CHAPTER 20

409 26 0
                                    

CHAPTER 20

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Sa bintana kaagad ang kaniyang tinungo dahil tinignan niya kung maayos na ang panahon pero nadismaya siya ng makitang umuulan pa rin. Mas kita na niya ngayon ang paligid ng bahay ni Fredrick.

Ang sinasabi niyang mga punong-kahoy kagabi ay kitang-kita na niya ngayon. Ang mga bahay ay nasa malayo at itong bahay lang talaga ni Fredrick ang nag-iisa sa gitna ng malawak na lupain kung saan nakatayo ang bahay na kinaroroonan niya ngayon.

Napalingon siya sa pinto ng may kumatok doon. Ibinalik niya sa dati ang ayos ng malaking kurtina bago niya pinagbuksan ang kumakatok. Alam niya naman na si Fredrick 'yon dahil silang dalawa lang naman ang nandito sa bahay na 'to.

"Anong kaila-" hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng makita kung sino ang nasa kaniyang harap. Hindi ito si Fredrick kundi isang matanda na mukhang nasa edad na fifty yata.

Ang aliwalas ng mukha nito. Hindi kagaya sa ibang matanda na unang tingin mo ay masungit na pero itong kaharap niya ngayon ay hindi. Ang amo ng mukha nito.

"Magandang umaga hija. Pinapatawag kana pala ng alaga ko sa baba, kakain na daw ikaw." Nakangiti na sabi sa kaniya ng matanda.

"Ahm ako nga pala si Dolores hija. Ako ang yaya ni Fredrick kapag nandito siya, ako din ang nagbabantay at naglilinis dito sa bahay niya. Nanay nalang ang itatawag mo sa akin o kung gusto mo ay manang nalang." Tumango siya sa sinabi ng matanda.

"Ahm nasaan po si Fredrick m-manang?" gusto niyang tawagin na nanay ito pero may nanay naman siya kaya huwag nalang.

"Nasa baba na hija, nagkakape." Tumango naman siya kay manang bago sumunod dito papunta sa baba.

Naabutan nga niya si Fredrick sa baba na nagkakape. May binabasa din ito na newspaper. Mabilis niyang iniwas ang kaniyang tingin nang dahan-dahan ito na tumingin sa kaniyang gawi.

"Good morning!" masigla na bati sa kaniya ng lalaki. Napairap nalang siya doon."Ang sama naman kaagad ng umaga mo. Kumain kana diyan baka sakaling sumigla ka rin. Ang lamig lamig na nga tapos ang ulo mo ang init," tinaas-taasan pa siya ni Fredrick ng kilay pagkatapos niyang sabihin 'yon. Narinig naman nila ang hagikhik ni manang.

"Ang saya niyo naman na tignan. Hija, inlove na sa 'yo 'tong alaga ko," may kilig pa sa boses ni manang.

"Nay naman e," parang bata na maktol ni Fredrick.

Natatawa nalang siya. May ganiyan din pala na side si Fredrick kapag si manang ang kaharap nito.

"Totoo naman anak. Tignan mo nga, ngayon ka lang kaya nagdala ng babae dito tapos hindi kapa kaya namamansin ng mga babae maliban sa amin na malapit sa 'yo. Diba nga, ayaw mong napapalapit sa mga babae at ayaw mong may lumalapit sa 'yo na babae."

Ay weh? Sa mukhang 'yan ni Fredrick hindi pa talaga nag-uuwi ng babae dito? Baka nga ang dami na niyan na nakasiping sa kama eh. Kahit naman ayaw nila ng atensyon ng mga tao pero alam niya na may kailangan ang mga ito sa katawan.

"Si nanay talaga binubunyag na ako," natatawa na sabi ni Fredrick kay manang. Natawa rin si manang sa sinabi ni Fredrick.

"Sus! Ang alaga ko nagpapabebe na. Nandito lang ang gusto niya e," nakita naman niya ang pagpula ng tainga ni Fredrick sa sinabi ni manang.

"Hay naku nay, sabayan mo na nga lang kami sa almusal para hindi na kung anu-ano ang sinasabi niyo kay Micay ko baka mamaya hindi na niya ako sasagutin diyan. Alam niyo na po nay baka macornyhan siya sa akin hehe."

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now