Raindrops

4 2 0
                                    

"Raindrops"
✍ Scarlet Rain

Nakapalumbaba sa may bintana habang pinapanood ang bawat patak ng ulang masisilayan ng aking mga mata. Mga patak ng ulang nagpalaalala ng aking mga luha. Mga patak ng ulang pilit akong dinadala sa parte ng nakaraan na akala ko ay nakalimutan ko na.

Umuulan noon at wala akong payong na dala, maski jacket man lang ay wala. Madali akong lamigin kaya tinanong ko ang boyfriend ko kung may jacket s'yang dala, but he shook his head telling me he didn't brought a jacket with him also.

Napasimangot ako na nauwi sa pagngiwi dahil kahit nasa loob pa kami ng classroom ay damang-dama ko ang lamig ng pinagsamang hangin at ulan. He look at my eyes like he was searching something down to my soul, kapagkuwan ay bigla s'yang tumalikod. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya o ano.

But at the back of my mind, it's screaming me to get mad or atleast be disappointed with my boyfriend. Wala man lang s'yang naging reaksyon, ni hindi man lang ako pinagsabihan na dapat ay hindi ko kinalimutan ang jacket ko at payong, pero wala s'yang sinabi. Tumalikod lang.

'Tss. Edi wao, hindi naman sana ako mangangatog ngayon sa lamig kung hindi ko lang nakalimutan yung jacket ko eh' paghihimutok ng isang bahagi ng isipan ko.

Napasimangot ako nang ma-realize na walang June na bumalik sa tabi ko. Humalukipkip ako, at naupo nalang sa upuan, pilit na tinitiis ang lamig ng panahon. Nakayuko ako sa mesa, pilit na itinatago ang pagkadismaya. Nabigla nalang ako nang may mainit na bagay na lumukob sa katawan ko. Well it's noy actually hot, but it was warm. I look up only to see June smiling warmly at me, na para bang hindi ako tinalikuran bigla kanina. I was about to ask him kung saan sya nagpunta nang mapansin kong isang makapal na jacket pala ang nakapalibot sa akin, pinaharap niya ako sa kanya at isinuot sa akin ang jacket. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya and it seems like he understood what I was trying to ask.

"Nanghiram ako kay Krieya, tutal makapal naman ang balat ng isang 'yon kaya hiniram ko na. Alam rin niya ikaw ang gagamit kaya pinahiram" saad niya dahilan para lukubin ng mainit na haplos ang puso ko.

One minute ago, I was disappointed, but now I feel warm.

"Tiisin mo nalang muna ang pabango niya, ayokong manghiram sa mga kaibigan nating lalaki, nagseselos ako" dagdag pa niya dahilan para matawa ako.

Darn kahit saan talaga dala-dala niya ang pagiging seloso.

"Wag kang tumawa, alam mong nagseselos ako sa kanila kahit na kaibigan lang ang tingin mo" masungit na saad niya habang isinasara ang zipper ng jacket.

"Ayan tapos na. Tulog ka ulit, gisingin lang kita pagka uwian na" he said and then pat my head.

"Salamat" nakangiting bulong ko habang nakapikit at hinayaan na lamunin ng antok.

Napakurap ako nang biglang lumakas ang hangin at nabasa ako ng ulan. The raindrops are now cascading down to my face, making me wake up from the reality. Waking me up from that once in a lifetime memory of us.

Iyon ang huling magandang alaala ko sa kanya, sa tuwing umuulan ay hindi ko maiwasan na maalala s'ya. The raindrops remind me of him, of us. But just like the rain, it stopped and there comes the rainbow.

He fell out of love, hindi ko alam kung bakit pero wala na ang lahat. Just like the rain, our love has come to an end.

Few months after we broke up, he was chasing Krieya, at hindi kagaya nang sa akin, hindi sya puno ng pagseselos. Now I understand why he choose the rainbow instead of enjoying, and dancing with the rain. With the rainbow he felt the less struggle, the less hassle, the less excertion of effort, he could make her go head over heels, he's much confident than with me.

I am a disaster for him, and she was his serene haven.

Masakit pero kailangan kong tanggapin na hindi lahat kayang mag-enjoy sa ulanan. Kailangan kong tanggapin na kagaya ng ulan, ang pag-ibig na dala lamang ng bugso ng walang kasiguraduhang damdamin ay natatapos.

SCARLET INKWhere stories live. Discover now