CHAPTER 5

8 2 0
                                    

CHAPTER 5: Under The Same Umbrella

Cloud's Point of View

"Are you okay, anak?" my dad asked me on the  telephone. "Yes, dad. Ayos lang ako." sagot ko sa kaniya habang kumakain ng agahan.

"How's your study? Kumusta ang lagay mo riyan? Are you enjoying the Philippines?" muli niyang pagtatanong at tumawa sa bandang hulihan. He's a Filipino but an official resident of Japan. At the same time, dealing with our business and his foreign partners.

Dad lived here in the Philippines for more than 43 years and 10 years ago, nagmigrate at naging opisyal na residente ng Japan.

"Well, it's good in here. Masaya rito then I have friends that I can be with." Sagot ko sa sunod sunod niyang tanong. "Maniwala kaya ako? Cloud, kilala kita. You're cold as ice and you don't want anyone to surround on you." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Dad, I'm telling the truth. Everything is going smoothly." sabay subo ng cereal na kinakain ko. "Are you inviting some girls on your room?" tanong niya na kaya nasamid ako nang wala sa oras.

"Woah! I didn't expect you'll be reacting on that way." he said while laughing. "Seriously, dad? What kind of question of that?" medyo pasigaw kong sabi habang pinupunasan ang aking labi dahil naubo ako.

"I'm here to study, para maranasan ang buhay na gusto mong maranasan ko and also to be independent and to take care of myself. 'Di ako nandito para sa mga babae." Nang sabihin ko ang mga salitang iyon, lalo siyang natawa nang malakas. Seriously?

"Cloud, 'wag magsalita ng tapos. Maraming pinaplano ang tadhana." Bumalik ako sa pagkain at 'di na sinundan pa ang sinabi niya. Maya-maya pa'y muli kong narinig ang boses niya sa linya.

"I'm here to tell you something." seryoso niyang pagkakasabi. Ano naman kaya yon? "It has something to do with our family." Natigilan ako bigla sa sinabing iyon ni dad. "What about our family? May problema ba?"

Nagpatuloy ang usapan naming dalawa ng ilang minuto and I was shocked. I can't believe it was happening. But I have to stay calm on this situation. "Don't worry, son. Everything will be okay, I promise."

I'm the one who ended the call. "Okay, Cloud. Today is a new day. Stay calm and positive." pagpapalakas ko sa sarili ko. Nag-ayos na ako para maghanda sa pagpasok nang biglang isang message ang nagnotifi sa akin. "Unknown number? Sino kaya 'to?"

Chineck ko ang cellphone ko at binasa ang message.

'Hi, Cloud! It's me, Cheska. Please take care of my bestfriend because I left the dorm early in the morning and she's alone. Be with her while going to the university and make a talk-talk with her so she's not boring to the road. I gave you Php20.00 on your account. Thankyou!'

What? No, no, no. NO WAY! Bakit ko naman gagawin yon. I'm not her guardian to take care of her. Besides, sobrang lapit na ng university sa dorm na 'to kaya kaya na ni Leanne pumaroon. I'm not going to take care of that stuff.

Lumabas ako ng room. Walang katao tao sa hallway at tanging ako lamang. Pinagmasdan ko ang pintuan ng room na katabi ng amin. I'm seriously staring on it and I'm also serious that I will not take the responsibility.

Leanne's Point of View

'Wala na ba akong nalimutan?' tanong ko sa isip bago muling sinilip ang bag. Nalagay ko na lahat ng kakailanganin ko sa buong araw.

Sinuot ko ang bag ko at humarap sa salamin. "Leanne, ilang lakad lang nasa university ka na. Walang mang-aano sa'yo sa labas." Huminga ako nang malalim at lumabas ng silid.

Pagsarado ko ng pinto mula sa labas, nagulantang ako sa nakita ko. Anong meron at nandito 'tong lalaking 'to? Ang sama ng tingin sa akin at nakapamewang pa. "Aber, anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong kay Cloud na ang sama sama ng tingin sa akin at parang mangangain ng tao.

"I don't want to explain. Just read this." sabay kuha ng cellphone sa bulsa niya at pinabasa ang isang message sa akin. Mula kay Cheska. "Ano't? Hinabilin ako sa'yo ni Cheska?" nagtataka at gulat kong tanong sa kaniya.

