CHAPTER 6

7 4 2
                                    

     MATAPOS makipag-usap sa tiyuhin ay lumabas si Trevor sa maliit niyang opisina para kumain ng tanghalian. Nagtungo siya sa kitchen para kumuha ng pagkain at iced coffee.
     Inokupa ni Trevor ang isang bakanteng lamesa. Namataan niya si Scarlett na mag-isang naka-pwesto sa counter. Naka-lunch break ang cashier nila ng gano'ng oras kaya ang dalaga muna ang pumalit sa pwesto nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya at naupo sa bakanteng silya sa tapat niya.
     "Kumusta ka na, Trevor?"
     Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain.
     "Sorry nga pala sa nangyari. Nang dahil sa akin sinaktan ka ni Tommy at ng kaibigan niya. Kung gusto mo ipa-blotter natin siya."
     Umiling-iling siya. "Ayoko na ng gulo, Scarlett. Inayos ko na ang transfer papers mo. Starting next week, sa Makati branch ka na maa-assign."
     Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. "Pero, Trevor, ayokong malipat sa ibang branch. Please dito na lang ako," mangiyak-ngiyak na pakiusap nito.
     "Mamili ka, ililipat kita sa ibang branch o tatanggalin kita sa work."
     Buong pagsusumamo itong tumingin sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa lamesa na may hawak na kutsara. "Trevor, please don't this to me. Ayokong mapalayo sa 'yo."
     "Scarlett!" sigaw ng boses lalaki mula sa kanilang likuran.
     Agad na binitawan ni Scarlett ang kaniyang kamay at bumaling ito sa ex boyfriend. Napa-iling na lamang si Trevor at muling pinagpatuloy ang pagkain.
     "Napakalandi mo talagang babae ka!" gigil na wika ni Tommy habang naglalakad palapit sa gawi ng dalawa. Dinampot nito ang babasaging pitsel sa isang lamesa at hinampas iyon sa ulo ni Trevor.
     Napapikit nang mariin si Trevor dala ng matinding kirot ng ulo. Bigla rin siyang nahilo kaya hindi niya magawang gantihan si Tommy.
     Napatili si Scarlett. Sandali namang natigilan si Tommy nang makitang umaagos ang dugo sa ulo ni Trevor. Agad itong tumakbo palabas ng coffe shop at walang nagawa ang security guard para harangin at pigilan ito.
     Agad na naglapitan ang mga staff ni Trevor, pati na rin si Scarlett. Kinuha nito ang panyo sa bulsa ng pantalon nito at pinunasan ang dumudugong ulo ng amo.
     "Ang mabuti pa dadalhin na kita sa hospital."
     "Huwag na. Okay lang ako."
     "Pero, Trevor, ang laki ng sugat mo." Tinawag nito ang isang lalaking waiter. May driver's license kasi ito at marunong mag-drive ng kotse.
     "Dalhin natin si sir sa hospital." Bumaling si Scarlett kay Trevor. "Nasaan ang susi ng kotse mo?"
     Ayaw pa sana niyang magpadala sa hospital subalit tumindi ang pagkahilo niya. Ramdam niya rin ang walang tigil na pagtulo ng dugo sa sugat niya sa ulo. At isa pa, bigla niyang naisip si Heaven. Gagamitin niya ang pagkakataong ito para muli silang magkitang dalawa.
     Inalalayan siya ni Scarlett na maglakad palabas ng coffee shop. Tinulungan din siya nitong makasakay sa backseat ng sasakyan.
     "Maiwan ka na rito, Scarlett. Kulang tayo sa tao." pasimple niyang taboy sa dalaga. Ayaw niyang isama ito sa hospital dahil alam niya kung gaano ito ka-clingy sa kaniya. Ayaw niyang makita sila ni Heaven nang magkasama dahil baka isipin nito na may relasyon silang dalawa.
      Walang nagawa si Scarlett kundi ang bumaba ng sasakyan.
      Ini-start na ng waiter ang makina ng sasakyan at pinaharurot na iyon.
     "Dalhin mo ako sa Ignacio Memorial Hospital."
     "Pero, sir, malayo po rito ang hospital na 'yon. Doon na lang po tayo sa mas malapit."
