Alam kong pwede akong magkaanak sa iba na di nalalaman ni Diana. Pero hindi ko gagawin ang mga bagay na'yon. Ayaw kong dagdagan ang kasalanang nagawa ko sa kanya.

DIANA'S POV

Kinakabahan ako tuwing napag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Wala paring alam si Noah kung anong dahilan ng pagkamatay ng aming anak. At ang dahilan ng hindi natutuloy ang pagbubuntis ko. Ayaw kong malaman n'ya ang tungkol sa sakit ng aming pamilya. Baka kamuhian n'ya ako. Kung sakali mang maisipan ni Noah na magkaroon kami ng anak; sa pamagitan ng IVF..hindi ko alam kung anong gagawin ko..magkakaroon ng pagsusuri sa aming mga dugo..malalantad ang katotohanan. Dapat kong itago ang sektreto ng aming pamilya.

Isang araw, dumating ang mga magulang ni Noah sa kanilang pamamahay. Pinaghandaan ni Diana ng masarap ng hapunan ang kanyang mga byenan.


"Noah, napakatahimik parin ng bahay na ito. Anak, hindi ba kayo nalulungkot na wala man lang kayong naririnig na mga tawanan ng mga bata? Naaalala ko tuloy si Justin." Ang sabi ni Carlos.


Napayuko ang mag-asawa.



"Wala ba kayong balak na magkaanak muli?" Tanong ni Evon.


"Ahmmm..meron naman po." Sagot ni Noah.


"Do you know about IVF?" Tanong ni Evon.


"Yeah." Muling sagot ni Noah.


"Bakit hindi ninyo subukan? Walang masama." Mungkahi ni Carlos.


"Noah, hindi na kayo bata..tumatanda rin kayo tulad namin. Habang maaga pa kumilos kayo. May sapat naman kayong pera at kaya ninyong magbayad sa magdadala ng inyong anak. Ano man problema sabihin ninyo sa amin. This is very important to our family." Paliwanag ng ama ni Noah.


"Meron akong kakilalang fertility doctor." Sabi ni Evon.


"Ahmmm..okay, susubukan naming pumunta sa Fertility Doctor. You're right. We need to have kids. Are you ready to try again, Dee?"

Napatingin si Diana sa asawa. Nakatingin sa kanya ang kanyang mga byenan. Wala s'yang magagawa kundi ang sabihing..


"Oo."


"Well, that's good. But I suggest, ako ang maghahanap ng SURROGATE MOTHER. Importanteng makilala natin ang surrogate mother, hindi porke't babayaran natin s'ya ng pera..pero malaki ang parte n'ya sa buhay ng magiging anak n'yo."


"Okay, Ma. Kung meron kanang mahanap, sabihin n'yo agad sa amin."


--------------------------


Sumunod na araw pumunta ang mag-asawa sa kilalang Fertility Doctor ni Evon. Nakipag-usap sila at nagtala ng schedule para sa Sperm test at Egg Cell Collection.

Pikit mata at lakas loob na nagpasuri si Diana.

"Kailangan kong gawin ito. Malaman man ng Doctor na may genetic problem ang dugo ko..pipilitin ko paring ipagpatuloy ang pagbuo ng embryo. Kailangan dugo ko parin ang mananalaytay sa magiging anak namin. Kahit na alam kong dadalhin n'ya ang sakit ng pamilya."

Nang dumating ang araw na lumabas ang resulta; inunahan ni Diana si Noah na pumunta ng hospital.

"Mrs. Aviente, we found something wrong with your blood test."


"I know. Kahit hindi mo na ipaliwanag sa akin..alam ko kung ano 'yon."


"Mrs. Aviente, anong gusto n'yong mangyari? Dapat malaman din ng asawa n'yo ang totoo. We cannot proceed to the next procedure; kung isa sa inyo ang may problema."


The BearerWhere stories live. Discover now