CHAPTER 19

106 7 1
                                    

"Gising!" Kaagad nabuhay lahat ng natutulog kong ulirat dahil sa matinis na boses at ang pagbuhos sa akin ng napaka bahong tubig.

Malansa na kulay itim. Hindi ko kinaya kaya halos matanggal ang sikmura ko sa kakasuka. Ang sakit pa rin pala ng ulo ko.

At nanginginig, hindi ko alam kung dahil sa malamig na tubig o ang takot na ngayon ay nararamdaman ko. Halo halo.

Nang ipalibot ko ang tingin ay limang pares ng mata ang naabutan ko, sila parin, nangingibabaw nga lang tingin ni Viglianco na mukhang ano mang oras ay kikitilan ako ng buhay.

Nangangatal ang labing mas lalo akong nagsumiksik sa gilid ng makitang kumuha ng latigo si Anastasia. Malakas itong tumawa dahil sa naging reaksiyon ko.

M-mga demonyo!

Malakas akong napaigik ng hatakin niya ang aking buhok at pilit pinatayo.

"Did you know that guy?"

I didn't flench, instead I remain silent.

"Did you know him?!"

"Ahh!" Kasabay ng tanong niya ay ang pagbigay niya sa akin ng isang malakas na hampas gamit ang hawak niyang latigo.

Diyos ko, ang anak ko!

Mabuti nalang at nakatalikod ako at hindi napunterya ang aking tiyan!

Ramdam ko ang hapdi sa aking likuran dahil sa lakas nun ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang pati ang nakakunot noo na ngayong tingin ni Jane sa akin pababa sa braso kong halatang hatalang pinoprotektahan ang aking sikmura.

Nakita ko ang pagsingkap nito at pag-awang ng labi. Akma akong aatakihin ulit ni Anastasia ng magsalita siya.

"Tama na 'yan, tingin mo ba may lakas pa yang lumaban?" Pigil niya sa pormal na boses, walang kahit anong simpatyang maririnig. Kaswal ang kanyang pagkakasabi animo'y may sinisigurado pa sa kanyang isipan.

Mariin akong napapikit at lihim na nagpasalamat. Kapit lang, kapit lang anak, lalaban ang mommy, tatakas tayo.

"No let her, not until she spell, " ani ng isang walang kabuhay buhay at hindi makataong si Viglianco na ikinatigil ng mundo ko.

A-are you kidding me? Gusto kong magalit, gusto kong manakit!

How dare him! Pwedeng mamatay ang anak mo demonyo ka!

" Parang a-awa niyo na, huwag niyo akong sasaktan. Paalisin niyo na ako dito, w-wala kayong mahihita sa akin," wala akong pakialam kong nakakarindi na ang aking boses ngunit buhay ang nakataya dito.

Buhay ng anak ko.

Walang nagsalita hanggang sa maagaw ng malakas na tikhim ni Jane.

" Think of it, this bitch knows how to fight, why don't you make her legs sore Anastasia? Or even make her crippled nalang?" Gustuhin mang seryosuhin ni Jane ang boses ay nabakasan ko rin ang kanyang pagngiwi.

Hinarap siya Anastasia.
"Kanina ka pa ah? Don't tell me your pitying her now? Do you love her?

" Tanga mo," napasinghap ako dahil sa pag sagot sagot ni Jane, ang layo niya sa Jane na kilala ko. Nagagawa niya pang irapan ang babae.

Who really is she? Hindi ba siya natatakot na maaari siyang itabi ni Viglianco sa akin at sabay kaming parusahan?

Muling bumalik ang takot sa aking puso ng humarap sa akin si Anastasia at walang pasabing pinunterya nga ang binti ko. Kasabay noon ay ang pag-alingangaw ng hapyaw ko.

Kuyom ang kamao at tila walang katapusang pagragasa ng luha ang bumalot sa akin. Pulos galit, puot, pagkamuhi habang nakatingin kay Viglianco na walang kahit ano mang mababasang emosyon sa mukha.

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now