CHAPTER 7

4 4 0
                                    

     "GOOD MORNING!" bati ni Heaven sa mga kasamahan nang makarating siya sa nurse station kinaumagahan.
Gumanti ng bati ang mga ito sa kaniya.
     "Beh, pinapatawag ka ni Dr. Ignacio sa room niya. May sasabihin daw sa 'yong importante."
     "Okay. Thanks."
     Matapos ayusin ang mga gamit ay nagtungo na siya sa silid ni Dr. Ignacio.
     Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang pinto. "Good
morning, doc. Pinapatawag n'yo raw po ako?"
     "Come in, Miss Alvarez. May sasabihin ako sa 'yong importante."
     Naglakad siya palapit dito at tumayo sa tapat ng lamesa nito.
     "Do you still remember my cousin Trevor?"
     Tumango-tango siya. "Iyong pinsan n'yo po na ginamot natin kahapon?"
     "Yes, siya nga. Wala kasing magbabantay sa kaniya habang nandito siya sa hospital. P'wede bang ikaw muna ang maging private nurse niya?"
     Kumunot ang noo niya. Akala niya ay nagbibiro lang kahapon si Trevor nang sabihin nitong kailangan nito ng private nurse. "Bakit, doc? May nangyari po bang masama sa kaniya? Bakit kailangan pa ng private nurse?"
     "Lagi raw kasing sumasakit ang ulo niya at lagi siyang nahihilo. Mukhang malala ang tama niya sa ulo." nag-aalalang wika  nito.
     Tulad niya ay nakaramdam din siya ng pag-aalala kay Trevor. Kahit basagulero ito ay naawa pa rin siya sa kalagayan nito.
     "Na-CT scan na po ba ang ulo n'ya, doc?"
     "Mamayang 1:00 PM pa ang schedule ng CT scan niya. So, Miss Alvarez, okay lang ba na ikaw ang maging private nurse ng pinsan ko? 2-3 days lang naman habang hinihintay ang result ng CT scan niya. Don't worry. Triple ng sahod mo ang ibabayad niya sa 'yo. Pagtiyagaan mo nga lang ang ugali ni Trevor. Medyo maloko at barumbado kasi 'yon."
     Nagliwanag ang mukha ni Heaven nang mabanggit nito na triple ang sasahurin niya. Kailangang-kailangan niya kasi ng pera ngayon dahil sa nalalapit niyang kasal. Ayaw niya naman na ang fiancè niya lang ang gagastos sa kasal nila. Willing siyang pagtiyagaan kahit gaano pa kasama ang ugali ni Trevor basta malaki ang ibabayad nito sa kaniya.
     "Okay po, doc. Wala pong problema," nakangiti niyang tugon.
     "Good! P'wede ka nang mag-start ngayon din mismo." Inabot sa kaniya nito ang medical records ni Trevor. "Alam mo na naman ang room niya, 'di ba?"
     "Yes po." Binasa niya muna ang medical records sa harap ni Dr. Ignacio. Wala naman siyang iba pang tanong tungkol sa kalagayan ng pasyente kaya naman nagpaalam na siya at lumabas na ng silid nito.