     "Huwag ka ngang makialam. Basta dalhin mo ako sa hospital na 'yon."
     "Yes, sir!" wala na itong magawa pa kundi ang sumunod na lamang sa amo.
     Napa-iling na lamang si Trevor habang sapo ng table napkin ang dumudugong ulo. Nasa peligro na nga ang buhay niya pero si Heaven pa rin ang nasa isip niya. At parang nae-excite pa siya sa muli nilang pagkikita.

     HABANG kumakain ng lunch sa pantry  ay masayang nakikipagkwentuhan si Heaven sa mga kaibigan niyang nurse.
     "Kumusta naman ang feeling ng malapit nang ikasal?" tanong sa kaniya ni Daniela. Isa ito sa pinakamatalik niyang kaibigan sa hospital.
     "Excited na medyo kinakabahan.  Actually, feeling ko hindi pa talaga ako handang mag-asawa kasi ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko."
     "Bakit ka pumayag magpakasal hindi ka pa naman pala ready?"
     "Eh, mahal na mahal ko kasi si Kobe. Parang hindi ko siya kayang tanggihan."
      Natigil lang sila sa pakikipagkwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Heaven. Agad niyang sinagot iyon nang makita kung sino ang tumatawag, si Dr. Terrence Ignacio, ang anak ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan niya.
     "Good afternoon, doc."
     "Miss Alvarez, are you done with your lunch?" tanong nito mula sa kabilang linya.
     "I still have 15 minutes left. Pero tapos na po akong kumain."
     "Great! I badly need your help here in the emergency room. Okay lang ba kung pumunta ka muna rito? Mag-break ka na lang ulit mamaya after nating gamutin ang pasyente na 'to."
     "No problem, doc. Papunta na po ako riyan."
     "Thanks, Miss Alvarez."
     Nagpaalam na si Heaven sa mga kasamahan. Niligpit na niya ang mga pinagkainan at tinapon iyon sa basurahan tapos ay nagmamadaling nagtungo sa emergency room.
     "Heaven, hinihintay ka na ni Dr. Ignacio." wika ng isang nurse nang makita siya. Tinuro nito ang direksyon na kinaroroonan ng doctor. Agad siyang lumapit doon.
     "Doc, nandito na po ako."
     Binuksan niya ang nakatabing na kurtina at pumasok na sa loob. Gano'n na lang ang pagkagulat niya nang makita kung sino ang pasyente. Ito iyong lalaki na tinulungan niya kagabi.
     Awtomatikong tumaas ang kilay niya. Kagabi lang ay grabe na ang bugbog na inabot nito tapos ngayon ay heto na naman ulit ang lalaki at may malaking sugat sa ulo.
     "Ikaw na naman?" Hindi niya napigilang tanong. Lumapit na siya rito at sinimulang ihanda ang mga kakailanganin para malapatan ito ng first aid.
     "Magkakilala kayo?"
     "Yes, doc. Nakita ko po siya kagabi na binubugbog sa kalsada. Tinulungan ko po siya at ginamot ang mga sugat niya."
      Marahas na napabuntong hininga si Dr. Ignacio. "Napakabasagulero mo talaga, Trevor. Siguradong sesermunan ka na naman ni daddy kapag nalaman niya ang nangyari sa 'yo."
     Kumunot ang noo niya sa sinabi ng doctor. "Magkakilala rin po kayo, doc?"
     "Yeah. He's my cousin, Trevor Ignacio. Miss Alvarez, pakilagyan mo muna siya ng first aid. Kukunin ko lang mga gamit na pangtahi sa matigas na ulo ng mokong na 'yan."
     "Yes, doc."
     Lumabas na ito. Si Heaven naman ay sinumulan nang lapatan ng paunang lunas ang sugat ng pasyente.
     "Wala ka bang ibang alam na gawin kundi ang makipgbasag ulo? Araw-araw na lang yata nakikipag-away ka."
     "Wala naman akong ginagawang masama. Sila ang nang-aaway sa akin. Kahapon biglang may nag-over take sa kotse ko at binugbog ako. Tapos kanina bigla na lang hinampas ng bote iyong ulo ko noong nasa coffee shop ako." katwiran ng binata habang nakatingala at nakatitig sa kay Heaven.
