Chapter 16 - The Confussion Phase.

Start from the beginning
                                    

"Ano ba Nicholas? Go away!" Sabi nya na naka talikod at patuloy pa rin sa paglalakad.

Binilisan nya na ang lakad dahil malapit na rin naman sya. Pakiramdam nya ay hindi naman na nakasunod ang lalaki. Nakakainis. Ano ba? Kung kailan umiiwas sya, parang lalao'ng gusto mang inis ng lalaki.

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkita sila ulit ni Miguel, sa ganung sitwasyon pa! Nalaman nya pa na pinsan ito ng Lyndsay na iyon. What a bitch.

Nang matanaw nya na ang cubicle nya ay lalo sya'ng nagmadali sa paglalakad. Nagulat sya ng makita'ng tila naghihintay sa tabi noon ang boss nya. Patay na.

"Saan ka nanggaling? I have been calling you at walang sumasagot! I had to check on you but hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka." Hindi naman ito galit pero halatang disappointed.

"I'm sorry ma'am." Hindi na sya magpapaliwanag. Ano sasabihin nya, na hinila sya ni Nikko at nag arguemento sila?

"Don't scold her. It's my fault, I asked her to come down to talk to me." Mula sa likod nya ay may malamig na boses na nagsalita.

"S-sir Nikko." Tila nagulat at nautal ang boss nya.

Mariin sya'ng napapikit at dahan dahan na liningon ang pinanggalingan ng boses.

"Thanks for the time. I have to go." Sabi nito at umalis na. Seryoso at walang emosyon ang mukha nito.

Naglakad ito sa hall. "What are you looking at? Get back to work!" Sigaw nito sa iba habang naglalakad palabas. Halatang mainit ang ulo.

Nagkandarapa na bumalik sa kanya kanyang ginagawa ang mga ito habang tinatanaw palabas ng opisina nila ang lalaki.

Matapos mangsabon ng mga empleyado sa Logarte ay dumiretso sa gym si Nikko. He's been in a bad bad mood at that time. His supposed to be secret visit in DSWD became a public announcement! And then Roxanne. Naiinis sya rito. Kakausapin nya lang naman ito, ang dami pa nito'ng sinasabi at excuses.

Wala naman syang alam na nagawa nya rito. Kahit nga sobrang nainis ito nung hinalikan nya ito, nawala rin naman yun. Sinamahan pa sya nito na magdala kay Raven sa DSWD at pinuntahan pa sya nito nung tinawagan nya ang babae dahil may sakit sya.

Teka, galit ba ito dahil kay Rufus? O baka naman umiiwas na ito ngayon kasi nakita o narealize na nito ang differences nila? Nag simula lang naman ito nung nalaman nya na sya ang anak ng may ari ng Logarte. After that, hindi na ito nagtext o tumawag.

Girls tend to feel like that, he knows. Or even men.

Hindi nya na dapat ito susundan hanggang sa opisina ng mga ito ngunit naisip nya na baka nga pagalitan ito. Mahigit bente minutes rin ito'ng nawala sa cubicle nito kaya kahit naiinis na ito at inis na rin sya ay sumunod pa rin sya.

Wala na syang pakealam kung makita man sya ng ibang empleyado roon. Tutal naman, nakita na sya ng mga ito na hinila palabas si Roxanne before that. Bahala na ang babae kung ano ang idadahilan nito.

Tama ang hinala nya. Muntik na nga ito'ng masabon ng amo nito. At para mailabas lahat ng inis nya ay pumunta sya sa gym. Almost two weeks na rin sya'ng walang work out.

Agad sya'ng sinalubong ng personal trainer nya ng makita sya nito'ng papasok na ng gym. Nagpalit na sya into exercising attire at iniwan nya na ang lahat ng gamit nya sa locker.

Hindi nya na namalayan kung gaano na sya katagal roon. All he wanted to do is to feel really tired upang kapag makauwi na sya ay makakatulog sya agad at hindi nya na maisip ang mga frustrations nya. May driver naman syang kasama.

The next days came so fast. Walang ginawa ang lalaki kundi magpalipas ng oras sa panunuod ng mga movies, maglaro online at mag shopping online.

When weekend came, his co models asked him to go out. What a better way to welcome next week than to be merry that weekend.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now