CHAPTER 8

4 1 0
                                    

CHAPTER 8: Spectacular Than Before

Leanne's Point of View

"Noong isang araw ka pa titig na titig sa gown na yan." puna sa akin ni Cheska habang nakatitig sa gown. Huminga ako nang malalim bago ko sundan ang sinabi niya.

"Umiisip ako ng paraan kung paano ko babayaran 'tong gown na 'to sa kaniya. Saan ako kukuha ng twenty thousand pesos?" sagot ko sa kaniya habang nakagusamot ang mukha.

Napatingan sa akin si Cheska. "Babayaran, eh binili nga ni Cloud yun para sa'yo, eh. Bakit mo babayaran?" at muli siyang humarap sa salamin at nag-ayos.

"Imagine mo, 'di naman dapat ako aattend ng ball. Pero bigla bigla, may bibili sa akin ng susuotin na sobrang laki ng presyo. Nakakahiya kung 'di ko babayaran." sabi ko.

"You're lucky, Leanne. Iconsider mo na lang na gift niya yan sa'yo lalo na't two months na lang, birthday mo na." sabi niya sa akin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang orasan.

04:49 PM na. Almost five na ng hapon. Exactly 07:30 ng gabi, magsisimula ang ball. Tinatamad akong pumunta. Humarap ako kay Cheska at nagsalita. "Bes, parang ayoko na. 'Wag na kaya ako tumuloy."

Seryoso siyang napatingin sa akin. "Sinasabi mo riyan?" Umalis siya sa kinatatayuan niya't pumasok sa kwarto. Makalipas ang ilang segundo, lumabas siya roon na may bitbit na isang kit. Nagtaka ako sa kung bakit may bitbit siya niyon.

Lumapit siya sa lamesa na nasa tabi ko at inilapag ang kit na hawak niya. "Ano yan?" Tanong ko sa kaniya. "Sinong may sabing 'di ka pupunta, eh nakahanda na lahat." Binuksan niya ang kit at bumungad ang napakaraming pampaganda.

"Ilang oras na lang, magsisimula na ang ball. Kaya simulan na nating mag-ayos." saad niya. "Teka, eh ayoko nga pumunta."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa mukha niya. "Leanne, ibinili yan sa'yo ni Cloud para makapunta ka tapos sasabihin mo yan? Hayaan mong makita ng lahat kung sino ka at hayaan mong matanaw ka ni Cloud suot suot ang gown na binili niya sa'yo." sabi ni Cheska sa akin habang seryosong nakatingin mata sa mata.

Huminga ako nang malalim bago ako pumayag na ayusan na niya ako. Wala na akong magagawa. Totoo, kailangan kong harapin si Cloud habang suot 'tong gown na 'to kahit na nakakainis siya. Wala naman akong sinabing bilhin niya, aba't nakabili pa nga, eh.

Sinimulan akong ayusan ni Cheska para sa ball mamayang gabi. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Masaya kasi makakapunta ako sa ball, namomroblema kung paano ko babayaran 'to. Idaan na lang 'to sa sayaw mamaya.

~*~


"Leanne, dalian mo!" sigaw sa akin ni Cheska habang nasa labas na siya ng dorm habang ako ay lalabas pa lang ng pinto ng elevator at tumatakbo papalapit sa kaniya.

Nagtagal kami sa room namin dahil sa nawala ang isang heels na susuotin ko. Nawala ang kapareha kaya liyong-liyo na kami kahahanap. Twenty minutes naming hinanap yung heels.

Akala ko sign na yon na 'wag na tumuloy pero nakita ni Cheska sa loob ng cabinet sa kusina kasama ang mga snacks namin. Pareho kaming nagtaka sa kung bakit napadpad sa loob ng kabinet yung heels na susuotin ko.

Not until, naalala ko na doon ko pala nilagay yun nang maglaro kami ni Cheska. Hindi ko na lang pinaalala kasi anytime, anywhere, baka masigawan niya ako. Nakakatakot na.

Saktong 08 PM nang makarating kami sa Felerio Building ng university namin kung saan gaganapin ang ball. Para siyang Philippine Arena shaped pero maliit, siyempre.

Rewrite The StarsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt