CHAPTER 30

312 19 0
                                    

CHAPTER 30

Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nang dalhin nila ang kaniyang tatay sa hospital. Maayos na rin ngayon ang kalagayan ng kaniyang ama, kailangan lang nila ang pagdodobleng ingat para hindi na magkasakit ito.

Hindi na raw sila babalik sa probinsya nila Fredrick. Sa susunod nalang daw. May dalawang linggo pa siya na natitira sa isang buwan na excuse niya sa kaniyang boss. Babalik na siya sa trabaho pagkatapos nito.

Hindi naman 

"Anak, ako na muna ang magbabantay sa tatay mo. Nandiyan si Fred sa labas, hinahanap ka," napalingon siya sa kaniyang ina nang marinig niya ito.

Nandito siya kasi sa kuwarto ng kaniyang magulang. Oras na kasi para painumin ng gamot ang tatay niya, katatapos lang din nila na kumain ng tanghalian.

Hindi na rin nagtitinda si nanay sa palengke. Nananatili nalang ito sa bahay para samahan siya na alagaan ang kaniyang tatay. Tumutulong rin ang kaniyang mga kapatid kapag may half day at wala silang pasok.

"Wait lang nay, ipapainom ko lang itong panghuling gamot ni tatay," tumango naman ang ina nito bago maupo sa kama nila.

Nang matapos na niyang mapainom ng gamot ang kaniyang ama ay kaagad na siya na lumabas. Nagulat pa siya nang makita niya si Fredrick sa may sala nila. Akala niya nasa labas pa ito, pinapasok na pala ng kaniyang ina.

Napaayos ng pagkakaupo si Fredrick ng makita siya nito. Inayos pa nito ang kaniyang damit. Kagagaling lang yata nito sa trabaho dahil nakasuot pa ito ng pormal na damit na ginagamit sa opisina.

"Tapos kana sa ginagawa mo?" tumango siya sa tanong nito bago siya umupo sa isang silya."Gusto mo ba na sumama sa akin? May pupuntahan sana tayo," kumunot ang noo niya dito.

"Akala ko ba na hindi ka makakapunta ngayon dito sa bahay? Sinabi mo nga noong nakaraan na hanggang Wednesday ay hindi ka makakadalaw dito pero anong araw palang oh, Tuesday palang. So, bakit ka nagyayaya? Wala ka na bang trabaho?"

Napakamot siya sa kaniyang mukha dahil nangangati ito. Kanina pa ito nangangati kaya kanda kamot naman siya. Tinatamad naman siya na maghilamos o tignan ang mukha niya sa salamin.

Iyon ang sinabi niya noong Sunday. Magiging busy raw ito sa trabaho niya pero bakit nandito na siya? Hindi pa nga natatapos ang miyerkules e.

"Ang boring naman, ang daming mga gagawin doon. Nagpaalam naman ako kay dad na magpahinga muna ako, pumayag naman siya kaya sinamantala kona 'yon para pumunta dito."

Napapailing nalang siya. 

"Sa tanong mo kanina, tsaka ko lang 'yon sasagutin kapag sasabihin mo sa akin kung saan tayo pupunta." Sabi niya dito.

Hindi naman siya puwede na agad-agad nalang sumama dito baka mamaya malayo pa ang pupuntahan nila at hindi sila kaagad makabalik dito. 

"Sa ano sana, sa family house namin. Nandoon kasi sila mommy ngayon at daddy kaya dadalhin kita doon. Mamayang dinner pa naman, gusto mo ba? Birthday din kasi ni mommy ngayon. Ayos lang kung ayaw mo, may susunod pa naman kaya hindi kita pipilitin ngayon na sumama sa akin."

Gago! Parang nagpapaawa pa ang boses nito habang sinasabi 'yong panghuli.

"Sige na sasama na ako pero hindi ba nakakahiya sa magulang mo na pupunta ako doon? Hindi naman ako invited sa birthday ng mommy mo e," sabi niya dito. 

Siyempre nakakahiya 'yon. Sino naman ang hindi mahihiya doon, pupunta ka tapos hindi ka invited. Hindi naman siya kagaya ng iba diyan na makakapal ang mukha, kahit hindi imbitado pumupunta pa rin tapos sila pa ang maraming kinakain. Naglalagay pa nga sa supot e.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora