"I made it clear na girlfriend na kita at boyfriend mo na ako!" giit ni Reon.

"That doesnt change the fact na itinuring mo ako na parang basura noon!"

"Damn!" pagmumura ni Reon. "Will you please just shut your mouth?"

Nagulat si Zia at napailing. "Girlfriend mo na ako sabi mo pero kung makapagsalita ka, parang ikaw lang ang masusunod?"

"Fuck, Zia! Ano ba ang gusto mo? Hindi ba pwedeng magsimula na tayo? Tapos na iyon! We can never change the past! Eh ganoon tayo nagsimula eh. Hindi naman lahat ng relasyon nagsimula sa ligawan o gusto agad ang isa't isa! You always have a choice, Zia! You had!" gigil na gigil na sabi niya.

"Do I have?" malungkot na balik-tanong ng dalaga. "Palagi mo akong tinatakot sa pagiging working-student ko. Mahalaga sa akin ang pag-aaral ko kaya hindi ko pwedeng itigil dahil pangarap kong magkaroon ng diploma!"

"You can say no!" ani Reon. "Do you think ganoon kababa ang mga professor ng Westbridge para ibagsak ka dahil lang sa sinabi ko? They're not there para magpa-under sa kung sinong parents o makapangyarihang tao!"

"Magagawa mo iyon dahil isa kang Villafuerte!"

"We're not doing it sa pansarili lang!" sabi ni Reon. "You always have a choice, Zia! I always give you a chance to escape! Dahil hindi ako buong Bautista! Hindi ko magagawa iyon sa 'yo!"

"Hindi ko ramdam iyon dahil palagi mong ipinaparamdam na boss kita! Na isa lamang akong hamak na katulong na hindi mabubuhay kapag wala ka!"

"Eh di sorry!" umuusok ang ilong na sabi ni Reon. " . . . to made you feel that way!"

"Ayaw ko nang makipagtalo pa," pagsuko ni Zia.

"Good!"

"Sana naman itigil na natin 'to," hiling niya kaya napatingin si Reon sa kanya.

"What do you mean na itigil na?"

"Y—Yung ganitong set-up. Ayaw ko na. Kung talagang tayo nga ngayon o may relasyon man tayo, tama na. Pagod na ako. Hindi ko kayang harapin ang mga taong nasa paligid natin. Gusto ko ng simple at tahimik na buhay, hindi ako sanay sa pamumuhay mo."

"Are you breaking up with me?" seryosong tanong ni Reon na naikuyom ang kamao.

Napapikit si Zia. Break up? Ni hindi nga niya naramdaman na naging sila tapos magbi-break sila? Parang gusto niyang matawa. Is this for real?

"Answer me, Zia!"

Napamulat ang dalaga at seryosong sinalubong ang mga mata ni Reon.

"If that's what you call it, yes! I am breaking up with you!" saad niya.

"Great!" ani Reon at sinipa ang center table na nasa harapan kaya tumilapon at nabasag ang mga figurin na naka-display sa ibabaw. "Fine!"

"A—Aalis ako rito."

"Bahay mo 'to. Nakapangalan ito sa 'yo kaya dito ka pa rin, Zia. Don't worry, hindi na kita iistorbohin," wika ni Reon at tumango na naintindihan ang gustong mangyari ng kausap. Gusto man niyang ipakitang mahina siya pero hindi pwede. May pinagdadaanan si Zia at hindi rin nito ang alam ang naging buhay niya. Kani-kanya naman sila ng past kung bakit sila nagkaganito at alam niyang naging hard siya kay Zia o sa kahit sinong babae na naikama niya. He knows he deserves this. Ang hirap kasi hindi rin niya alam kung paano magtiwala o paano i-please ang isang babae to make her stay sa buhay niya. He did everything pero sadyang natinag lang ni Zia ang iniharang niya. Sana nag-fix na lang siya doon sa binabayaran niya ang mga babae. Sana hindi na siya lumagpas pa roon dahil siya lang din naman ang masasaktan at sa bandang huli ay iiwan. "Susunduin at ihahatid ka pa rin ni Marvin hanggang sa makatapos ka sa pag-aaral," dagdag niya saka ngumiti para ipakita sa babaeng okay lang ang lahat, tanggap niya na sa ganito sila maghihiwalay. For the second time, tumalikod si Reon sa babae. Tumalikod dahil kagaya ng nauna, inayawan na naman siya. Akala niya okay na ang lahat. Akala niya kapag maibigay na niya ang gusto nito, hindi na siya iiwan. Saan ba siya nagkulang?

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now