9:00 p.m din. ngayon ko lang naalala, napagod kasi tayo Jane eh." sabi ni Joshua habang kinakamot ang batok.

"okay lang, pwede pa naman siguro tayo lumabas tas deretso ako dito pag-uwi, ikaw naman sa dorm mo." sabi niya dito.

"pwede din, hatid nalang kita, yung motor mo nasa parking pa din ng school eh." sabi nito sa kanya.

"kunin ko bukas yun, sunduin mo din ako dito bukas." sabi niya dito.

"ahm, akyat na kami Jane ha?" paalam ni Janella sa kanya.

"sige Jea, salamat sa information Joj. see you around sa school." sabi niya sa dalawa.

"sige, bye." sabi ni Janella sa kanya.

"bye Jea, good night." naka ngiting sabi niya dito.

"good night Jane." naka ngiting sagot pabalik din nito sa kanya.

Tinignan niyang pumasok na sa elevator ang magkaibigan bago siya siniko ni Joshua.

"bye Jea, good night~~" pang-aasar ni Joshua sa kanya.

"tse!" balik niya dito, "tara na, anong oras na oh." sabi niya sabay nauna ng maglakad.

Tumatawa pa din si Joshua sa likuran niya habang nakasunod at sinasabi ang

bye Jea, good nightt~~~ ng paulit-ulit.

What Binds UsWhere stories live. Discover now