     "Malaki siguro ang atraso mo sa mga 'yon."
     "Wala. Napag-tripan lang siguro ako."
     Naaasiwa si Heaven habang ginagamot ang ulo ng lalaki. Tulad kagabi ay titig na titig na naman ito sa kaniyang mukha.
     Ilang sandali pa ay bumalik na si Dr. Ignacio at sinimulan na nitong tahiin ang sugat sa ulo ni Trevor.
     "Trevor, stop staring at Heaven. Sinabi nang yumuko ka. Kanina pa ako nahihirapan sa 'yo." naiinis na reklamo ng doktor. Ilang beses na kasi nitong sinabihan ang pinsan na yumuko pero lagi itong tumitingala para masulyapan ang magandang dalaga.
     "Sorry."
     Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa inaasal ng lalaki.
     "Hayan. Tapos na. P'wede ka na ulit makipag-away."
     Pasimple siyang natawa. Natutuwa siya sa kulitan ng magpinsan.
     "I'll go ahead. May pupuntahan pa akong pasyente. Miss Alvarez, pakiligpit na lang ang mga gamit. Then, samahan mo si Trevor sa room 501. I-confine muna natin siya rito ng 1-2 days. Baka mabugbog na naman 'yan kapag pinalabas natin agad." biro ni Dr. Ignacio.
     Natawa siya sa sinabi nito. Si Trevor naman ay pinamulahan ng mukha. Tila napahiya sa sinabi ng pinsan.
     "Grabe ka naman sa akin." kanda-haba ang ngusong wika ng binata.
     "Just kidding! But seriously, kailangan mong ma-CT scan to check kung may namuong dugo sa ulo mo. Pinatawagan ko na si Tito Christian para may magbantay sa 'yo habang nandito ka sa hospital."
     "Wala siya ngayon. Nasa bakasyon."
     "Magpabantay ka na lang sa girlfriend mo. Marami ka namang babae, 'di ba?"
     "Wala akong girlfriend. Kukuha na lang ako ng private nurse para may magbantay sa akin." wika nito sabay tingin kay Heaven.
     "Bahala ka."
     Umalis na si Dr. Ignacio. Nagsimula nang ligpitin ni Heaven ang mga ginamit ng doktor.
     Mayamaya ay tumikhim si Trevor.
     "Ang ganda pala ng pangalan mo, Heaven. Bagay na bagay sa 'yo. Sa totoo lang para akong nasa langit kapag nakikita kita." papuri ni Trevor habang walang tigil sa pagtingin kay Heaven. "
     Isang mapang-uyam na ngiti ang pinakawalan ng dalaga. Bumaling siya kay Trevor at tinaasan ito ng kilay. "Puro sugat ka na nga sa mukha at ulo mo pero nakukuha mo pa talagang mambola. Kaya ka nabubugbog, puro ka kalokohan."
     "Totoo ang sinasabi ko. Maganda ka talaga, Heaven. Napakaganda."
     "Diyan ka na nga. Kukuha lang ako ng wheel chair para maka-akyat ka na at makapagpahinga sa room mo."
     Pasimpleng napangiti si Heaven nang makatalikod kay Trevor. Sanay siyang nakakarinig ng mga papuri sa pisikal niyang anyo pero parang iba ang dating ng mga papuri ni Trevor. Ang bawat salitang binitawan nito ay napakasarap sa pandinig at tila humahaplos sa puso niya.
     Napakagwapo naman kasi ni Trevor. Moreno, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay, pangahan ang mukha at kulay brown nitong mga mata malalim kung tumingin at tila punong-puno ng misteryo. Matangkad din ito at malaki ang pangangatawan. Lalaking-lalaki ang dating. Kahit sino sigurong babae ay maa-attract kapag nakita ito.
     Ano ba 'yang iniisip mo, Heaven? Malapit ka nang ikasal, remember? Si Kobe lang dapat ang lalaking iniisip mo. naiinis na sita niya sa sarili.

HEAVENLY DESIREWhere stories live. Discover now