18

662 41 41
                                    

"okay, so dahil engineer nga yung profession na gusto mo Jane, dito tayo sa engineering building magso-shoot ng individual introduction mo." sabi ni Joshua kay Jane na nasa likod niya.

Sila Janella at Joj naman ay nasa tabi lang ni Jane.

"okay, ano ba gagawin?" tanong ni Jane dito.

"first, hanap muna tayo ng spot." sabi ni Joshua na naglakad pa lalo ng mabilis.

"seryosong-seryoso talaga si Joshua noh pag ganyan." sabi ni Joj na tinanguan naman ni Jane.

"sobra, gusto naman kasi talaga niyang maging photographer or director eh. kaso yan, nag architecture." sabi ni Jane habang nakasunod pa din sila kay Joshua.

"bakit ba nag architecture si Joshua?" tanong ni Janella.

"well, sabi niya para daw may kasama ako if ever mag shift ako." natatawang sagot ni Jane.

Tumango naman si Janella pero kita ni Joj pano nag-iba ang mood nito, halatang nagseselos.

"sobrang malapit talaga kayo noh?" tanong ni Janella.

"syempre naman." nakangiting sagot ni Jane na kasabay ng pagtawag ni Joshua sa kanya.

"Janeee! dali!"

"oo na! saglit lang!" sagot nito bago hinawakan saglit si Janella sa braso na para bang nagpapaalam sa kanya bago tumakbo papunta kay Joshua.

Napangiti si Joj ng makitang napahawak si Janella sa braso nito.

ang clueless nitong best friend ko

+++++

"pinagloloko mo ba ako? bakit kailangan kong mag bow?!" rinig nilang reklamo ni Jane ng makalapit na sina Janella at Joj sa pwesto nila ni Joshua.

"hindi noh! maganda eh, sige na kasi, just bow, ang dali-dali lang eh." sagot ni Joshua at pinalo naman siya ni Jane sa braso.

"ayan ka na naman sa hampas mo!" natatawang sabi ni Joshua.

"eh kasi, bakit nga?!" pasigaw pa din na sabi ni Jane.

Buti nalang talaga walang estudyante ngayon dahil linggo kundi nabulabog na lahat.

"mas maganda nga kasi! kulit mo." sagot ulit ni Joshua.

"tapos isuot mo 'to." sabi pa ni Joshua na inabutan siya ng suit.

"ano bang trip mo?" naguguluhang tanong niya.

"bagay sa'yo 'to, promise, sige na. ganyan din naman suot ko kanina eh." sabi nito sa kanya.

Umirap si Jane pero ginawa pa din ang utos nito.

"okay ganito ha, dapat ano, from dito sa pwesto na'to." sabi ni Joshua sabay lakad ng medyo malayo sa kanila.

"dito tapos lakad ka ng parang formal walk mo pero may pagka model ganun hanggang jan sa pwesto mo ngayon pero dapat hindi ka tumingin sa camera ha?" sabi nito.

"Jea, bakit ba pakiramdam ko inuuto ako nitong unggoy na'to?" tanong ni Jane kay Janella ng dumaan siya sa pwesto nito.

"hindi naman siguro Jane." nakangiting sagot nito.

Hindi naman din alam ni Janella kung anong gustong makuha ni Joshua sa pinapagawa nito kay Jane pero since mukhang kailangan talaga yung mga pinapagawa nito ay hindi na niya ki-kwestiyunin pa 'yon.

Huminto naman na si Jane sa harap ni Joshua at hinampas ulit 'to.

"sinasabi ko sa'yo pag ako pinagtripan mo at wala 'to sa final product, sampung hampas na malakas ibibigay ko sa'yo." pagbabanta niya dito, umiling nalang si Joshua bago lumipat ng pwesto kung san may magandang angle para kunin ang video shot na gusto niya.

What Binds UsWhere stories live. Discover now