"Nananahimik ako sa room, then she's giving me a responsibility?" sabi niya habang masama pa ring nakatingin sa akin at inirapan ako. "Kung makairap naman 'tong lalaking 'to, grabe. At grabe ka naman sa akin. 'Di mo na ako responsibilidad. Kahit iwanan mo ako, wala akong pakialam. I can handle my own self and I am an independent women." sabay hawi ng buhok ko.

"Then good." Muli niyang inilagay ang cellphone sa bulsa niya. "Kaya mo naman pala ang sarili mo. You can go to the university on your own naman so, have a great day, lady!" Nginitian niya ako sabay naglakad papalayo.

Habang naglalakad siya, hindi mawala sa kaniya ang tingin ko at 'di rin mawala ang inis ko sa lalaking yon. Sa kada nakikita ko siya, gosh! Wala pa siyang ginagawa, naiirita na ako. He was totally nakakairitate ng face.

Hindi muna ako naglakad para mas lumayo pa ang distansya namin. Panigurado, maghahagdan na naman yun kaya naglakad na ako ngunit mabagal para 'di kami magpangabot.

Pagdating ko sa ground floor, natanaw ko mula sa kalayuan na umuulan pala at sobrang lakas. Parang 'di pa umaga dahil ang dilim ng langit. May bagyo kaya? Low pressure area?

Siguro suspended ang klase ng elementary and high school students. Samantalang kaming mga college students, hindi. Tingin kasi sa amin ng local government, waterproof. Ang angas niyo naman.

Naglakad ako palabas ng dorm at 'di kalayuan, may natanaw akong lalaki na seryosong nakatingin sa labas. Parang pamilyar siya. Aba! Kapag sinuswerte ka nga naman, oh. Makikita mong minamalas yung kinaiinisan mo.

Unti-unti akong lumapit kay Cloud. "Ano kayang feeling ng 'di makaalis kasi walang payong?" Inilabas ko ang payong nakalagay sa bag ko. Binuksan ko iyon at iwinagwag. "Hays. Buti pa ako may payong. Pwede ako makaalis anytime 'coz I have an umbrella." nang-aasar kong sabi.

"Pasabay." mabilis niyang sabi. Tiningnan ko siya samantalang siya, hindi makatingin sa akin. "Anong sabi mo, 'pasabay?' Uhm... parang, ayoko." Kitang kita ko ang pagkainis sa mukha niya.

Ayaw niyang ipahalata na inis siya, pero 'di niya alam na halatang halata naman. Kasarap naman nitong pikunin. Ganito pala mapikon ang isang pipi. Speechless siya, oh.

"Humanap ka ng payong mo, tse!" Nag-umpisa konh lisanin ang dormitory at sinuong ang malakas na ulan. Habang naglalakad, may nahatak sa akin pabalik. Yung konsensya ko, teka!

Ang hirap naman maging mabait. Nakakainis! "Bakit ko naman siya papasukubin? Sino ba siya, eh siya lang naman yung kinaiinisan mo." sabi ng isang parte ng utak ko bago nagsalita yung nasa kabila.

"What if hindi tumila ang ulan na 'to? Edi hindi siya makakapasok. Eh wala naman siyang mahihiraman ng payong kasi nga dakilang introvert siya, 'di ba?" Ano ba naman yan, Leanne!

Dali dali akong bumalik at tumigil sa harapan niya. "You're here again para mang-inggit sa payong mo? Go ahead and I'll listen to you." saad niya habang masamang nakatingin sa akin.

"Sumukob ka na. Nakakaawa ka naman. Baka kasi magkasakit ka pa tapos ako pa sisihin mo tapos kulamin mo pa ako." sunod ko sa kaniya. "No need. Baka ako pa kulamin mo pagkatapos kong sumukob sa'yo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Susukob ka o hindi? Binibigyan na kita ng chance tapos sasayangin mo lang." Ay wow. Anong klaseng pangungusap yan, Leanne? "Sumukob ka na."

Lumapit ako sa kaniya nang makalapit siya sa akin at makasukob nang maayos. Nagumpisa kaming maglakad sa ulanan nang magkasukob sa iisang payong. Ang awkward!

Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now