Chapter 1: Ketchup at ice cream

Start from the beginning
                                    

"Sorry, Ella. Nang dahil sakin naghiwalay kayo." bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa braso nang taong yumayakap sa akin. Iba ang boses ng taong nasa likod ko. Akala ko si Ken na, pero hindi pala... It was Jay, my boyfriend's best friend. Oh I forgot, I should say, ex-boyfriend's best friend. Ang sakit pa rin isipin at hindi pa rin ako makapaniwala na ex-boyfriend ko na si Ken.

"Nakakainis ka! Nang dahil sa 'yo nakipag-break sa 'kin ang hunghang mong best friend! At nang dahil 'yun sa walang hiyang ketchup ng burger na binili mo!" Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko na napigilan pa at napaiyak nanaman ako dahil sa isiping nakipaghiwalay siya sa 'kin nang dahil lang sa isang pagkakamali na pinaniwalaan niya na wala namang katotohanan.

"Wala kang kasalan Jay. Wala tayong ginawang masama. Naghanap lang siguro siya nang dahilan para makipaghiwalay sa 'kin. Hindi na niya kasi ako mahal. Parang napakadali para sa kanya na bitawan na lang ang lahat-lahat."

"Sorry, Ella. Nandito naman ako. Ako, hinding-hindi kita iiwan. Pangako," sabi niya at kinulong ako mula sa mga bisig niya. Hinalikan pa niya ang tuktok ng ulo ko para patunayan niyang totoo ang mga salitang binitawan niya, at sa sinabi niyang iyon, hindi ko na napigilan ang humagulgol muli. Wala na akong pakialam kung tumulo man ang sipon at uhog ko sa damit niya.

Hindi kumalas si Jay sa pagkakayakap sa akin hangga't hindi ako tumitigil sa pag-iyak. Naramdaman ko ang pagdamay niya sa nararamdaman ko ngayon. Nang maramdaman niyang kumakalma na ako, bigla na siyang nagsalita.

"Okay ka na ba? Hayaan mo, sasapakin ko si Ken para sa 'yo. Nagseselos lang 'yon. Hayaan mo bukas okay na ulit kayo," sabi niya at ngumiti sa 'kin para siguro pagaanin ang pakiramdam ko.

Sana nga Jay. Sana maging okay na kami ulit. Pero mukhang malabong mangyari iyon dahil nakita ko mismo sa mga mata niya kung gaano niya kagusto na makipaghiwalay sa 'kin.

"Tara! kain tayo ng ice cream," paganyaya niya sa 'kin. Tumayo siya at tumakbo sa naglalako ng dirty ice cream. Bumalik siya nang may mumunting mga ngiti sa kanyang mga labi.

"Here, ube flavored ice cream for my best friend's ex-girlfriend," sabi niya habang inaabot sa akin ang ice cream at tinanggap ko naman iyon.

"Thanks, Jay. Kailangan talagang banggitin na ex-girlfriend? Huwag mo namang ipamukha sa 'kin. Fresh pa, e," sabi ko sa kanya nang nakasimangot.

"Bakit hindi pa ba? Sa 'yo na mismo nanggaling na wala na kayo hindi ba? Huwag mo nang isipin ang taong iyon, ikain mo na lang 'yang sakit na nararamdaman mo. Dalian mo kasi natutunaw na 'yung ice cream mo," sabi niya sa 'kin at nginitian niya akong muli.

"Siguro nga katulad ng ice cream na ito ang pagmamahal sa 'kin ni Ken. Mabilis matunaw ang ice cream. Eat it while it's there. Kasi kapag nalusaw na ito, kailangan mo pang ilagay ito sa loob ng freezer para tumigas itong muli bago mo ito makain ulit. Ang panget naman kung kakainin mo itong tunaw, 'di ba?" sabi ko habang nakatitig sa ice cream kong unti-unti nang natutunaw.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita habang hindi nililisan ang tingin sa aking ice cream dahil habang nakatitig ako rito, bigla akong may napagtantong muli. "Parang sa love namin ni Ken. Kailangan itong ilagay sa freezer para mabuo ulit. Kung ikukumpara kami kung sino ang ice cream at freezer? Ako 'yung ice cream at siya naman 'yung freezer. Siya 'yung hahanap-hanapin ko sa huli para lang mabuo ako ulit. Pero iba na ngayon Jay, kasi 'yung ice cream, kahit anong pilit mong ilagay sa freezer, hindi na ulit ito mabubuo pang muli. Kaya itatapon na lang ito. Kaya itinapon na 'ko ni Ken. At kasing lamig ng freezer na ang pakikitungo niya sa 'kin. Ang pagmamahal niya sa 'kin, kasing lamig na ito ng ice cream pero lusaw na kaya hindi na rin ito maisasalba pa."

Hinihintay kong tumulo ang luha ko pero wala. Walang tumulo kahit isang patak. Dahil siguro ito sa pagkain ng ice cream pati ang mga mata ko naging manhid na dahil sa lamig nito. Kaya kung ako sa 'yo ikakain ko na lang ng ice cream ang lahat nang sakit na mararamdaman mo.

I heard Jay cough and it caught my attention.

"What?" I asked him. He knelt down in front of me. Looking straight into my eyes and said...

"Ella Lhaine Guevarra. I, Jay Willford, kneeling down in front of you asking: "Can you start over again with me?" P'wede akong maging rebound mo. Hanggang sa maramdaman mong mahal mo na rin ako." My eyes got wide open in shock.

"J-Jay? A-ano bang sinasabi mo? Ken, is your best friend. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi magandang tingnan kung may mamamagitan sa 'tin," sabi ko nang natataranta dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya sa kanyang mga sinasabi o baka ginagawa niya lang ito para tulungan ako.

"Yes, I'm his best friend. But now, I'm his mortal enemy. He did hurt you. He missed his chance having you. Then, it's my turn now. Nagparaya ako para sa kanya noon. Pinigilan ko naman na mahalin ka, e. Pero patuloy pa rin ako sa pagmamahal sa 'yo. Ken, was my best friend. Alam niyang may gusto ako sa 'yo pero hinayaan ko siya na makuha ka dahil alam kong siya ang mahal mo. Pero ngayong wala na kayo? Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito na pinakawalan niya, at alam niyang gagawin ko 'to balang araw na maghiwalay kayo, at ito na ang araw na iyon. Kaya just please, Ella... please let me help you make him regret everything. He had his chance, now I'll have mine. So please, Ella..."

I was shocked and speechless on his statement or should I say sudden confession? Isn't it amazing? How I felt a roller coaster ride in my chest in just one day? My heart got ripped into pieces because of Ken. And then, his best friend confess his feelings for me. How bad it could be? Nakakaloka! Mag-best friend nga sila! Mukhang gugulo ang buhay ko sa dalawang ito.

****

End of Chapter 1

Ate mayAng :)

~edited~

Starting over again [Under Major Editting]Where stories live. Discover now