CHAPTER 5

96 12 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dito, lakad rito lakad roon na ang nagawa ko. Panay ang tingin ko sa cell phone, nagbabakasakaling tumawag ulit si daddy.

One week pass simula ng mangyari ang nakakakilabot na gabing iyon, isang linggo na rin akong walang maayos na tulog, ang totoo ay aaminin ko natatakot pa rin ako ngunit lahat iyon natatakpan simula ng tumawag si manang sa akin sa sumunod na araw.

Nag-aaway raw kasi si dad at tita. Tatanungin ko sana ito kung tungkol saan ngunit naunahan na iyon ng malakas na sigaw ni dad sa kabilang linya. Third party.

Nag-aalala na ako, simula ng araw na iyon ay tinatangka kong tawagan si dad subalit walang sumasagot, pati sa opisina. Kay tita o kay Paula, kahapon sinagot naman ni Paula ang tawag ko pero kaagad ring pinatay.

Mariin akong napapikit at humarap sa cross na nasa kwarto. Nagtungo ako sa tapat ng altar saka lumuhod.

'Ama, ikaw na po ang bahala sa pamilya ko.'

Hindi makakabuti sa kalusugan ni daddy ang masyadon mastress, yun ang pinaka iniwasiwasan ko, may sakit ito sa puso at kapag nagkataong umatake iyon ng wala ako sa tabi niya. Hindi ko kakayanin. Siya nalang ang meron ako.

Tumayo ako ng makarinig ng katok mula sa labas. Hinayaan ko itong bumukas dahil hindi naman naka lock. Doon iniluwa si sister Jane.
"Sister Claudia, hinahanap ka na ng mga bata," imporma nito, tumango ako saka binigyan siya ng maliit na ngiti.

Napuno ng pagtataka ang aking mukha dahil para itong may sasabihin dahil sa likot ng mata at mga paa niya.

"Go ahead sister Jane."

Pumasok ito sa loob saka hinawakan ako sa magkabilang braso. Okay?
"Sister, diba napag-usapan namin noong nakaraan si Mr. Viglianco?" Tumango ako kahit naguguluhan na rin, anong kinalaman dito ng taong iyon?

Suminghap muna ito tila kinukulang sa hangin. " Nagdonate siya ng malaking pera dito, hindi iyon kayang tanggapin ng simbahan dahil diba alam mo na kung anong klaseng tao siya. Ngunit wala silang nagawa kundi ang pumayag nalang."

"Bakit sila pumayag?" Tanong ko ngunit yumuko lang siya. Ako naman ngayon ang hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Sister Jane, bakit sila pumayag?" Mariin na ang aking pagkakabigkas lalo na't ng mag-angat ito ng tingin ay may luhang kumawala sa mga mata niya.

"P-pa.... patayin niya tayo," wala sa sariling nabitawan ko siya. Nakaawang ang labi at sandali akong natulala.

Anong? Pinagbabantaan niya ba kami? No hindi. Ako, ako ang pinupuntirya niya.

Napalunok ako. Gumaganti ba siya?! Balak niyang dungisan ang simbahan gamit ang pera niyang galing sa illegal! Hindi pwede. Hindi ako papayag.

Pinauna ko na si sister dahil may tumatawag sa akin. Kaagad ko itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag. Finally, it's dad.

"Dad? Hello are you okay? Please don't stress yourself that much dad, nag-aalala ako. Umiinom kaba sa tamang oras? Hello dad? Please take care of yourself, wala ako sa tabi mo...."

" Then why don't you come here, marami ang problema sa kompanya. Hindi ko na kinakaya, kung andito lang sana ang mommy mo. Kung hindi ka sana pumasok sa letcheng pagmamadreng iyan! Matutulungan mo ako! " Dad. . . nagsimula ng tumulo ang luha ko. This is the first time na sinigawan ako ni daddy. Out of burst he even call letche, letche ang pagmamadre ko and it hurt so much.

" D-dad. . . anong nangyari sa inyo ng tita? " Napaigtad ako ng makarinig ng tila nabasag.

"Anong nangyayari sa amin? Nagkakalabuan na kami Claudia! Aren't you happy? Diba ang totoo ay ayaw mo naman sa kanya!" Tuluyan na akong napahagulhol, ramdam ko ang galit niya at kung nagkataong magkaharap kami baka masaktan niya pa ako.

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now