BLURB

2.1K 52 0
                                    

BLURB

Magugustuhan mo ba ang tomboy na isang siga sa kanilang barangay? Na magaling makipag-away sa mga lalaking pasiga-siga? Kung si Nica o Nico ay magugustuhan mo huwag mo na lang na susubukan kung ayaw mong makaranas ng WW5 o World War 5. Kung ayaw mong mabugbog habang nagco-confess ng feelings ay huwag mo na lang na susubukan. Kung ayaw mong mabali ang mga buto mo ay huwag mo ng susubukan.


Huwag kang pasiga-siga. Huwag kang mang-asar. Huwag kang magsisinungaling. Huwag kang magbibiro. Huwag na huwag kang mag-iinarte. Huwag kang mangungulit at huwag kang pauli-ulit kung ayaw mong matikman ang napakatamis na suntok galing sa kamao nito.


Ayaw ni Nica o Nico na magkagusto sa babae o sa lalaki man. Mas gusto na lang niya makipagbarkada kaysa makipagrelasyon na mauuwi lang din naman sa hiwalayan. Ayaw niyang maranasan yung mga nakikita niya sa kaniyang paligid na nasasaktan. Ayaw niyang dumating yung araw na siya naman yung makikita ng mga tao sa paligid niya na umiiyak.








VYOUUTIIIFUL 

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now