3

1.1K 54 6
                                    

Pagkatapos niya kumain ay chineck niya ang oras sa relos niya.

7:10 a.m

Malapit na mag-umpisa ang first class niya kaya tumayo na siya at naglakad papunta dito.

"miss saglit lang!" rinig niyang sigaw ng isang boses ng lalaki mula sa likod niya. She's not sure if siya ang tinatawag nito pero huminto pa din siya at lumingon pa din siya dahil as weird as it is, pamilyar sa kanya ang boses nito.

Halos mapamura siya ng makita kung sino ito.

"Joshua!" sigaw niya sabay takbo papunta dito.

Nagyakapan sila ng lalaki at ramdam niyang pinagtitinginan sila. Kanina pa din naman kasi may tumitingin sa kanya, pano pa kaya ngayon na sumigaw siya at may kayakapan siyang lalaki.

Ginulo naman ni Joshua ang buhok niya matapos ng yakapan nila.

"akala mo hindi kita susundan ha." sabi nito sa kanya.

"na miss mo ba ako?" tanong pa nito.

"malamang, tinatanong pa ba yan.." sagot niya ng naka ngiti dito.

"ako hindi kita na miss." pang-aasar na sabi nito sa kanya.

"siraulo!" sabi niya sabay suntok sa braso nito.

"anong kurso ba talaga kinuha mo?" tanong niya dito.

"siyempre Architecture! para may study buddy ka pag bumagsak ka jan sa Engineering mo." pabirong sagot nito sa kanya.

"siraulo ka talaga!" sabi niya sabay suntok ulit sa braso nito.

"nakakadalawa ka na ha." reklamo nito sabay akbay sa kanya.

"ayusin mo kasi buhay mo." sagot niya dito pabalik.

"hatid na kita sa building niyo." sabi nito sa kanya.

"d ka talaga nag-iisip, malapit lang dito building ko.. yung sa'yo, nasa kabila pa, kaya umalis ka na." sabi niya dito sabay tanggal ng kamay nito sa pagkaka-akbay sa kanya.

"ay oo nga noh, sige puntahan mo nalang ako mamaya sa room ko ha? alam ko na naman mauuna pa uwi mo kaysa sakin eh. text ko sa'yo room number ko!" biglang sabi nito sabay takbo palayo.

Naiwan nalang siyang nakatayo sa hallway.

"bakit ko ba kasi binigay schedule ko sa kanya, tsaka bakit ako yung kailangan pumunta?" tanong niya sa sarili habang umiiling.

Chineck niya ulit ang oras at nanlaki ang mga mata niya, 3 minutes nalang bago mag start yung class niya.

Dali-dali naman siyang tumakbo papunta sa room niya.

Hinihingal siya ng makarating dito, late na siya ng 1 minute sa oras ng klase. Sumilip siya at nakitang marami ng estudyante pero wala pa ang prof nila kaya pumasok na siya mula sa kabilang door.

Umupo naman agad siya sa unang vacant chair na nakita niya sabay kuha ng phone niya para e-message si Joshua.

To: Siraulong Joshua

    muntik nako ma-late! bahala ka d kita pupuntahan sa room niyo mamaya, ano ka maganda? tss

Pagkatapos niya e-send yun ay kumuha siya ng panyo mula sa bag niya at pinunasan ang pawis niya. May nag text naman sa kanya kaya binasa niya na ito.

From: Siraulong Joshua

    hoy! muntik na din ako ma-late noh! ang layo pa pala ng building ko, mukha akong headless chicken kakatakbo kanina. patas lang tayo kaya puntahan mo pa din ako ha? tsaka d ako maganda, gwapo ako kaya counted yun kahit bading ka. ito room number ko oh: A217 😁

Napailing nalang siya at hindi na nag reply pa.

Totoong bading nga siya. Kung may bagay na okay ang mama niya sa kanya, yun ay ang pagiging bi niya, tanggap siya nito. Hindi din naman ganun kasama ang mama niya eh. Alam niya din kung bakit ganun ang mama niya pero she thinks it's too much to control her pa din. May sarili naman siyang buhay eh.

So far, puro crushes lang naman ang meron siya from both sexes. Ni minsan hindi pa din siya nagkaka boyfriend o girlfriend. Maliban nalang siguro kung liligawan niya yung babaeng maganda at sagutin siya nito.

She chuckled at her own thoughts.

What Binds UsWhere stories live. Discover now