Mabuti nalang at behave ang mga tao kanina na nakakita kay Fredrick. Hindi naman sa lingid ng kaniyang kaalaman pero alam niya na maraming nagkakagusto sa anak nila mayor. Siguro kaya behave sila ay alam din nila ang ibig sabihin ng privacy. 

Kahit nga sa mall kanina ay hanggang tingin nalang ang iba kay Fredrick kanina. Kailan kaya magpapakilala ang tatlo sa maraming tao? Mas lalo sigurong magkakagulo ang mga kababaihan kapag nagkataon. Tatlo pa naman na gwapo ang anak nila mayor at triplets pa pero mas gwapo pa rin si Fredrick para sa kaniya.

Si RJ mukhang hindi naman babae ang tipo nito. Kapag titigan mo talaga ito at hindi ka matatakot sa kaniyang tingin ay makikita mo talaga kung gaano kalambot ang kaniyang galawan. Kaya siguro tahimik lang ito para hindi makahalata ang ibang tao na nasa kaniyang paligid pero siya kahit ilang beses niya palang ito nakita ay alam na niya na may kakaiba sa kilos nito.

Iyong milktea ay wala na, tunaw na tunaw na. 

Inihatid na siya ni Fredrick sa kanilang bahay kasama pa nila si manang.

"Iyan po ang bahay namin manang," turo niya sa bahay na nasa harapan nila ngayon.

"Maganda naman hija tapos simple lang," tumango-tango siya sa sinabi ni manang.

Gusto sana niyang ipakilala si manang kila nanay pero pagod na kasi ito. May susunod pa naman kapag hindi na pagod si manang.

Nagpaalam na ang dalawa sa kaniya siya naman ay pumasok na sa loob ng kanilang bahay. Naabutan niya doon na nakalapag na ang mga pagkain sa lamesa.

"Wala pa ba sila Meredith nay?" tanong niya sa ina nito.

"Wala pa anak, maya-maya pa uuwi ang mga 'yon."

Wala na, ang pangit na mamaya ng lasa nitong milktea. Ibinigay nalang niya kila nanay ang kaniyang milk tea. Naghati na sila doon dahil hindi naman puwede sa kanila ang matamis masyado na pagkain.

"Kumusta naman ang lakad ninyo kasama ang yaya ni Fredrick anak?" tanong ng kaniyang nanay habang nakaupo sila sa sala. Hinihintay kasi nila ang dalawa niyang kapatid bago sila kumain tutal hindi pa naman sila nagugutom na tatlo.

"Ayos lang naman po nay, sa mall kami pumunta. Nanood lang po kami ng sine at naglibot-libot. Gusto nga rin ni Fredrick kanina na magshopping kami pero pinigilan namin ni manang."

"Grabe talaga si Fred. Manliligaw mo palang 'yan huh paano nalang kapag naging boyfriend mo na siya anak? Baka minu-minuto ay may ibibigay 'yon sa'yo." Namula naman siya sa sinabing 'yon ng kaniyang ina.

Oo nga 'no paano kaya kapag naging boyfriend na niya ito? Ano pa kaya ang kaya nitong gawin. Baka araw-araw siyang stress kakasita dito na itigil ang kaniyang ginagawa. Hindi naman pwede na palagi siya nitong gagastusan.

Kung sakali man na maging boyfriend na niya ito. Ang gusto niya lang ay maging loyal ito. Kahit wala na ang mga materyal na bagay, ang pagiging tapat lang nito ang kailangan niya.

Gusto niya na kapag may hindi sila pagkakaunawaan ay hindi ito maghahanap ng iba. Diba pwede naman na pag-usapan 'yon ng dalawang magkasintahan para ayusin ang problema hindi 'yong maghahanap ka ng iba para pakalmahin ka.

Kapag ginawa 'yon ni Fredrick ay hindi siya magdadalawang isip na hiwalayan ito. Oh diba advance na siya mag-isip.

"Hindi ka naman ba minamadali ng manliligaw mo anak?"  napatingin siya sa kaniyang tatay nang tanungin niya ito.

Ngumiti muna siya bago ito sinagot, "Huwag kayong mag-alala tay hindi ako minamadali ni Fredrick para sagutin siya."

Ang swerte nga niya e kasi gano'n na lalaki si Fredrick. Hindi ito kagaya ng iba na mamadaliin ka na sagutin at kapag hindi mo 'yon nagawa ay ano, maghahanap sila ng bago kumbaga iyong easy to get.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now