CHAPTER 23

121 7 0
                                    

"Daddy ko!" Muli kong rinig na hagikhik ni Vly, kahit nasa kusina ay rinig na rinig ko ang masaya nitong boses.

Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos ngunit kahit ganoon ay tila nabuhay ang sistema ko ng marinig ang boses ni Viglianco. Naunang sumalubong sa kanya si Vly at kaagad itong binigyan ng mainit na yakap at halik sa mukha.

Tuwang tuwa ang anak ko ng malamang may mga pasalubong ang kanyang ama sa kotse nito at muntik na akong mapaatras ng sandamakmak na laruan ang dala niya, sa kamay naman nito ay isang kumpol ng bulaklak, pansin ko rin ang mga mata nitong panaka naka akong binabalingan.

Hinayaan ko siya at dumiretso sa kusina, kaya ito ako ngayon nagluluto, nagtataka lang ako at hindi man lang pumasok si manang Isay. Hindi naman tumawag o ano, nag-aalala tuloy ako.

Lumabas ako sa kusina at naabutan silang nagkakatuwaan, tinatalian niya si Vly at ang anak ko naman at nakasimangot kapag pangit ang gawa ng ama niya sa buhok na ikinaka halakhak ng isa.

Hindi ko maiwasang mapangiti, ngayong araw ko lang nakitang masaya ng ganito ang dalawa. Kaagad kong tinanggal ang ngiti sa labi ng mahanap ni Viglianco ang mata ko.

May ngiti pa rin siya labi ng tagpuin ang tingin ko a-at literal na nanlaki ang mata ko ng k-kindatan niya ako!

May balak ba siyang patayin ako sa gulat!

"Honestly baby, I know how to tie a hair but to your mommy only, I'm more than expert---

" Vly! " Hindi ko hinayaang matapos ni Viglianco ang sasabihin at agad tinawag ang anak ko na agad namang lumapit. Bago tumalikod ay tinapunan ko muna ng masamang tingin ang tatay niya na walang boses na tumatawa habang nakatingala animo'y may naalala.

" Mommy ko, your like apple, so red," bumaba ang tingin ko kay Vly na nagsalita kaya wala sa sarili kong nakapa ang mukha. Tumikhim ako at ipinaliwanag na lamang na dala iyon sa init.

Iniupo ko siya sa silyang katabi ko, at ibinilin na huwag malikot dahil pupunta ako sa sink. Habang naghuhugas ng kamay ay narinig ko ang panibagong taong pumasok sa kusina.

"Daddy ko, luto mommy ko very yummy!"

"I know baby, yummy very delicious," mariin akong napapikit sa lumalabas sa bibig ng tatay niya.

Napaigtad ako ng hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala siya, itinaas ko ang mata sa kanya at binigyan ng nagbabantang tingin, ang litse nagawa pang itaas baa ang kilay.

"Umayos ka kung ayaw mong sa labas kumain," banta ko na gagawin ko talaga kapag hindi siya umayos.

Tumikhim lamang siya at lumunok.
"Bago ng mommy na yan," bulong nito at ng mapansing rinig na rinig ko iyon ay nauna na siyang pumunta sa mesa.

Tahimik akong kumain habang pinagmamasdan silang nagtatawanan na naman, ikinandong kasi siya ng kanyang ama at sinabing siya ang magsusubo rito, hinayaan ko na dahil mukhang gusto rin naman ng anak ko.

Panay ang irap ko sa isipan sa paminsan minsang pagkindat sa akin ni Viglianco. Tapos 'to eh pagpinalabas ko.

Akmang susubuan niya si Vly ng. . .
"Outch! Why did you bite me baby?" Daing nito na sabay naming ikinatawa ni Vly.

"Pangit lasa hand mo daddy, asim."

"What?!"

Muli kaming humagalpak ng tawa ni Vly dahil sa reaksiyon ng tatay niya, hindi iyon peke dahil hindi talaga ito makapaniwala.

"This is the way she bite your dede when your breastfeeding her?" Inosente niyang tanong na ikinatango ko.

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita kalaunay malalim na bumuntong hininga.
"My poor babies. . ." Wala sa sarili niya pang tugon kaya nakatanggap ito ng sipa sa paa sa ilalim ng mesa,doon niya lang napansin ang sinabi at nakangiwing nag-iwas ng tingin.

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now