CHAPTER 16

438 28 0
                                    

CHAPTER 16


Natatawa nalang siya kila Douglas na nagpapaalam sa kaniyang magulang.

" Promise tita mabilis lang siya. Ihahatid namin siya mamayang als-diyes tita. Hindi naman po kami mag-iinom ng marami tsaka hindi namin papainumin ng alak si Nico. Tubig, juice o soft drinks lang po depende kung anong bet niya na inumin diyan sa tatlo."

Sunod naman na pagmamakaawa ni Berting kila nanay. 

" O sige pumapayag na kami. Basta iuwi niyo 'yan na walang galos huh. Naku! Hindi na kayo makakaulit kapag may nakita kami na galos niyan pag-uwi ninyo," panenermon pa ng kaniyang ina sa kaniyang kaibigan.

" Asus si tita oh. Hindi niyo ba napapansin na may isang buwan na rin na hindi na kami nakikipag-away. Bumait na po kami tita," pagmamayabang pa ni Narding.

" Isasama na po namin sina Meredith tsaka Melanie tita para may kasama si Nico mamaya doon. Tsaka para may cctv kay Nico mamaya para makasigurado po kayo na safe talaga si Nico," singit naman ni Fernan.

" O siya siya, basta ingatan niyo 'yang mga anak namin," nagsitaungan naman ang lima.

" Yehey!" masaya na sabi ng dalawa dahil pumayag sila mama na sasama ang mga ito.

Lima silang nandito ngayon. Si Douglas, Berting, Narding, Fernan tsaka Rafael. Iyong iba ay tumutulong kila Empong.

" Tita, tito baka gusto niyo nalang po na sumama sa amin?" umiling naman ang dalawang matanda.

" Naku huwag na. Ang mga anak nalang ang pupunta. Pasabi nalang mamaya kay Empong na happy birthday," sabi nalang ng ina nito.

Hindi talaga mahilig ang magulang nila sa ganiyan. Kahit nga pamamasyal ay hindi talaga sila mahilig. Kung hindi lang siya mapilit ay hindi lalabas ang dalawang 'yan.

" Sige po tita. Makakaasa po na makakarating po iyan kay Empong," sagot naman ni Narding kay nanay.

Hinintay naman sila sa sala nila Douglas dahil kailangan pa niya na magbihis. Nagsuot lang siya ng hoodie at sweat pants. Malamig mamaya sa labas.

Nakapagbihis naman na ang dalawa ng makalabas siya sa kaniyang kuwarto.

Kagaya niya ay nakahoodie at sweat pants naman ang dalawa.

" Nay, tay una na po kami. Ako nalang po ang bahalang magbukas sa pinto mamaya para hindi po namin maistorbo ang tulog ninyo," tinanguan naman siya ng magulang niya.

Inihatid naman sila ng kanilang magulang sa may pinto.

" Mag-iingat kayo huh. Kung may mag-aaway diyan mamaya huwag na huwag kang makikisali Nica, kukurutin ko talaga 'yang singit mo."

Ang nanay niya talaga. Iyan ang palagi nitong armas, kukurutin ang kaniyang singit.

" Oo na nay, hindi po ako makikisali. Away nila 'yon kaya hindi ako belong doon. Sige na po nay sisibat na kami," tumango naman sa kaniya ang nanay nito.

" Alis na kami nay, tay," paalam naman ng dalawa niyang kapatid dito.

" Grabe, kaming lima pa talaga ang napasubo na ipaalam ka master. Hindi man lang sumama 'yong iba," reklamo ni Douglas noong malapit na sila sa bahay nila Empong.

" Grabe ka Douglas. Kailangan isang batalyon kayo na magpapaalam? Hindi naman kayo kakatayin nila nanay 'no," napairap pa siya ng sabihin niya iyon.

" Duh! Hindi mo ba alam na may malalaking itak ang magulang mo master? Nakalimutan mo yata na nagtitinda sila ng karne sa palengke master," napapailing nalang siya.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now