CHAPTER 15

103 5 0
                                    

Hikab hikab akong naglakad papuntang kunsina, inaantok pa ako, at ang sakit ng kaliwa kong braso. Pagkagising ko kanina ay nasa kama na ako, mukhang siya ang naglipat sa akin. Wala na rin ito pagmulat ko ng mata.

Ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay hindi para sa akin ang araw na ito, I felt like I want to sleep all day.

Pagdating sa kusina ay namataan ko si Jane, may dala itong tray na puno ng pagkain at gamot?

"Ayos lang po ba kayo, young lady?" Kahit mababakas ang pagmamadali nito ay nagawa niya pa akong pagtuunan. Tamad akong tumango, nasa tray pa rin ang tingin.

"Para kanino yan?" Hindi ko na napigilang magtanong, ngumiwi ito at tiningnan ako ng 'sigarado ka po' look, tumango ulit ako.

Sasagot na sana ito ng parehas kaming mapatingin sa parehong direksyon kung saan may dalawang boses na nag-uusap.

Sa hagdan ay pababa si Dwayne at ang doktor na tumingin sakin noong nakaraan, kapwa seryoso ang pinag-uusapan. Piniling ko ang ulo tila sinisigurado kung tama ba ang nilabasan nilang kwarto--sa kwarto ni Viglianco.

Lutang kong pinabalik balik ang tingin sa tray na hawak ni Jane na may lamang pagkain at gamot papunta sa lalaking doktor.

If I'm not mistaken, si Viglianco ang may sakit? Napangiwi ako, nagkakasakit yun?

Nang makalapit ang dalawa sa pwesto namin ay nagpatuloy na ako sa loob mismo ng kusina, baka may pag-uusapan silang tatlo. Tinapik ko lang ang braso ni Jane upang magpaalam, tumango lang ito.

Pansin ko lahat sila problemado. Lalo na si Dwayne.

Binuksan ko ang fridge at kumuha ng malamig na tubig. Nilagyan ko ang malaking baso bago lagyan pagkatapos ay inisang lagukan ko ito. Hah! Sarap!

"He wouldn't eat that, magmamatigas lang 'yon, " rinig kong asik ni Dwayne. Nakahawak pa ito sa bridge ng ilong, si Jane naman ay nakayuko lang ang lalaking doktor naman ay nagpakawala lang ng malalim na buntong hinga, animo' y sang-ayon.  

"Ayos lang sana kung nagpapahinga siya ang kaso ang hay*p nagawa pang matrabaho!" Problemado pa niyang dugtong bago lisanin ang kusina, sumunod naman sa kanya ang isang lalaki.

Si Jane naman ay bumalik sa kusina, nasa kabilang side lang ito kaya kitang kita ko ang busangot na mukha.

Tumikhim ako.

" Ano bang problema Jane?" Curious ako sa totoo lang, eh ano naman kung may sakit iyon?

Kagaya ng doktor ay nagbuntong hininga rin ito. "Ayaw po kasing kumain at uminom ng gamot ni boss, sobrang taas po ng lagnat niya embis na magpahinga, nakatutok lang po ito sa laptop, nagtratrabaho. Galit na galit po ito dahil kapag napabayaan niya ang ginagawa maaaring may bumagsak na naman sa isa sa mga negosyo niya. Kung andito lang sana si Ms. Anastasia, sumunod na iyon. "

" Sino siya?" Sa lahat ng sinabi niya ay yun lang ang nakaagaw ng aking pandinig. Mukhang nagulat ito sa naging tanong ko kaya pinanatili kong kalmado ang mukha. Matagal niya akong tinitigan bago magsalita.

" Kababata po ni boss, kapag may sakit po iyon si Ms. Anastasia lang ang nakakapagpilit na uminom ito ng gamot, nasanay na kasi si boss na idadaan nalang sa tulog. Pero hindi iyon pwede kay Ms. Anastasia kaya walang nagagawa si boss kundi sumunod dahil kinukulit siya nito. "

" Edi inisin mo rin, inisin mo hanggang sa pati plato lunukin niya, " mabilis kong sagot. Biglang kumulo ang dugo ko, iwan ko ba, nakapa childish, nag-iinarte lang pala, kailangan may taga pilit.

Siguro yung Anastasia na sinasabi niya ay yung babaeng nakita ko sa frame na kasama niya, kababata niya pala iyon, pero isa ang sigurado, mayroon isa sa kanila ang nadedevelop.

HIS CAPTIVE Where stories live. Discover now