2jin - aswang

173 2 0
                                    

HEEJIN.

"tangina naman, gabing-gabi na tiyaka pa nila idadagdag yan?" hindi makapaniwalang reklamo ko sa workmate kong kabibigay lang sakin ng papel na kasing kapal ng muka ng boss namin na kailangan daw pirmahan.

"wag na magreklamo, heej. lahat naman tayo magpipirma eh, kung di lang bukas 'to kailangan edi nakauwi na tayo" pampalubag loob siguro ni vivi at tsaka umalis sa harapan ko para ibigay pa yung ibang papel sa mga impleyado.

bosit bosit.

nilapag ko yung mga papel sa table ko atsaka nag-unat muna bago umpisahan mag-pirma. inaantok na ako.

"beh" ayan na siya. bigla ako nagising.

"nuyon?"

"may chika ako sis" jusko. kailan ka ba nawalan ng chika yves? "kilala mo si ano diba? yung anak ni haseul? kilala mo yun kapitbahay niyo yon eh"

"luh tangina mo? ba't mas alam mo pa nangyayari sa buhay ng kapitbahay ko keysa saakin?" napatingin ako sakanya at medyo natawa.

anyways, patuloy pa rin kami sa pagpirma habang nagchichikahan.

"ano daw kasi beh, yung bata daw ano, nakakita daw ng aswang sa bintana nila. sabi daw niya kasi mahaba yung dila na  mapula yung mata. tapos itong si pareng jaden kinabukasam ay natagpuang walang lamang loob. ayon lang naman"

"aba saan mo naman nakuha yan? pero gago naman napaka walang hiya nung gumawa non sakanya" napatingin ako kay yves na halos mailuwa na yung mata. ang dugyot nung ginawa gago.

"nahagilap ko lang rin kay chuu, kwenento sakanya ni kimlip. eh diba magkaibigan sila ni haseul kaya ayon"

"gago ka naman, bakit ngayon mo pa yan ikwekwento kung kailan gabing gabi na"

"edi bili ka ng asin beh bago ka umuwi" natatawang sabi niya. palibhasa to kasama si chuu pag uuwi na eh. "hatid ka namin, you want?"

"ulol wag na" natawa nanaman ang gaga.

---
matapos kong pirmahan ang sandamakmak na papel ay sa wakas makakauwi na ako ponyeta. mag-aalas onse na.

bago ako umuwi pinag-ingat pa ako ni yves at chuu na parang tinatakot pa ako.  maniniwala lang ako sa aswang pag nakita ko na.

tas nakita ko talaga noh HAHAHAHA.

anyways ito na nga ako pababa na sa bus. wala na akong makitang tricycle kaya no choice beh lalakad tayo pauwi. bosit bosit. sinubukan kong kalimutan yung kwento ni yves pero bat parang mas naaalala ko pa siya ngayon. parang stranger things aswang version.

nag earphone ako habang naglalakad ng mag-isa sa kanto para mabawasan naman takot ko. hindi naman masyado madilim kaya keri lang. sarap sana mag-vibe kung hindi lang humangin ng malakas. ang sarap nung hangin sa balat pero kinilabutan naman ako.

multo lang pala, akala ko aswang na. anyways, naglalakad pa rin ako.

potangina talaga. kung hindi hangin balahibo naman. gago. gago.

na-estatuwa ako nang may balahibong humahaplos sa may paahan ko. ang lamig na nga mas nanlamig pa ako. hindi ako makagalaw, ni magawang tignan kung ano yung nasa paahan ko hindi ko din magawa.

sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko nawala sa tenga ko yung kanta na tumutugtug sa earphone ko. wala ako maramdaman.

tsaka lang ako bumalik sa katinuan nung may naramdaman akong may matulis na bagay na parang gumasgas sa paahan ko. doon na ako napatingin sa ibaba at nakalagaw.

sisipain ko na sana yung balahibo nang marealized kong pusa lang pala siya. isang itim na pusa.

anak ng pusa naman.

kinakalmot na pala ako ay jusko. buti hindi naman masakit. tinaboy ko yung pusa sa paahan ko atsaka na naglakad ulit, medyo mabilis na ngayon.

pero sinundan pa rin ako nung pusa. mas nauna pa nga sa harapan ko na parang alam na alam niya na kung saan daan ko pauwi. gago ba to?

"pssst" tawag ko don sa pusa. ang pusa naman ay tumingin at huminto. lumapit pa saakin at nag-meow.

luh?

umupo ako at tsaka naman siya hinawakan. gago lambing. she's so malambing baka pwede ko to ampunin?ito na nga oh buhat buhat ko na siya HAHAHAHA tangina.

"cute ka naman pala eh halos patayin mo pa ako kanina" natatawang sabi ko dito sa pusa na yakap yakap ko na. ang ganda ng mata neto, black na black rin.
tititigan ko pa sana ng mas matagal pero mas kailangan ko ng umuwi.

mas binilisan ko na maglakad at ayon, nakauwi na rin nga ako kaagad kasama 'tong pusang itim.

nilapag ko muna yung pusa sa sahig tsaka na inayos mga gamit ko and then nagbihis. umupo muna ako sa sofa para magpahinga bago matulog.

yung pusa naman lumapit saakin at umupo sa hita ko.

gago ang cute niya talaga.

kinuha ko selpon ko sa gilid tsaka siya pinicturan na naka-upo sa hita ko. ang ganda din niya. sa mga nagsasabing malas ang mga pusang itim mas malas kayo.

hinaplos haplos ko siya pero bigla ba naman sinakmal kamay ko pero hindi naman masakit. keri lang.

pinicture picture ko muna siya kasi ang ganda nga kaso nagtaka ako bakit biglang bumigat yung hita ko na parang may nakadagan saakin.

anak ng pusang itim.

lahat ng hangin ko sa katawan ay nahigop ata. hindi ako makahinga. pagkatingin ko ba naman ay isang magandang babaeng may matang kahalintulad ng sa pusa na ang bumulaga saakin.

nakaupo siya mismo sa hita ko at nakangisi pa saakin.

nang bumukas ang bibig niya ay mas nagulat ako potangina. ang nipis at haba ng dila niya. yung mata niyang itim ay nagkulay pula na rin.

bigla akong sinakal nitong hayop na to pero wala akong nagawa. hindi na ako makahinga at makagalaw pero dapat bang matuwa o matakot ako? sa titig ko sakanya at sa refleksiyon kong nakabaliktad sa mata niya, parang mas ikinatuwa ko pa atang inaaswang ako ngayon.

hindi ko na namalayan ang mga nangyayari pero sa mga sumunod na segundo ay dilim na lang ang nakita ko.
---



























buong akala ko hindi na ako magigising pero kinabukasan ay himalang buhay pa ako at ang unang naramdaman ko ay ang napaka sakit kong leeg. nang tignan ko naman sa salamin ay parang may kumagat saakin gamit ang dalawang matatalas na pangil.

bampira ba yon o aswang? gago.

nagugutom ako.

kape? tangina. bigla akong nagutom sa kung anong klaseng dugo. tinignan ko muna mata ko sa salamin kung nakabaliktad ba ako kasi tangina eh. salamat at maayos naman ang imahe ko.

sa sakit ng leeg ko ay napapikit ako ng mariin. pagbukas ko ng mata ay bumungad saakin ang mata kong mahahalintulad na sa mga pusa.

nakiliti rin ang loob ng bibig ko kaya sinubukan kong ngumanga pero mas nagulat ako nang ang nipis at haba na ng dila ko.

shet.

oneshotsWhere stories live. Discover now