CHAPTER 22

325 24 0
                                    

CHAPTER 22

Bumaba siya sa first floor nang magsawa na siya sa kakahilata sa kama. Ang lakas ng hangin. Ang sarap sanang matulog pero wala naman siya sa kanilang bahay. Nakakahiya naman kung matulog siya doon tapos si manang ay may ginagawa.

Tsaka hindi siya sanay na magmukmok sa bahay ng iba. Sa bahay lang niya nakasanayan ang ganon e. Sa bahay nga ng kaniyang mga kaibigan ay hindi niya iyon ginagawa. Mas mabuting makipagkuwentuhan nalang siya kaysa magmukmok.

Kaya siya bumaba dahil gusto niya pang makipagkuwentuhan kay manang. May gusto siyang malaman tungkol kay Fredrick. Gusto niyang makakalap ng impormansyon tungkol kay Fredrick.

Puwede naman iyon diba? Manliligaw naman niya 'yon kaya puwede niyang malaman kung anong pagkatao ba ang mayroon kay Fredrick. Oo tinatanggap na niya sa kaniyang sarili na manliligaw na niya ang mokong na 'yon. 

Susubukan lang naman niya. Kung hindi gumana ay siyempre titigil siya. Sino naman kasing mananatili sa gano'n diba, kung hindi na gumagana? 

Gusto niya rin malaman kahit iyong mga hobbies, mga paboritong pagkain, kulay o mga ayaw niya sa tao baka kasi may magawa siya na hindi nito magustuhan at matigok nalang siya ng wala sa oras.

Mabuti nalang naabutan niya si manang sa baba. May tinatahi ito na damit, kay Fredrick yata.

"Hi manang, magandang hapon po." Pagbati niya sa matanda.

"Magandang hapon din hija. Bakit nandito ka sa baba? Matulog ka nalang sana sa taas, wala ka namang gagawin dito sa baba." Ngumiti naman siya kay manang  bago umupo sa tabi nito.

"Umidlip naman po ako kanina manang tsaka gusto ko po na makipagkuwentuhan sa inyo kaya po ako nandito."

Nginitian naman siya ng nakakaloka ni manang. Naku! Mukhang alam na kaagad ni manang kung ano ang kaniyang pakay. Nakakahiya. Baka iba pa ang isipin niya.

"Hmmm, mukhang may gusto kang malaman ah. Tama ba ako?" nahihiyang tumango siya kay manang. Itinigil naman ni manang ang ginagawa nito.

"Ano ba ang gusto mo na malaman hija? Kung paano ba pinatay si Jose Rizal o ano?" napanguso siya sa sinabi ni manang. Tinawanan naman siya nito na mas lalo niyang ikinanguso.

"Manang naman e, kung anu-ano ang sinasabi," nakanguso na sabi niya dito.

"So, ano nga ang gusto mong malaman hija? Tungkol ba ito sa aking alaga?" tumango-tango siya sa tanong ni manang. Mukhang naging interesado naman si manang doon dahil sa ekspresyon na ipinapakita nito sa kaniya.

Sana talaga hindi siya tutuksuhin ni manang kasi tatakbuhan talaga niya si manang kapag nagkataon. Lalaki na 'yang pinag-uusapan nila e kaya authomatic na nakakahiya 'yan.

"Ahm manang, bata palang po ba ay naging gano'n na po ba ang routine nilang magkakapatid? Iyong si Rick lang po ang gusto nilang ipakilala sa mga tao?"

Puwede naman sigurong ikuwento iyon ni manang diba? Nagiging tsismosa siya sa lagay na ito ngayon pero ayos lang 'yon at least may nalaman siya tungkol kay Fredrick.

"Oo hija, ewan ko ba sa kanila na magkakakambal dahil naisip nila ang bagay na iyon. Sa una ay ayaw talaga ng kanilang magulang na sundin iyong gusto nang tatlo pero kalaunan ay ginawa pa rin nila."

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now