CHAPTER 13

546 30 2
                                    

CHAPTER 13

This chapter is dedicated to Quencevel .


" Ano? Tutunganga nalang talaga kayo diyan? Akala ko ba nandito kayo para magpaliwanag pero bakit tahimik lang kayo diyan?" naiinis niyang sabi sa mga ito.

Paano ba naman. Kanina pa sila dito. Kanina pa siya natapos sa pagkain pero tahimik lang ang tatlo na nakatingin sa kaniya. Kinakabahan na din siya sa pagtitig sa kaniya ng tatlo pero hindi niya lang talaga ipinapahalata.

" Sige ayaw niyong magsalita huh. Uuwi nalang din ako," nataranta naman si Fredrick dahil sa kaniyang sinabi.

" Ito na, ito na magpapaliwanag na. Pasensya na kinakabahan lang ako. Papansin naman itong dalawa dahil ginagaya ako na tahimik lang," binato naman ni Rick si Fredrick dahil sa sinabi nito.

" Ano ngayon kung hindi kami nagsasalita? Remember, ikaw kaya ang nagsabi sa amin na ikaw ang unang magpapaliwanag sa cool girl na 'to," masungit na sabi ni Rick sa kambal nito.

" Puwede naman na huwag niyong sundin 'yon para naman hindi tayo tahimik dito," reklamo naman ni Fredrick.

Hayst! Ewan na niya sa mga ito. Masyado silang magulo.

" Ano ba! Hindi talaga kayo magpapaliwanag? Magsisihan nalang kayo diyan?" naiinis na talaga siya.

Gumagabi na. Aabutin pa yata sila dito hanggang bukas pero hindi pa sila nakakapagpaliwanag sa kaniya at kung ano ba dapat ang kanilang ipapaliwanag.

" A-Ako 'yong h-humalik sa 'yo sa may likod ng b-bahay ninyo," napatanga siya sa sinabi ni Fredrick.

S-Siya 'yon? Paano nangyari?

" Paano? A-Akala ko si Rick 'yon?

Nakita naman niya kung paano samaan ng tingin ni Fredrick si Rick. Nalilito ako sa pangalan ng dalawang 'to. Bakit kasi parehong may Rick. Baka pati 'yang isa ay may Rick din. 

" Dukutin ko 'yang mata mo. Bakit mo ako sinasamaan ng tingin? Kasalanan ko ba na akala niya ay ako 'yon. Hayan! Ginusto mo kasing magpanggap na ako kahit hindi naman ako ikaw," napanganga siya sa ginawang pagbatok ni Fredrick sa kapatid nito.

Iyong isa naman ay walang pakialam sa ginagawa ng dalawa. Ganiyan ba 'yan? Hindi ba 'yan nababagot na hindi man lang nito ibuka ang kaniyang bibig? Bakit ibang-iba ang dalawa sa kaniya?

" Ako 'yong humalik sa 'yo doon. Wala na si Rick noon dito. Ako din 'yong palaging sumusunod sa 'yo at nangungulit, hindi si Rick."

Natahimik lang siya na pinoproseso ang sinasabi ni Fredrick. Tangina! Naalala na naman niya ang tagpong 'yon.

" Nagtungo na ako sa States matapos 'yong nangyari noon sa palengke at nakipagpalitan si Fredrick sa akin. Ginaya niya 'yong mga gestures ko para hindi mo mahalata na ibang tao ang kaharap mo," seryoso na sabi ni Rick.

But how? Paano siya nakilala ni Fredrick? 

" Nagtataka kaba kung bakit ka kilala ng mga kambal ko? Lalo na itong si Fredrick?" wala naman sa sarili na tumango siya sa sinabi ni Rick."Halata nga," nakangisi na sabi ng lalaki.

Hindi naman mahirap na pangalanan ang tatlo. Si Fredrick ay matangkad. Dahil magkatangkad lang si Rick at hindi niya alam ang pangalan ng isa ay may isa lang silang palatandaan. May nunal si Rick sa malapit sa bibig nito at ang isa ay wala.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now