     "GOOD morning, nurse!" nakangiting bati ni Trevor nang makapasok si Heaven sa silid nito. Naka-upo ang binata sa kama at nakasandal ang likuran nito sa headboard.
     "Good morning, Mr. Ignacio." Napilitan siyang ngumiti at bumati sa pasyente. Masusi niya itong pinagmamasdan habang naglalakad palapit dito. Mukhang hindi naman kasi malala ang sugat nito kahapon kaya bakit nagpa-confine pa ito. Kumunot din ang noo niya nang mapansing nakabenda ang dalawang kamay nito. Wala naman ang mga iyon kahapon.
     "Anong nangyari sa kamay mo?"
     "Sobrang sakit kasi. Saka biglang namaga kaya pinalagyan ko ng benda."
     Muli niyang binasa ang medical records ni Trevor. Kumunot ang noo niya dahil wala namang nakalagay doon na may diperensya ang mga kamay nito.
     "Pina-xray mo na ba ang kamay mo?"
     "Hindi pa. Mamaya na lang pagdating ni Terrence."
     Nakumbinsi naman siya sa sagot nito. "Okay."
     "Check ko lang ang vital stats mo." Pinatong niya ang dalang bag sa side table. Una niyang nilabas ang thermometer para ma-check ang temperature ni Trevor. Inangat niya ang manggas ng suot nitong hospital gown. Bumungad sa kaniyang paningin ang malaki nitong muscles. Inipit na niya ang thermometer sa kili-kili nito. Nilagyan niya rin ng oxymeter ang isang daliri nito.
     "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo."
     "Okay naman ako. Medyo masakit lang ang ulo ko."
     "Mamayang 1:00 P.M. ang schedule ng CT scan mo. Sana negative ang result."
     "Sana nga."
     Tinanggal na niya ang thermometer sa kili-kili ni Trevor. Normal naman ang temparature nito. Pati ang oxygen level nito ay okay din.
     "Iche-check ko lang ang BP mo." Naupo siya sa gilid ng kama. Ilang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa kaya naman naaasiwa siya nang husto, lalo na sa tuwing mahuhuli niya ang binata na masusing nakatingin sa kaniya at tila pinagmamasdan ang bawat kilos niya.
     Saka lang siya nakahinga nang maluwag matapos ma-check ang BP ni Trevor. Tumayo na siya at niligpit ang mga gamit.
     "Normal naman vital stats mo, Mr. Ignacio."
     "Trevor. Just call me Trevor."
     "Okay." Tumango-tango siya.
     Ito ang first time na nag-private nurse si Heaven kaya medyo naaasiwa siya at nangangapa sa mga kailangan niyang gawin.
     "Trevor, gusto mo bang magpa-araw sa labas?" aya niya sa binata mayamaya.
     "Ayoko. Dito na lang ako."
     "Bakit naman? Giginhawa ang pakiramdam mo sa sikat ng araw."
     "Ayokong makita ako ng mga tao sa ganitong kalagayan. I look so helpless."
     "Hindi ka naman mukhang helpless. Ang cute mo nga, eh. Mukha kang mummy. Ang dami mong benda sa katawan." natatawang biro.
     Natawa rin ito ngunit agad ding sumeryoso ang mukha. "Lalo ka palang gumaganda kapag tumatawa ka."
     Natigilan siya sa papuring iyon ng binata. Unti-unting naglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi. Bakit ba masyadong matamis ang dila ng lalaking ito?
     "Heaven, p'wede mo ba akong samahang mag-CR? Ihing-ihi na kasi ako."
     "Sure." Muli siyang lumapit sa kinahihigaan nito. Inalalayan niya itong tumayo at maglakad papuntang C.R.
     Huminto sila sa tapat ng toilet bowl. "Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka nang umuhi."
     Tatalikod na sana siya subalit pinigilan siya ni Trevor.
     "Teka. Dito ka lang."
     Napatingin siya rito.
     "Ilabas mo na."
     Natigilan siya sa sinabi nito.
     "Ang alin?" paniniguro niyang tanong. Sana lang ay hindi tama ang naiisip niya ng mga sandaling iyon.
     "Iyong ano ko."
     Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Bakit ako?"
     "Ikaw ang private nurse ko, 'di ba?" pilyong tanong nito sabay silay ng nakakalokong ngiti sa mga labi. Tinaas pa nito ang dalawang kamay na nakabenda sa harapan niya.
     Napalunok siya. Isang taon na siyang nagtratrabaho bilang nurse at hindi na bago sa kaniya ang ganitong eksena, subalit iba ang dating sa kaniya ng sitwasyon nila ni Trevor.
     "Bakit parang bigla kang namutla? Ngayon mo lang ba 'to gagawin?"
     "H-hindi."
     "Bilis na. Naiihi na ako."
     Sandali siyang natigilan. Pilit niyang siniksik sa isipan na parte ito ng trabaho niya bilang private nurse ni Trevor. Dapat ay magpaka-profesional siya at gawin ang nararapat gawin.
     Inangat na niya ang hospital gown na suot ni Trevor. Napalunok siya nang makita ang brief nito at ang malaking naka-umbok doon.
     Naaasiwa man ay ibinaba niya ang brief ng binata. Agad na kumawala ang malaki at mataba nitong pagkalalaki. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi na unti-unting gumapang sa buo niyang katawan.
     Habang umiihi si Trevor ay hawak niya ang pagkalalaki nito. Hindi na bago sa trabaho niya ang makakita ng private parts ng mga pasyente. Subalit iba ang dating sa kaniya ng pagkalalaki ni Trevor. Ito na siguro ang pinakamalaking ari ng lalaki na nakita niya. Maging ang pagkalalaki ng boyfriend niya ay walang binatbat sa laki ng alaga nito. Sa tantiya niya ay nasa walo o siyam na pulgada iyon. Ngayon ay alam na niya kung bakit ito hinahabol ng mga babae.
     Isang sigh of relief ang kusang kumawala sa bibig ni Heaven nang sa wakas ay matapos itong umihi. Inayos na niya ang brief nito at ibinaba ang hospital gown na suot.
     "Success! Thanks, nurse!" masayang wika ni Trevor.
     Inirapan niya ang binata nang makita ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi.
     "Mag-catheter ka na lang kaya para hindi ka mahihirapan kapag iihi ka."
     "Huwag! Masakit iyon." agad nitong tutol. "Samahan mo na lang ako para mas kompartable."
     Napa-iling na lamang siya. Inalalayan na niya itong lumabas ng banyo hanggang muli itong makahiga sa kama.
     "Thanks, nurse. Mamaya ulit."
     Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Mukhang hindi pa ito ang huling pagkakataon na makikita niya ang pagkalalaki ni Trevor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEAVENLY DESIREWhere stories live. Discover now