CHAPTER 5

11 5 1
                                    


     HABANG nagda-drive si Trevor pauwi sa bahay ay biglang may nag-over take na kotse at hinarangan ang daraanan niya. Mabuti na lang at agad siyang nakapagpreno kaya hindi nabangga ang sinasakyan niya.
     Bumukas ang pinto sa gawi ng driver seat. Agad niyang binaba niya ang bintana at pinagmumura ito.
     "Gago ka! Hindi ka ba marunong mag-drive?"
     Bumaba ang lalaki. Napa-iling siya nang makilala kung sino ito, si Tommy, ang boyfriend ni Scarlett. Lumabas na rin siya ng sasakyan. Ngayon ay hindi na siya magdadalawang isip na harapin ito dahil wala na sila sa loob ng coffee shop niya.
     "Ano na namang problema mo?"
     "Ikaw ang problema ko! Iniwan ako ni Scarlett nang dahil sa 'yo!" gigil nitong wika.
     Nang makalapit si Tommy ay agad itong nagpakawala ng isang suntok. Mabilis na naka-iwas si Trevor. Gumanti siya at malakas na sinuntok ito sa mukha. Bumagsak ito sa kalsada. Sinamantala niya iyon at pinagsisipa ito sa hita, tiyan at dibdib.
     Sa sobrang abala sa pananakit kay Tommy ay hindi niya namalayan na muling bumukas ang pinto ng kotseng sinasakyan nito kanina at bumaba mula roon ang isang lalaki na may hawak na kahoy.
     Saka lang natigil sa pagsipa si Trevor nang paluin siya sa likuran ng lalaki. Sa lakas ng palo nito at nabali ang kahoy. Namilipit siya sa sakit at siya naman ngayon ang tumumba sa kalsada.
     Bumangon si Tommy at nagtulong ang magkaibigan sa pambubugbog sa kaniya. Pinagsusuntok siya sa mukha ni Tommy habang ang kasama naman nito ay sinisipa siya.
     Hindi magawang makatayo ni Trevor dahil sunod-sunod na suntok at sipa ang inabot niya.
     Natigil lang ang dalawa sa ginagawa nang may bumusina nang paulit-ulit sa bandang likuran at tinutok ang headlight    sa direksyon nila.
     "Sibat na tayo, pare!"
     Napamura si Tommy. Halatang gusto pa nitong saktan si Trevor. "Hindi pa tayo tapos. Babalikan pa kitang hayop ka!"
     Tumakbo na ang dalawa pabalik sa sasakyan at agad na pinaharurot iyon palayo.
     Masakit man ang buong katawan ay pinilit makabangon ni Trevor. Hindi niya magawang makatayo kaya naupo na lamang siya at sinandal ang likuran sa kotse niya. Napatingin siya sa pinagmumulan ng liwanag. Mula iyon sa isang scooter na minamaneho ng isang babae. Base sa suot nitong uniform ay isa itong nurse.
     Pinarada ng babae ang motor sa likod ng kotse niya.  Tinanggal nito ang helmet. Patakbo itong lumapit sa kaniya at lumuhod sa tapat niya.
     Napa-awang ang mga labi ni Trevor nang makita ang hitsura ng babae nang malapitan.
     "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito habang nakatingin sa mukha niya.
     Naamoy niya ang mabangong hininga nito nang magsalita.
      Napalunok si Trevor. Hindi agad siya  nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa mukha ng magandang babae at tila nahipnotismo sa ganda nito.
     "Okay ka lang ba?"
     "Yeah. Okay lang ako."
     "Grabe ang mga sugat mo. Sino ba ang nambugbog sa 'yo?" Kinuha nito ang backpack na nakasukbit sa likuran nito at nilabas ang isang medicine kit.
     "Ewan ko."
     "Bibigyan muna kita ng first aid. Pumunta ka na lang sa hospital mamaya para ma-check ka ng mga doctor."
     "Okay."
     Sinimulan na ng babae na gamutin ang mga sugat niya sa mukha. Habang abala ito sa panggagamot ay abala rin siya sa pagtitig sa mukha nito. Alon-alon ang mahaba nitong buhok. Sobrang kinis at napaka-amo ng oval shaped nitong mukha.  Matangos ang ilong nito, namumula ang makipot nitong mga labi, almond shaped ang brown nitong mga mata at ang tambok ng mga cheekbone nito, na lalong nagpa-cute dito.
     Tila labis na nanghinayang si Trevor nang matapos gamutin ng nurse ang mga sugat niya.
     Niligpit na nito ang mga gamit tapos ay inabutan siya ng ilang pirasong gamot.
     "Inumin mo 'to kapag kumirot ang mga sugat mo."
     Tumayo na ito at muling sinukbit ang backpack sa likuran. Maglalakad na sana ito papalayo subalit pinigilan niya ang isa nitong kamay.
     "Thank you, miss."
     Isang matamis na ngiti ang sinukli nito sa kaniya. "Don't mention it. I'm just doing my job."
      Napa-awang ang mga labi niya. Lalo kasi itong gumanda nang ngumiti ito.
     "P'wede ko bang malaman ang pangalan  mo?"
     Hindi nito sinagot ang tanong niya. Pinilit nitong bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak niya.
     Napansin ni Trevor ang badge na nakadikit sa suot nitong uniform. Pasimple niyang binasa ang nakalagay doon, Alvarez, H. Nakalagay din doon ang pangalan ng hospital na pinagtratrabahuhan nito.
     "I'll go ahead. Mag-ingat ka pauwi."
     Nang mabitawan niya ang kamay ng babae ay agad itong tumalikod at naglakad na pabalik sa motor nito. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at pinaharurot na iyon palayo.
     Napangiti si Trevor. Hindi niya man nakuha ang pangalan ng babaeng nagligtas sa kaniya ay alam niya naman kung saan ito matatagpuan. Pinsan ng daddy niya ang nagmamay-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan nito. Kung gugustuhin niyang makita ulit ang magandang nurse ay madali na para sa kaniya.
     "Alvarez, H. Malalaman ko rin kung anong pangalan mo."

