CHAPTER 21

125 8 0
                                    

"Ma'am, si Vlymerie po umiiyak," agad humiwalay ang aking mata sa laptop at agad iyong tinalunton ang boses ni manang Isay. Nasa tabi niya ang two year old kong si Vlymerie.

Pigil ang ngiti at pinanatili ko ang seryosong mukha habang pinagmamasdan itong palubuhin ang pisngi at ang paglalaro sa sariling maliliit na daliri.

"Vlymerie," tawag ko rito na ikinanguso niya. "What did you do now?" Seryoso ngunit marahan kong tanong.

Tumikhim ako at pinanindigan ang aking pagiging seryoso ng magsimula itong maglakad papalapit sa akin at inilagay ang mga kamay sa likod niya.
Ang totoo ay gusto ko itong kurutin sa pisngi, ang cute cute ng anak ko.

Sabay kaming napangiti ni manang ng yakapin ako nito sa bewang at ibinaon ang mukha sa dibdib ko.

May pinagmanahan. Napangiwi ako sa naalala at sa ikatlong beses ay tumikhim.

Agad kumilos ang aking kamay ng umahon ang kanyang mukha at pinunasan ang luhang natuyo sa pisngi niya.

"Mommy ko. . ."

"Yes baby ko?" Malambing kong sagot at inilagay ang hibla ng kanyang buhok na nasa mukha na niya.

Pumikit ito bago nagsalita.
" Mommy ko, tiktik ko, she's sick mommy ko," nanatili itong nakapikit habang sinasabi iyon, nataranta ako ng magsimula itong umiyak.

"Shh. . . what happened baby?"

"Mommy ko, tiktik ko sick po, mommy ko," naiiyak niya paring sumbong sa akin at ibinaon muli ang mukha sa dibdib ko. Binuhat ko siya at kinandong.

Alam ko na ang gusto nito, dudo. Dududo siya. Inihiga ko siya sa aking braso at pinadede, tahimik pa rin itong umiiyak at hindi ko maiwasang mapangiwi dahil mukhang dede ko ang pinagdidiskitahan niya, nangangagat!

Sunod kong binalingan si manang.
"Ahh ma'am, yung sisiw niya po kasi mukhang nabasa tas ayon po, natatanggal na ang kulay, mukhang food color lang naman ang nilagay roon," imporma niya na ikinatango ko.

She name it tiktik, sisiw iyon na ibinigay ng asawa ni manang Isay, galing raw sa palengke, naisipan raw bilhan si Vlymerie dahil natutuwa raw ito sa kabibohan nito.

Bumababa ang aking tingin sa aking anak na nilubayan ang aking dede, siya pa mismo ang nagbalik noon sa loob saka ito umayos ng upo.

Every day I can't help but to mesmerized to my Vlymerie's beauty, sa natural nitong itim na itim nitong tuwid na buhok, makapal na kilay kahit bata pa at malantik na pilik mata, ang maliit ngunit matangos niyang ilong and her pouty lips makes her literally like an angel.

My beautiful angel.

Bumuntong hininga ako.
"Stop crying na, okay?"

"Mommy ko, tiktik is alone, she don't have dady and mommy, unlike me po, yes po I don't have daddy but I have mommy ko to care of me po," mahina niyang pakikipag-usap sa akin at iniyakap ang maliliit na braso sa aking leeg saka ibinaon roon ang kanyang mukha.

Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga at muling naalala ang nangyari two years ago. Nang panahong iyon nagising nalang ako isang araw nasa isla ako, isla kung saan naroon ang angkan ko.

Pagkagising ko ay mukha agad ni Kuya ang aking nabungaran, that time, my heart feel unfamiliar feeling, nangungulila na hindi ko matukoy.

At higit sa lahat, laking pasasalamat kong ligtas ang batang nasa sinapupunan ko. Isang buwan akong nasa kwarto at may mga aparatos na nakakabit, Kuya's personal doctor is the one who's visiting me to check me all the time.

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now