CHAPTER 3

107 9 0
                                    

" Hindi ako makapaniwala Paula, are you sure na pumunta talaga dito si Mr. Viglianco? I mean pihikan ang binatang iyon, pero sino ba naman kasi ang makakatanggi sa ganda mo," simula ng umupo kami sa hapag kainan, tanging ang pagkamangha lang ni tita sa pagpunta kuno ng Viglianco dito. Two days pass after Paula's birthday and that incident.

Napatingin ako kay dad dahil kanina pa ito nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga.
"Wala ka na bang ibang nagugustuhan Paula? I'm sure marami pang mas matino kasysa sa binatang iyon," tila problemadong pakikipagusap ng daddy kay Paula.

"What's wrong with the idea na posible natin siyang maging manugang honey, he's a wealthy man, tsaka matutulungan niyang mapalago ang business natin," kontra naman ni tita.

Naihilamos ni daddy ang palad sa mukha. "Maricel, you do know how dangerous Mr. Viglianco is. Marami siyang illegal business, pumapatay ang taong iyon. At ngayon nakatanggap ako ng tawag mula sa school ni Paula na isa rin pala ito sa share holders, may plano ang taong iyon na pwedeng ikasira ng paaralan. He's a ruthless businessman," ako naman ay napalunok dahil sa impormasyong sinabi ni daddy, sa aming apat mukhang ako lang ang walang alam sa taong iyon. Ni hindi man lang nagulat si tita at Paula.

Bigla akong pinagpawisan. Ano. . . pumapatay siya, pumapatay ang taong hinikaban ko lang nitong isang araw? Kinuha ko ang basong may lamang tubig at isang lagukan lang ito.

Hindi naman ata nito ipapabagsak ang negosyo ni dad, right? Tsaka masyado naman ata niyang dadamdamin kung bibilhin niya ng triple ang share namin ni dad sa school ni Paula diba? Hindi yan. Nahagip ng mata ko si Paula na mahinang tumatawa.

"Planning to apologize?" Nasa boses nito ang panunuya. Kita tuloy ang taka sa mukha ng mag-asawa, naglikot ang mata ko at hindi mapalagay.

"Is there a problem Claudia?" Nanigas ako sa kinauupuan dahil sa tanong ni dad.

" Isang bagsakan niya pong sinabihan si Vonze ng 'leave' without even blinking, sinagot sagot pa ng hihikab hikab. Worse binitin niya ang making out session ng lalaki."

" Wait ano? Binitin? Teka nga Paula, I thought you like that guy?" Hindi makapaniwalang kontra ko dito, siya ang iniisip ko ng gabing yun tapos sa kanya ay parang sanay siya sa ganoong ugali ng lalaking gusto niya.

Nakangiti itong tumango.
" Yes indeed but it's he's nature," napatanga ako sa sinagot nito. What a lame reason! Dahil sa nature lang ng lalaking iyon kaya niya hinahayaan. Eh ano pala ang aktong susugurin niya ng gabing iyon yung Apple. Acting? Aba, magaling.

Lumunok muna ako bago balingan si dad. Kahit kabado ay pinanatili kong kalmado ang sarili.
"Wala po akong ginawang mali, kung ang mahuli siyang gumagawa ng kalat sa rooftop ng school ay matatanggap ko pa pero ang mahuli siya ulit na ginagawa iyon sa bahay ko. Hindi iyon pwede sa akin. Respect mine and he'll get his." Seryoso kong paliwanag habang si daddy ay umawang lang ang labi. Kalaunay dismayadong umiling, teka dismayado na siya sa lagay na yan?

Iba kasi ang sinasabi ng umaangat niyang labi saka ang pagkuyumos niya ng mahigpit sa kamao.

Kapag ganyan siya ay tanda na gusto niyang matawa.

"May meeting mamaya at kailangan lahat ng share holders ay andun, I'm sure his there, apologies to him," sa halip ay tugon nito na ikinataas ng isang kilay ko. Lumalabas talaga ang pagiging masama ng ugali ko kapag mga ganitong scenario.

Ang pahingiin ako ng tawad sa hindi ko naman alam kong saan ang mali ko. And because it's my father order I'm in need to obey.

"I will be late, but I'm coming," tanging naisagot ko na lamang. Ang kaalamang hihingi ako mamaya ng tawad sa taong 'yon ay kusang binubuo ng aking isipan ang nakangisi nitong labi.

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now