CHAPTER 35

278 20 0
                                    

CHAPTER 35

Tapos na ang isang buwan niya. Nandito na siyang muli sa factory. Na miss niyang kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Long time no see, Nico," iyon kaagad ang bungad sa kaniya ng boss nila na may malaking ngiti. Siyang-siya huh.

"Long time no see rin po boss," bati naman niya dito.

Isang buwan lang siyang nawala pero ang laki na ng pinagbago ng factory. Mukhang maayos ang naging trabaho ng kaniyang mga kaibigan dito. Mabuti at hindi sila naging sakit sa ulo ng kanilang boss.

Ang swerte niya sa kanila dahil noong una ay tinutulungan lang siya ng mga ito pero habang tumatagal ay napapamahal na ang mga ito sa kanilang trabaho.

"Miss ko ng makipagsuntukan," natatawa na sabi ni Empong habang nasa kubo sila na nagmemeryenda.

"Maghanap kana ng kanugbugan mo. Nagbabagong buhay na kami pero kung may gusto naman na makipagbugbugan sa atin why not diba pero dapat hindi na kasama si master. May magagalit na e," sinamaan niya lang ng tingin si Douglas.

"Patingin nga ng mga videos mo sa probinsiya na pinuntahan niyo master, alam ko na mayroon ka diyan sa cellphone mo na itinatago kasi iinggitin mo kami. Tama ako 'no?" natawa naman siya sa sinabing 'yon ni Berting.

"Sa susunod nalang pa lowbat na itong cellphone ko e," sabi niya dito pero kahit hindi naman.

Kailangan niya munang i-private 'yong mga picture nila ni Fredrick doon. Ayaw nga niyang ipakita 'yon dahil grabeng panunukso na naman ang matatanggap niya sa mga ito.

"Sus! May tinatago ka diyan 'no master? Ikaw huh, nakabakasyon ka lang sa isang probinsiya e." Inirapan niya lang si Douglas.

"Master may ibabalita kami sa 'yo. Isa sa kaibigan natin ay ikakasal na next month," napaawang ang kaniyang bibig sa sinabing 'yon ni Berting. Nagulat siya.

Sino kaya sa kanila?

"Sino? Totoo ba 'yan?" tumango-tango sila sa kaniyang tanong.

"Oo master kaya pala noong nagbakasyon ka ay nagbakasyon din siya. Niligawan niya pala 'yong magulang ng babae para payagan siya na pakasalan ito."

Mas lalo siyang nagulat doon.  Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ng isa nilang kaibigan. Alam niya na mababait naman ang mga ito pero hindi niya lang naiisip na darating sila sa gano'n, 'yong liligawan mo ang magulang ng babaeng napupusuan mo.

"Mag-aasawa na si Dante master at alam mo ba, sinabi niya sa amin na ikaw ang maid of honor tapos ang bunso niyang kapatid ang best man," gago!

Bakit siya pa ang kinuha?

"Seryoso ba 'yan? Baka naman nagbibiro lang kayo diyan," sabi niya pero umiling lang ang kaniyang mga kaibigan.

"Totoo ito master kahit tanungin mo pa siya. Wala kasing kapatid na babae ang mapapangasawa niya kaya ikaw nalang ang kinuha tutal kaibigan ka naman niya. Pagbigyan mo na master, ngayon lang nagseryoso ang lalaki na 'yon e. Nagayuma yata kasi tumino."

Kung ano ano talaga ang sinasabi nila. Ano naman ang magiging itsura niya na maid of honor? Magdedress siya? The hell!

Wala bang kaibigan na babae ang mapapangasawa niya? Bakit hindi nalang 'yon ang kunin nila.

"Pwede naman sigurong magback out 'no?" naniniguradong tanong niya pero sabay-sabay silang umiling. Napalupaypay nalang ang kaniyang balikat. Ano na ang gagawin niya ngayon?

Mabubugbog niya talaga ang Dante na 'yan. Kaninis naman eh.

"Huwag kana diyan mainis master. Maganda ka naman kaya tiyak na nababagay ka doon  tapos malay mo diba ikaw na ang susunod na ikakasal," binatukan niya lang si Douglas dahil sa sinabi nito. Pasmado na bibig.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now