     MATAPOS ayusin ni Trevor ang payroll ng mga tauhan niya ay kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Tinawagan niya ang Tito Arthur niya, ito ang nagmamay-ari ng hospital kung saan nagtratrabaho ang babaeng nagligtas sa kaniya kagabi.
     "O, Trevor, napatawag ka."
     "May itatanong lang po sana ako, tito. May hinahanap kasi akong nurse na nagwo-work sa hospital n'yo."
     "Bakit? May problema ka ba sa isa sa mga nurse ko?"
     "Wala naman po. Actually, thankful nga po ako sa nurse na 'yon. Napa-trouble kasi ako kagabi at niligtas niya ang buhay ko."
     Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng tiyuhin mula sa kabilang linya.     "Hanggang ngayon ba naman napapa-trouble ka pa rin?"
     "What can I do? Trouble mismo ang lumalapit sa akin." natatawang wika niya. "Anyway, kilala mo ba iyong nurse na
Alvarez ang last name?"
     Muling natawa ang tiyuhin niya. "Sabi ko na nga ba babae na naman ang sadya mo."
     May mga naka-fling kasi si Trevor noon na ilang nurse sa hospital kaya alam ni Arthur kung gaano siya katinik sa mga babae.
     "Paano mong nalaman na babae ang sadya ko?"
     "Isa lang naman kasi ang nurse namin dito na may last name na Alvarez."
     Nagliwanag ang mukha niya. "P'wede ko bang malaman ang first name niya?"
     "Heaven, that's her first name."
     Napangiti siya. Sa wakas ay nalaman niya rin ang pangalan ng babae. Heaven. Napakagandang pangalan.
     "Anong gusto mong lunch, tito? Sabihin mo lang dadalhin ko riyan."
     "Don't bother, Trevor. Mukhang wala rin namang mangyayari kahit magkita pa kayo ulit ni Heaven. Engaged na siya. Malapit na siyang ikasal. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng paglalaruan mo sa kama."
     Tila may kumurot sa puso niya dahil sa sinabi nito. Minsan na nga lang siya nagka-interest sa isang babae tapos ay engaged na pala.
     "I'll go ahead, Trevor. Marami kaming pasyente ngayon. Please stay away from trouble. And stay away from Heaven. Napakabait ng bata na 'yon. Hindi ako papayag na paglaruan mo lamang siya."
     Bago pa muling makapagsalita si Trevor ay tinapos na ng tiyuhin niya ang tawag.
     Nilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at sumandal sa backrest ng swivel chair na kinauupuan. Pinikit niya ang mga mata para sandaling makapagpahinga. Subalit nag-flash sa utak ang napakagandang mukha ni Heaven.
     Sa totoo lang ay hindi na maintindihan ni Trevor ang sarili. Ngayon lang siya na-attract ng husto sa isang babae. Hindi niya naman kasi masisisi ang sarili dahil napakaganda naman kasi talaga ni Heaven.
     Gusto niyang makita ulit ang dalaga. Wala siyang pakialam kahit engaged na ito. Hindi pa naman nakakasal si Heaven kaya may pag-asa pa siyang maagaw ito sa kung sino mang mapapangasawa nito.

HEAVENLY DESIREWhere stories live. Discover now