CHAPTER 31

260 21 0
                                    

CHAPTER 31

"Nakakahiya," sabi niya kay Fredrick nang nakasakay na sila sa sasakyan nito. Papunta na sila sa bahay nila.

Magdidinner lang naman sila kaya bakit siya kinakabahan pero ibang dinner kasi 'yon, kasama nila ang magulang ni Fredrick tapos paano nalang kung may mga kamag-anak rin sila na pupunta? Birthday pa naman nang mama ni Fredrick.

Nilingon siya ni Fredrick at nginitian siya nito. Sakto naman na huminto sila dahil sa red light.

"Gusto mo ba na huwag na muna tayong tumuloy? Maiintindihan naman nila mommy kapag hindi ka matuloy," kaagad siya na umiling sa sinabi ni Fredrick.

"Hindi tutuloy ako, nakakaramdam lang ako ng hiya pero tutuloy pa rin ako," mabilisan niyang sabi dito. Bahagyang natawa si Fredrick doon.

"Hindi naman sila nangangain pero baka mainis ka kay mommy dahil madaldal 'yon e. Nagmana sa kaniya si Rick kaya madaldal din ang lalaki na 'yon," tuwang-tuwa pa ang loko habang sinasabi iyon.

"Sige ka, isusumbong kita sa mommy mo dahil sinisiraan mo siya sa akin," pananakot niya dito pero hindi naman yata natakot ito parang sinasabi pa niya na sasamahan pa siya nito na magsumbong.

Nagmaneho ulit si Fredrick nang mag-green light na. Medyo may kalayuan pala 'yong family house nila Fredrick. Iba pala 'yong bahay na palaging ipinapakita sa T.V o sa facebook. Mas tago ang bahay na kanilang tinatahak ngayon, kaunti lang ang mga bahay na madadaanan mo.

"Palagi ba na dito kayo nagcecelebrate?" out of nowhere ay natanong niya ito sa lalaki.

"Oo kasi gusto rin ng family ko ang tahimik na celebration pero kapag tapos na kaming magcelebrate ay aalis naman si mommy at daddy para magtungo sa isa namin na bahay, magcecelebrate din sila doon kasama ang mga iba't ibang tao. Nagpapakain sila doon kapag dito naman sa bahay namin dito ay buong pamilya lang talaga namin kasama ang mga kamag-anak namin. Kapag din kasi dito ay walang media, makakagalaw ka ng maayos."

Ang hirap naman pala ng buhay kapag kasali ka sa miyembro na nagpapatakbo sa iyong lugar ano? Gagawin mo ang lahat para walang masabi sa'yo ang mga tao pero hindi mo rin maiiwasan na mayroong tao pa rin ang sisira at sisira sa'yo. Palaging mali ang nakikita, hindi 'yong mga kabutihan na iyong nagawa.

"Mga kamag-anak niyo rin ang makakasama natin ngayon?" nag-aalangan na tanong niya rito. Sana naman kaunti lang.

"Oo pero kaunti lang yata ang pupunta ngayon dahil busy sa trabaho ang iba, week days pa naman ngayon." Napatango naman siya. Medyo naginhawaan siya doon.

Makalipas lang ng ilang minutong pagmamaneho ni Fredrick ay nakarating na sila sa bahay na sinasabi nito. Simpleng bahay lang 'yon pero may third floor siya. Ang ganda ng disenyo hindi kagaya sa ibang bahay na masakit sa mata ang disenyo. Brown ang white ang disenyo nito.

Puro salamin ang harap ng bahay mula sa first floor hanggang third floor. May mga curtain na nagsisilakihan na kulay blue. Sa side ng bahay ay may malaking swimming pool doon.

Nakikita niya rin ang mga tao sa baba na busy sa pagluluto. Mga katulong siguro ang mga 'yon.

Ang layo rin ng estado nila ni Fredrick.  Ang yaman nila. Mayaman na talaga sila dati kahit hindi pa mayor ang daddy nito noon.

"Tara na sa loob," yaya ni Fredrick sa kaniya. Hindi niya namalayan na nakalabas na pala ito sa sasakyan at nasa harapan na niya ito.

 Bumaba naman na siya sa sasakyan. Inalalayan pa siya ni Fredrick na akala mo naman bata siya na mahuhulog doon o matutumba.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now