Ang pagod ay hindi dahilan para magloko. Choice mo yun

14 5 0
                                    

___

Being in a long time relationship is one of the best feeling ever. Isa yun sa pinapangarap ng karamihan, yung makahanap ng taong mags-stay sayo kahit na anong mangyari, taong gusto kang makasama sa bawat taon, yung taong pipiliin na mag stay kahit maraming mas nakahihigit sayo--based on the judgement of  society. They say relationship goals daw kami, and I feel proud about that, na kahit sa paglipas ng ilang taon ay kami parin.

But maybe fate has it's own plan for us. He cheated on me. He CHEATED. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa nya.

We were on our 4th year as a couple, madami na kaming nalagpasan na pagsubok ng magkasama but we did stay together and made it up to now, being in each others arm.

May sakit si tatay that time at kailangan ng magbabantay sa kanya, kasi yung dalawa kong kapatid ay nasa malayo-- malayo sa lugar namin at ako lang ang pwedeng samahan si nanay sa pagbabantay so hospital. Araw araw gabi gabi akong puyat sa pagbabantay, at halos sa hospital na ako tumira, napapagod ako pero mas kailangan ni nanay ang pahinga kesa sakin.

Hanz, my boyfriend, that time is also in crisis, napag iinitan sya ng superior nya since newbie sya sa company na pinagtatrabahuan nya. Madalas din s'yang pagod sa trabaho. Kaya imbis na gustuhin kong makasama sya pag free time nya ay ibinibigay ko nalang para sa pahinga nya.

Akala ko hangga't mahal namin ang isa't isa, walang problema, wala kaming magiging problema,  malalagpasan namin pareho ang sitwasyon, pero ang lahat ng akala ko nabura nang dahil sa isang pangyayari. Pangyayari na yumanig sa buong mundo ko.

Nakalabas na si tatay nun sa hospital kaya umuwi na ako sa condo unit namin-- oo namin, unit namin dalawa ni Hanz after 2 weeks. We've been living together for 3 months na since plano na din naming magpakasal once makaipon na kami for the both of us, ipon na enough for us not to ask for money from our parents.

Pero ang nadatnan ko ang nagpaguho ng mundo ko, ng lahat ng pangarap ko --namin.  Nagkalat na mga damit sa sahig ang sumalubong sa akin the moment I entered our unit. Ang daming scenario ang pumapasok sa utak ko at the moment pero siguro sadyang masokista nga talaga ako, I already have the clear thought at the back of my mind yet I still want to confirm lahat ng hinala ko.  So I decided to go to our bedroom. 

And  I was right.

There he was lying under those sheets with another woman sleeping next to him, NAKED. 

Nag unahang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Yung tipong lahat ng pagod ko biglang binato sa akin sa isang bagsakan na halos di ko na magawang makaalis pa, na sa sobrang bigat ay di ko na kinaya pa. Yung feeling na naglahong parang bula lahat ng pangarap namin, pati yung pangako nya kinalimutan nya na.

   Ang sakit. Ang sakit makitang yung taong mahal mo, yung taong pinangarap mong makasama habang buhay ay may kasamang iba, may kayakap na iba at hindi ako bobo at mas lalong hindi ako tanga para isipin na walang nangyari sa kanila.

Pero kahit ganun ang nadatnan ko, hindi ako umalis sa unit namin-- sa mismong pwesto ko. I need to confront him, I still want to ask him kung bakit nya nagawa yun.

Few moments passed he woke up. But to his horror, nakita nya ako sa harap nya, huling huli sya sa ginawa n'yang kalokohan. At bakit ba naman sa lahat ng lugar dito pa mismo sa lugar kung saan ako uuwi. He did not even pay respect to me. Nagawa nya pang dalhin sa mismong unit  NAMIN ang babae nya.

Dali dali s'yang bumangon at nagbihis, not minding the one he slept with.

"Let's talk" malamig kong sabi, even deep inside i was dying in pain. Nauna na akong lumabas ng kwarto, sumunod naman sya.

When we reached the living room, I slapped him hard. Doon na din bumuhos ang luha kong akala ko naubos ko na kakaiyak kanina pa.

"How could you do this to me Hanz?" naiiyak kong saad habang nakatingin sa kanya kahit malabo na ang paningin ko dahil sa luha.

"I'm sorry"

"W-What? Yun lang sorry? How could you?  Pagkatapos ng nakita ko, yun lang? Bakit ano bang mali sakin? Kulang pa  ba ako na maghahanap ka pa ng iba? Am I not enough?"

"I'm sorry I didn't mean it, nadala lang ako sa sobrang pagod. Pagod na pagod na ako Keith. I'm sorry. Pagod na ako na sa bawat lumipas na araw ay nauubos ako, kailangan kita sa tabi ko Keith pero wala ka. And there was Yane, sya yung dumamay sa'kin nung panahong ubos na ubos na ako. Im sorry kung nadala ako "

Napatawa ako ng pagak sa sinabi nya.

"Nadala ka lang dahil sa pagod? Yun na yun? This is bullsh*t Hanz. Pagod na pagod din naman ako ah, kailangan din naman kita ah? Ubos na ubos din naman ako pero lagi kong iniisip na busy ka din kaya kahit pa kailangan kita dun sa hospital palagi, kailangan ko ng mapaghuhugutan ng lakas, ng taong masasandalan kasi nahihirapan na din ako sa sitwasyon ni tatay eh hindi na kita inabala kasi alam kong pagod ka rin sa trabaho mo. Kahit pa gustong gusto kong nasa tabi kita, gusto kong kayakap kita at magsusumbong ako  ng lahat ng sakit dito sa puso ko ay hinayaan kitang magpahinga kasi alam kong kailangan na kailangan mo rin yun"  mahabang litanya ko, not minding my tears falling freely on my cheeks.

"Pero eto ang maabutan ko? Eto? Fvck ni minsan hindi sumagi sa isip ko na lolokohin mo ko pero eto pala ang gagawin mo" dagdag ko pa

"I'm sorry" nakayukong sambit nya ng naiiyak pa din

"Mahal na mahal kita Keith. I'm sorry kung nagawa kitang saktan" dagdag nya pa

"Yun naman pala eh, mahal mo ko pero bakit di mo yun naalala nung may ibang babae kang kalampungan? Dahil sa tanginang pagod na yan nagawa mong magloko. Damn Hanz you always have a choice not to swayed by any temptation yet you choose to CHEAT. Hindi rason yung pagod ka para makapagloko ka, choice mo yun kung mananatili kang faithful sa partner mo o mas  pipiliin mong magloko.

Nga pala, we're done" pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa unit namin- noon kasi hindi ko na kaya pang manatili sa lugar kung saan kami sana mag u-umpisang bumuo ng pangarap naming pamilya na sya ring lugar ng paglaho ng lahat ng iyon.

Exhaustion was never a reason to cheat, it's your choice.

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon