CHAPTER 4

125 10 0
                                    


It's a sunday morning at naatasan  kaming dumalo sa paunang mesa, limang hanay ng mahahabang upuan ang naukupahan namin, marami rami na ang tao sa loob siguro maya maya magsisimula na ang mesa.

Karamihan ng nasa loob ay magpapamilya, magkasintahan, meron din namang mga bata. May nakita pa ako kanina pagpasok namin, dalawang teenager couple, the little boy is patiently waiting for his little princess, napangiti ako ng kuminang ang mata nito pagkakita sa hinihintay. Mukhang church date nila.

  "Sister can I sit here?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. The fine lady is wearing a dress that  suits with her sweet smile. I smiled at her and nod.

"Of course." Umupo ito sa tabi ko pagkatapos ay kinuha ang cell phone saka ni-off, sandaling umawang ang labi ko dahil hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang wall paper niya.

A guy who's wearing  eye glasses at seryosong nakatingin sa mga papeles, mukhang stallen iyon. And it's him. The Viglianco.

Na naman. Bakit palaging ang lalaking iyon nalang?

Sandali kong tinitigan ang babae, she's like so fragile, had an angelic face and I know she's kind. Bumuntong hininga ako, kung sakaling kasinthan niya ang taong iyon, iniisip ko pa lang napapailing na ako. I wonder kung ilang girlfriends meron ang taong iyon sa isang araw.

 

Umayos ako ng tayo ng marinig na ang paunang tugtug. Nasa harap na pala si Pader Shin. Ewan kung tama itong naririnig rinig ko pero may iba daw na inaabangan ang mesa ni Pader ng mga kadalagahan.

Pader Shin holds good looks after all, no doubt. I give him that. May mga secret admirer din ito, kapag nakakatanggap ng regalo galing sa kanila ay iling lang ang nagagawa nito habang nakangiti. 

Marami pang dumaan na kanta hanggang sa umabot na sa pangangaral ni Pader. Tungkol iyon sa pagaasawa. Pagsisimula ng relasyon.

Aniya karaniwan sa magkarelasyon ang dumaan sa kilig, hiyaan hanggang sa walang hiyaang pati pagtae ay iuupdate na ikinatawa ng tagapakinig. Lahat raw ay hindi perpekto at kasama ang love doon.

Hindi sa lahat ng oras daraan ang isang relasyon na palaging makararamdam ang puso ng tuwa, hindi na common ang makaharap ng isang pagsubok na magsusukat sa katatagan ng isang relasyon.

Ang hindi common ay ang mga nakatatagal at patuloy na binubuo ng katatagan sa kabila ng pagsubok.

Kaya marapat lang na ang nag-iisa nating puso ay mailaan sa taong karapat-dapat rin sa pagmamahal na iyong ipagkakaloob.  

Naalala ko tuloy ang librong nabasa ko noon it's entitled 'Kiss Dating Good Bye' saktong sakto para dito.  

Pasado alas otso natapos ang mesa, kami muna ang naunang lumabas habang nakasunod kay Pader Shin. Humiwalay muna ako saka pinuntahan ang batang babaeng nasa eight years old, nagbebenta ito ng sampaguita habang karga karga ang kapatid.   

"Ciang. . ." Tawag ko dito, yes I know her palagi siya dito, sa murang edad ay pasan pasan na niya ang responsibilidad sa tatlong taon niyang kapatid.

Nanlalaki ang mata nitong sinalubong ako, hirap na hirap sa sampaguitang dala at karga kargang bata.

" Sister!" Lumapit ako saka inayos ang buhok nitong sabog na. Ganun rin sa maliit nitong kapatid, he even muttered sistew. Cute.

"Kumain na kayo?"

"Opo! Medyo marami po akong naibenta kahapon kaya naibili ko ng tig sampung gatas itong si utoy at naglugaw nalang po ako para dalawa kaming makakain," maliit akong ngumiti, buti naman. Kahit papano ay nasisidlan ang sikmura nila. 

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now